CHAPTER 3:

6.3K 118 2
                                    

Nag drive na ang dalaga papuntang Laguna. May dala rin itong kunting damit para may pampalit siya. Nasa kahabaan na siya ng Cavitex ngayon.

"Bwisit na lalaki iyon akala mo kung sino, siya na nga itong naka bungo eh.." naiinis na usal ng dalaga.

Ayaw kasi niya sa inasta ng lalaki kanina kaya nanggagalaiti ito ngayon sa galit.

"Makahawak sa bewang ko akala mo boyfriend eh, ang kapal talaga ng face niya.." dagdag pa ni Maribel.

Natigil lang ito ng maalala niya ang mukha ng lalaki kanina at lihim siyang napangiti.

'Pero ang gwapo niya huh, ang amo ng mukha at ang tangos-tangos ng ilong.' laman ng isip ng babae.

Paliko na siya papuntang Nagcarlan ng biglang may nag overtake na sasakyansa kanyang harapan. Naka preno naman siya agad kaya hindi sila nagkabanggaan.

"Aba loko rin ito ah, akala mo kung sinong racer at kung makaliko ay pag aari ang daanan..." gigil na wika ng dalaga at bumaba.

Tinungo niya ang sasakyan na naka hinto sa hindi kalayuan upang pagsabihan ito.

"Hoy! bumaba ka nga jan, alam mo ba kung anu ang ginawa mo?" sigaw ng babae sa harapan.

Napahilamos naman si Enoch dahil sa nangyari akala niya ay katapusan na niya ito. Nagmamadali kasi siya dahil nauna na ang mga kasama niya sa beach.

"Thanks god i'm alive..." usal niya at pumikit.

Nagulat nalang siya ng may marinig itong sigaw ng babae sa labas habang kinakalampag ang pintuan ng kanyang kostse.

"Sino ba itong istorbo na....." hindi niya natuloy ang sasabihin.

Ang babae kanila sa bookstore ay nasa labas lang at galit na galit ito.

"Hoy lumabas ka kung sino kamang sira ulo ka..." bulyaw ng babae sa labas sabay kalampag.

Napangiti si Enoch, ang pagkakataon nga naman, hindi niya nakilala ang babae kanina kaya hindi niya alam ang pangalan nito.

"Pagkakataon ko na ito..." bulong niya sa sarili.

Unti-unti niyang ibinaba ang windshield para makausap ang dalaga. Ngumiti rin siya ng pagkatamis-tamis.

"Hi miss maganda...." bati niya ng may mga ngiti.

Nagulat naman si Maribel ng bumukas ang bintana ng sasakyan, lalo na ng makita niya kung sino ang nasa loob nito.

"Ikaw....." usal ng dalaga.

"Yes, ako nga...." wika ng estranghero na may malapad na ngiti.

"Nakakabwisit ka rin eh no, kanina muntik na akung matumba tapos ngayon balak mo pa akung ibangga, hoy! lalaki kung balak mujg magpakamatay huwag mo akung idamaya...." pagtataray ng dalaGa.

Umuusok na ang ilong niya sa galit ngayon lalo pa't itong lalaki na 'to ang kaharap ng dalaga.

"Look miss maganda, hindi ko a
sinasadya ang mga nangyayari,nagmamadali kasi ako ngayon.." paliwanag ng lalaki.

"Ewan sa iyo, sana sa susunod hindi na magkrus ang mga landas natin at baka mabasag ko na iyang pagmumukha mo, huwag ka ng magpalusot lumang style na iyan...." saad ni Maribel.

"Bakit ba ang init-init ng dugo mo sa akin wala naman akung ginawa ah..." sagot ni Enoch.

"Aba, nakalimutan mo yata na muntik na akung maaccidente ngayon mr." usal ng dalaga.

"Hindi ko na nga sinasadya iyon, ang kulit...." tutan ng binata.

"Bwisit makalayas na nga lang...." saad ni Maribel at umalis.

Napangiti si Enoch ng makita ito, ngayon niya lang rin napansin na maganda pala talaga ang hubog ng katawan ng babae.

"Nag tambok naman ng puwet niya at ang liit nga talaga ng bewang, simple lang ito manamit pero bagay." bulong ng lalaki.

Sumakay si Maribel at agad na pinaharurot ang sasakyan.Kailangan niyang makaalis ngayon din sa lugat na iyon.

Napa-iling ang binata sa nakita niya at ngumiti nalang ito. Pumasok na siya sa sasakyan at umalis na rin doon.

"Oh! Bel anu nangyari sa iyo at parang hindi mapinta iyang pag mumukha mo." tanung ni Mary Rose sa kapatid.

Kadarating lang ng dalaga ng sinalubong siya ng kanyang ate, hanggang ngayon ay gigil parin siya.

"Wala ate na iinis lang ako..." tipid na sagot niya.

Napa-iling nalang si Mary Rose sa hitsura ng kapatid. Ngayon niya lang nakita na nagkaganito ito.

"Titaaaa.... i miss youuuu...." sigaw ni Joy habang papalapit sa kanya.

Napangiti siya at agad na sinalubong ng yakap ang pamangkin. Pinugpog rin niya ito ng halik.

"Hahahaha, tita nakikiliti ako...." saad ni Joy na slang ang pagkasabi.

Hindi pa kasi ito derecho magsalita ng tagalog kaya kung hindk matigas ang pagkabigkas ay slang.

"I miss you too baby, how is your study?" tanung ni Maribel.

"It's oky tita, i'm doing well..." masayang sagot ng bata.

"That's good baby, hmmm i have something for you.." kay lapad ng ngiti ni Maribel.

"Really tita?" wika ng bata at namilog ang mga mata.

"Yes baby, come with me..." sagot ng dalaga.

Pumunta sila sa likurang bahagi ng sasakyan at dahan-dahang binuksan ito ng dalaga.

"Charan....." usal ni Maribel.

Lumaki ang mata ni Joy sa nakita sa loob. Napatakip rin ito ng bibig at ang ngiti ay hindi maalis-alis.

"Is that at for me tita?" tanung ng bata.

Bakas ang kasiyahan sa kukha nito kaya napangiti siya maging ang ate Mary Rose niya.

"Yes baby, it's all for you, you can get all of that and bring it into your room..." sagot ng dalaga.

Agad tumalima ang bata at unang kinuha ang mga books na binili niya. Dinala naman nila ang iba pang naiwan. Si Mary Rose ang nagbitbit ng mga grocery na binili niya.

"Thank you so much tita..." saad ni Joy at yumakap sa kanya sabay halik.

"Your always welcome babay..." tugon naman niya.

Masaya silang nagkwentohan ng kanyang kapatid hanggang sa napunta ito sa lalaking nakasalubong niya.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon