CHAPTER 12:

4.8K 89 0
                                    

Masayang gumising ang dalaga at pakanta-kanta pa ito habang naliligo, hanggang sa makatapos ito.

"Sana walang darating na problema sa amin..." usal ng dalaga.

Pagkatapos maligo at mag-ayos ng sarili ay tinungo niya ang kusina at nag luto ng kanyang almusal. Pagkatapos ay kumain siya at nagtungo sa kanyang opisina.

"Good morning sweetheart..." bati ni Enoch sa kanya.

Napaka lapad ng ngiti ng binata sa kanya. May dala itong bulaklak na rosas.

"Go-good morning rin ho-honey..." sagot ng dalaga.

"Para sa iyo sweetheart..." wika ng binata.

Inabot sa kanya ang bulaklak at nagdadalawang isip siya na tanggapin ito o hindi pero parang may sariling buhay ang kanyang kamay at kinuha ito.
"Let's go sweetheart..." yaya ng lalaki.

Inilahad pa ang kamay nitk sa kaya, hindi ito tinanggap ng dalaga pero kinuha ng binata ang kamay niya at pinatung sa kanyang braso.

"Ang swerte naman niya..." bulong ng isang empleyado na babae.
Sila ang pinagtitinginan ng mga naroroon hanggang sa makapasok sila sa elevator at opisina.

"Good morning ladies and gents..." bati ng binata sa mga naroroon.
Nais ng dalaga na bawiin ang kamay niya dala ng hiya na nararamdaman pero hinigpitan pa ng lalaki ang paghawak doon.

"Nais ko ipaalam sa lahat na si Miss Saban at ako ay opisyal na magkasintahan na kaya sa may balak manligaw sa sweetheart ko, huwag na ninyong tangkain pa dahil ako ang makakalaban ninyo....." usal ng binata.

Umugong ang bulong-bulongan sa paligid kaya napayuko ang dalaga dahil alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Enjoy your day everyone...." wika pa ni Enoch.

Inakay nito ang dalaga hanggang sa makarating ito sa sarili niyang table at ipinaghila pa ito ng upuan.

"Enjoy your day sweetheart, see you in lunch..." wika ng binata.
Walang pasabi ay hinalikan niya ito sa noo at sa labi na siyang ikinatulala ng dalaga.

'Totoo ba ang kga nangyayari ngayon?' katanungan sa isip nito.
Umalis na ai Enoch at pumasok ng opisina, naiwan ang dalaga na lutang ang kanyang isipan at tulala parin.

"Hoy, Bel nakikinig ka ba?" tanung ni Rhea, isang kasamahan niya.
Nagulat ang dalaga kaya bumalik ang katinuan niya. At hinarap niya ang babae.

"Ah anung sinasabi mo Rhea?" tanung ni Maribel.

"Ay kanina pa ako nagsasalita hindi ka rin pala nakikinig, hinalikan ka lang lumipad na ang iyong isipan, sabi ko totoo ba na kayo na ni Sir Enoch?" tanung ng kasama niya.

Napayuko ang dalaga at natahimik sa narinig, namula kasi siya kaya nais niyang itago ito.

"Silence means yes, so kayo na pala talaga...." usal nito.

Inayos ng dalaga ang sarili bago humarap dito. Tapos ay ngumiti siya ng matamis.

"Oo noong nakaraang araw lang, unang nagkita kami sa bookstore then sa Laguna at sa resort...." wika ng dalaga.

"Ang daya mo naman bakit hindi mo sinabi sa akin...." saad ni Rhea.
"Hindi ko naman akalain na liligawan niya ako at kahapon ko lang nalaman na siya ang anak no ma'am...." sagot ng dalaga.

Hindi na sinagot pa ng dalaga ang ibang tanung ni Rhea sa kanya dahil may trabaho pa itong gagawi . Hindi niya namalayan ang pagdating ng lunch.

"Sweetheart time for lunch..." wika ng binata.

Hindi niya namalayan na nasa harapan na ito. Nagulat pa nga siya ng magsalita ang binata.

"Ah-ha ganun ba..." usal ni Maribel.

Tumayo ito at inayos ang sarili, tapos ay inalalayan siya ng binata ng maglakad sila.

"Saan tayo pupunta?" takang tanung ng dalaga.

"Kakain at mamamasyal sweetheart." kampanteng sagot ni Enoch.

"Pero honey may trabaho tayo kaya kailangang bumalik tayo doon..." tugon ng dalaga.

"Huwag kang mag-alala sweetheart ako ang bahala..." sagot ng binata.

Narating nila ang restaurant kung saan nagpareserve ang binata at kumain sila doon. Pagkatapos ay nagtungo sila sa amusement park.

"Sweetheart lets try this..." yaya ng binata.

Nasa harap sila ngayon ng ferris wheel. Nag-aalangan ang dalaga dahil takot ito sa heights.

"Sigurado ka jan honey?" saad ng dalaga.

"Yes sweetheart..." wika ni Enoch.

Hinawakan ng binata ang kanyang kamay at pumasok na sila. Nang umandar ito ay napapikit ang dalaga at napahawak ng mahigpit sa binata.

"Sweetheart oky ka lang?" tanung ng binata.

"Ha-honey ta-takot a-ako sa ha-heights..." nauutal na wika ng dalaga.

Nanginginig ang kamay ni Maribel kaya niyakap siya ng binata. Naging kampante naman ang kaba na nararamdaman ng dalaga.

"Don't worry sweetheart i'm here with you..." bulong ng lalaki.

Nakarating na sila sa taas at binulungan ng binata ang babae.

"Open your eyes sweetheart..." wika nito.

"But...." nag-aalangan ang dalaga.

"Don't be scared sweetheart.." saad ng binata.

Dahan-dahang minulat ng dalaga ang mata at namangha siya sa nakita.

"Wow...." usal niya.

"See, it's beautiful here at the top sweetheart..." naka ngiting wika ni Enoch.

Namangha ang dalaga sa ganda ng tanawin, halos kita ang lahat ng tanawin doon. Parang maliliit na laruan lang ang mga buildings at ang mga tao parang langgam lang ito.

"Amazing.... so beautiful..." sambit ni Maribel.

Napangiti naman ang binata ngayon niya lang nakita kung gaanu kaganda ang dalaga pag ngumingiti ito.

"Do you like it?" tanung ng binata.

Tumango ang dalaga bilang tugon at hinigpitan ng binata ang kanyang pagyakap. Natapos ang pagpasyal nila ng kapwa may ngiti sa labi.

"Salamat honey ha..." wika ng dalaga.

"Walang anu man sweetheart para sa iyo..." sagot ng binata at napa ngiti.

"Bakit?" pagtataka ng dalaga.

"May naalala lang ako..." sagot ng lalaki.

"Anu?" saad ng dalaga.

"Ang hitsura mo noong takot na takot ka..." usal ng binata.

Tumaas ang kilay ng dalaga at sumimangot ito. Kaya mas napatawa ang binata.

"Ilove you sweetheart..." saad ni Enoch.

Hindi na niya hinintay ang sagot ng dalaga at agad na dinampian ng halik.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon