CHAPTER 28:

4.8K 75 0
                                    

Lumalim pa ang halikan na iyon at kapwa nadala sila sa bugso ng mga damdamin nila pero natauhan ang binata ng maalala na kakagaling lang ng dalaga sa ospital kaya ito ang unang kumalas.

"Sorry sweetheart..." usal nito.

Naupo siya sa tabi ng kama at napahilamos ng kamay sa mukha, timalikod naman ang dalaga dala ng hiya dahil siya ay may kasalanan rin.

"Pa-pasensya rin nadala rin ako." usal ni Maribel.

Humiga ulit ang binata at niyakap ang dalagang naka talikod. Hindi naman nag reklamo ang dalaga bagkus ay natuwa pa ito sa loob niya.

"Mahal kita sweetheart at handa akung maghintay ng tamang panahon. At kung may pagkakataon pa ako sayo nais kung malaman mo na IKAW ANG LAHAT SA AKIN, mahal kita at ayaw kong nakikita na nasasaktan ka, ang nakita mo sa opisina ay mali, i admit may kasalanan ako dahil nakipaghalikan ako pero hindi ko intensyon iyon dahil akala ko ikaw ang humahalik sa akin kaya tinugon ko pero ng dumilat ako hindi pala kaya naitulak ko siya, hinabol kita pero wala kana, nag-abang ako sa bahay mo, doon rin ako natulog pero hindi ka umuwi, alam mo ba sweetheart na buhay na ang mga bulaklak at ang dami na nilang bulaklak. Sana may chance pa na maayos natin ang lahat ng ito, hindi ko kaya na mawala ka sa akin sweetheart mababaliw talaga ako." madamdaming wikang binata.

Tahimik naman na napaiyak ang dalaga sa mga narinig hindi niya akalain na mali pala ang kanyang nakita. At sa nalaman mas lalo pa niyang minahal ang binata.

"Pero kung wala na talagang chance oky lang makita lang kitang masaya, masaya na rin ako." usal ulit ni Enoch.

Naramdaman niyang yumogyog ang balikat ng dalaga at alam niyang umiiyak ito kaya hinigpitan ng binata ang pagyakap.

"Sorry sweetheart ha kung nasaktan kita." bulong niya.

Ngayon na naliwanagan na ang dalaga ay pinahid niya ang mga luha at humarap sa binata.

"Sorry rin honey kung hindi ko hinintay ang mga paliwanag mo ha, nadala lang kasi ako sa emotion ko, ang sakit kasi na makitang may kahalikan ka na iba." usal ng dalaga.

Tumulo na naman ang mga luha niya kaya pinahid ito ng binata tapos ay hinalikan sa noo.

"Sssshhhhh,,, enough na sweetheart ayaw ko na nakikita kang umiiyak kaya tahan na tapos na rin ang lahat. Hindi na ako makipag deal kay Gwen dahil ayaw ko na nasasaktan ka, pwede bang kalimutan nalang natin ang nakaraan at magsimula na tayo ng panibago?" tanung ng binata.

Yumakap ang dalaga at dinampian ng halik ang binata gumanti rin si Enoch sa kanya. Kapwa kapos-hininga sila nt maghiwalay.

"Oo honey magsisimula tayo ulit sorry ha at salamat." usal ng dalaga.

"Salamat saan sweetheart?" takang tanung ng binata.

"Sa pag-aalaga mo sa akin sa ospital at sa walang sawa na pagmamahal." tugon ng dalaga.

"Basta para sa iyosweetheart gagawin ko ang lahat." wika ni Enoch.

Naghalikan ang dalawa at habol hiningga ng maghiwalay, may mga ngiti na rin sa mga labi nila at sabay silang natulog.

"Kamusta kana sis? blooming ah." wika ni Mary Rose na naka ngiti.

"Masaya lang sis." tugon ng dalaga.

"Nagka-ayos naba kayo ni Enoch?" tanung ng kapatid niya.

"Oo ate kagabi pa." sagot ni Maribel.

"Siguro nadiligan kana noh!" usal ng babae.

"Anung dilig sis?" takang tanung niya.

Natawa si Mary Rose sa kapatid pero masaya na siya oara dito. At masaya siya dahil kahit buong magdamg magkasama ang dalawa ay walang nangyari kaya kampante siya sa binata para sa kapatid.

"Gisingin mo na siya at gigisingin ko na rin ang mag-ama para sabay-sabay tayo na kumain.." utos sa kanya ni Mary Rose.

Tinungo ng dalaga ang silid at pinagmasdan muna ang binatang natutulog.

"Gwapo na ba ako para sa iyo sweetheart?" usal ng nakapikit na binata.

"Hindi ah." pasungit na sagot ni Maribel.

"Eh bakit mo ako tinititigan?" saad ng binata.

"Bakit masama ba tumitig?" pagmamaldita ng dalaga.

"Hindi naman pero ang mga titig mo iba eh parang..." pambibitin ni Enoch.

"Parang anu?" tugon ng dalaga.

"Parang may kasamang pagnanasa.." sagot ng lalaki sabay kindat.

Kaya namula ang dalaga dahil doon, daig pa niya ang sili na pula sapagkat pakiramdam nito ay napunta sa kanyang mukha ang lahat ng kanyang dugo.

"Tsee! pagnasaan mo iyang pagmumukha mo, bumangin kana jan at sabay na tayong kakain at naghihintay na sila." saad ng dalaga.

Tatayo na sana siya at tatalikod ng bigla siyang hinila ng binata papunta sa matipunong katawan nito.

"Aayyyy." gulat na wika ng dalaga.

Nagulat siya ng hilain ng binata kaya na out of balance ito. Mabuti nalang at nasalo siya ng katawan ng binata.

"Wala ha akong good morning kiss jan?" naka ngiting usal nito.

Sasagot na sana siya ng siniil ito ng halik ng binata, hindi na rin siya nanlaban bagkus ay tinugon niya ito Nakaramdam siya ng matigas na bagay malapit sa kanyang puson, hindi siya inosente sa ganung bagay kaya alam niya kung anu iyon. Habol-hiningga ng maghiwalay ang mga ito.

"Mauna kana sweetheart at susunod nalang ako." wika ng binata.

Kaya agad niyang inayos ang sarili at naunang lumabas napangiti siya ng maalala ito. Nakaramdam siya ng kakaibang init at excitement.

"Oh nasaan na ang bayaw ko?" wika ni Mary Rose.

"Bayaw? agad-agad ate!" sagot ng dalaga.

"Oo naman saan paba mapupunta iyan kung hindi sa kasalan kaya bayaw ko na siya." usal ng kanyang ate.

"How are you tita?" tanung ni Joy.

"I'm fine princess, kaya don't worry oky." sagot ng dalaga.

"Oky, eat well and alwats take care your self tita huh." usal ng bata sa kanya.

"I will babay." sagot ni Maribel at ngumiti.

Pababa na ang binata, habang nag-aayos ito ay tumawag siya sa kanyang ina at may ipinakausap ito.

"Kain kana bayaw.." yaya ni Mary Rose.

Ngumiti lang ang binata at umupo sa tabi ng dalaga tsaka sinulyapan niya ito, may mga ningning sa mata ng kanyang kasintahan.

"Sweetheart pagkatapos kumain may lakad tayo ha." usal ng binata.

"Saan naman honey?" tanung ng dalaga.

"Basta..." maigsing tugon nito.

Natapos kumain ang dalawa at ipinaalam ng binata ang dalaga sa ate nito.

"Saan ba tayo pupunta sweetheart?" tanung ni Maribel habang lulan ng sasakyan.

"Basta may sorpresa ako para sa iyo." sagot ni Enoch.

Hindi na umimik ang dalaga hanggang sa makarating sila.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon