CHAPTER 27:

4.4K 86 0
                                    

Nakita ni Maribel ang kanyang sarili sa gitna ng kawalan, halos puro puti ang kanyang nakikita. May narinig siya na nagsasalita.

"Sleeping beauty please wake up...." wika ng boses.

Bilang kumabog ang kanyang puso, kilala nito kung kaninong boses iyon. May naramdamaN rin siyang kaunting kirot dito.

"Honey..... honey nasaan ka?" sigaw ng dalaga.

Nagpalinga-linga ito pero wala talaga siyang nakikita. Tumakbo siya pero napagod lang siya at wala parin itong nararating puro puti lang ang naroroon.

"Honey nasaan ka? natatakot na ako.." usal ng dalaga at umiiyak.

Lumabas na ng banyo ang binata, nadatnan niyang nakatulog na ang ina sa tabi ng sofa kaya kinimutan niya ito. Lumapit siya sa tabi ng dalaga at hahalik sana sa noo pero napansin niyang lumuluha ang babae.

"Sweetheart,,, sweetheart did you hear me?" bulong ng binata.

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinalikan napaluha na rin ito. Narinig ito ng dalaga kaya umangat siya upang hanapin kung saan galing ang boses.

"Honey, nasaan ka...." sigaw ng dalaga.

Takbo ito ng takbo pero hindi alam kung saan ito tutungo.

"Sweetheart open your eyes please..." Usal ulit ng binata.

May nakita na liwanag ang dalaga kaya sinundan niya ito, hanggang sa naabot ito ng kanyang kamay.

"Sweetheart wake up, open your eyes.." ulong ulit ni Enoch.

Dahan-dahang naimulat ng dalaga ang kanyang mga mata. Wala itong nakita kahit anu sa paligid kundi kadiliman.

"Ate.... ate nasaan ako?" usal nito na naka dilat ang mata.

Nagalak ang binata dahil nagmulat na ang dalaga kaya agad niyang pinindot ang pulang button sa ulohan ng dalaga para ipaalam sa mga nurse at doctor.

"Bakit ang dilim? Bakit wala akong makita? ate nasaan ka? honey? nasaan kayo?" usal ng dalaga.

"Sweetheart naririto lang ako." nag-aalalang wika ni Enoch at hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga.

"Honey bakit madilim?" umiiyak na wika ni Maribel.

"Anung madilim ang liwanag naman sweetheart ah." usal ng lalaki.

"Hindi ang dilim, wala akung makita." tugon ng dalaga.

Maya-maya ay dumating na ang mga doctor kaya nagising na rin si Livia.

"Doc, bakit ganun, wala daw siyang makita?" usal ng binata.

Kasalukuyang sinusuri ng ibang doctor at nurse ang babae hanggang sa makatapos ang mga ito.

"Mr. Aguaras can we talked?" usal ng doctor.

Lumabas ang mga ito pagkatapos suriin ang dalaga, binigyan rin nila ito ng pampakalma upang makapagpahinga.

"May temporary blindness siya, sanhi operasyon dahil maraming bubog na pumasok sa kanyang mata, ok na rin ang condition niya kailangan lang ng pahinga, after 2 or 3 days babalik na rin ang paningin niya, iwasan ninyo na ma stressed niya for her fast recovery, iyon lang." paliwanag ng doctor.

"Salamat doc." tugon ng binata.

Daawang oras ang lumipas ng magising ulit ang dalaga, nang magdilat siya ay may naaaninag na ito.

"Ate ko.." usal ni Maribel.

Agad lumapit si Mary Rose sa kanya, nang malaman nila na nagising na ang kapatid ay agad pumunta ang mga ito doon.

"Bakit sis? nagugutom kana ba? anu gustk mong kainin?" usal ng babae.

Lumipas ang isang linggo at tuluyan ng gumaling ang dalaga, todo alaga naman si Enoch sa kanya hanggang sa makauwi ito.

"Sa-salamat..." wika ng babae.

"Pahinga ka ng mabuti sweetheart para gumaling ka kaagad ha." wika ng binata.

"Magaling na ako ah, tsaka malakas na nga eh." tugon ng dalaga.

"Hindi kapa magaling kaya magpahinga ka oky." saad ng binata.

Hinalikan niya sa noo ang dalaga at kinumutan, tatalikod na sana siya ng magsalita ang dalaga.

"Can you stay with my side please!" usal ng dalaga.

Napalingon ang binata sa kanya, may katanungan ang mga mata kaya nagsalita ang dalaga.

"Please honey dito ka muna huwag mo akong iwanan." usal ng dalaga.

"Oky, oky kung iyan ang gusto ng mahal ko." usal ng binata.

Lumapit siya sa dalaga at tumabi dito. Yumakap naman ang dalaga sa kanya kaya kinabig ng binata ang babae upang doon humiga sa kanyang braso.

"Matulog kana sweetheart dito lang ako babantayan ka." bulong ng binata at hinalikan ang noo ng babae sabay haplos sa buhok.

"Salamat honey." usal ng dalaga.

Dahan-dahan itong pumikit hanggang sa maka tulog ito. Napatingin naman si Enoch sa maamong mukha ng dalaga.

'Sorry sweetheart pero sana bigyan mo ako ng chance para makapagpaliwanag.' sa isip ng binata

Nakatulog na rin ang binata dala ng pagod at puyat. Nagising ang dalaga sa bigat na naka patong sa kanya kaya dumilat ito. Namulatan niya ang gwapong mukha ng binata na nakayakap sa kanya.

'Pumayat yata siya at ang balbas humaba na pati ang buhok. Parang napabayaan ang sarili.' sa isip ng dalaga.

Tinitigan ng maigi ng dalaga ang lalaki at menemorize ang bawat parte ng mukha nito, mula sa noo hanggang kilay, pati mata at ilong nito hanggang sa mapupulang labi niya. Napalunok ang dalaga.

Parang may sariling buhay ay dumampi ang labi ng dalaga sa labi ng lalaki na natutulog. Naramdaman naman ito ng binata kaya tinugon niya.

'Ang ganda naman ng panaginip na ito, teka baka hindi si Maribel ito.' sa isip ng binata.

Dahan-dahan na iminulat ni Enoch ang isang mata nakita niya na naka pikit ang dalaga at patuloy sa pagtugon sa halik niya.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon