CHAPTER 4:

5.5K 116 1
                                    

Tawa ng tawa si Mary Rose sa kanya dahil sa mga narinig nito. Lalo pa ng makita ng kanyang kapatid ang pang gigigil niya.

"Baka naman hindi talaga sinasadya ng tao ang nangyari Bel.." wika ni Mary Rose.

"Anung hindi ka jan ate eh pangalawang beses na iyon kanina..." usal ng dalaga.

"Malay mo nagkataon lang...." saad ulit ng kanyang ate.

"Hanep naman na pagkakataon iyon ate dalawang beses talaga, anu iyon may second chance." tugon ni Maribel.

"Hahahaha eh bakit ba gigil na gigil ka sa kanya wala namang ginagawa sa iyo..." turan ni Mary Rose.

"Ah basta ate ayaw ko sa kanya, puro kamalasan inaabot ko eh..." katwiran ng dalaga.

"Aayaw-ayaw ka baka naman sa huli niyan mailove ka doon ha...." sagot ng kanyang ate.

"Never mangyayari iyan ate dahil hindi na kami magkikita pa muli... " usal ng babae.

"Huwag kang magsalita ng patapos Bel,lalo pa't hindi natin alam ang mga mangyayari bukas...." sagot ni Mary Rose.

Natahimik ang dalaga, may point ang ate niya. Walang nakakaalam ng mga mangyayari kaya hindi natin maaring pangunahan ito.

"Matulog na tayo Bel at bukas ay maliligo tayo sa dagat doon sa kabilang bayan..." turan ng kanyang ate.

"Sige ate mauna kana at mamaya nalang ako, magpapahangin muna ako doon sa labas..." sagot ng dalaga.

Umalis na si Mary Rose at pumanhik na ito sa taas kaya naiwan siyang mag-isa sa sala.

"Doon nga muna ako sa garden para makalanghap ng sariwang hangin.." bulong niya at tumayo ito upang lumabas.

Tinungo ng dalaga ay garden at doon siya nahiga sa may duyan. Tapos ay dahan-dahan niyang ginalaw ito.

'Hmmm ang lamig ng simoy ng hangin, ang linis hindi tulad sa manila na puro alikabok..' sa isipan niya.

Pumikit ang dalaga at ninamnam ito, tumagal siya ng ilang sandali pa tsaka umupo.

'Bakit parang biglang lumamig ang simoy ng hangin eh maliwanag naman ang kalangitan dahil sa buwan...' sa isip ng dalaga at nagpalinga-linga.

Natuon ang paningin niya sa kalsada banda. May babaeng naka puti na naglalakad doon. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo lalo na sa pag-ihip ng malakas na hangin at kasama ang kakaibang lamig.

'Diyos ko multo yata ang nakita ko na ito...' sa isip ng dalaga habang titig sa naglalakad na taong naka puti.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ito na lumutang sa ere papunta sa isang malaking puno sa kabilang kalsada.

"Whooooaaaaaaa........ inay ko poooooo....." sigaw ng dalaga at agad na tumakbo.

Pumasok siya sa silid ng bahay at agad sinara ang pintuan. Nagising naman ang mga tao doon pati ang dalawang katulong.

"Anung nangyari sa iyo ma'am Bel?" tanung ng isang katulong.

Pero parang walang narinig ang dalaga, natulala ito at parang pinaku sa likod ng pintuan. Nagtaka namAn ang lahat maging si Mary Rose.

"Manag paki kuha ho ako ng isang basong tubig..." utos ng babAe.

Agad namang sumunod ang katulong, kumuha ito at agad na bumalik. Pinainom nila ng tubig ang dalaga.

"Anung nangyari sa iyo Bel?" nag-aalalang wika ni Mary Rose.

"Ka-kasi ate.... a-anu eh.. ka-kasi..." na-uutal na wika ni Maribel.

"Anung kase?" saad ni Mary Rose.

"Ma-may Mu-multo do-doon ate..." wika ng dalaGa.

Nagsalubong ang kilay ng tatlo at nagkatinginan sila. Alam nila ang tungkol doon dahil maging sila ay nakita nila ito.

"Nakita mo rin pala ma'am..." usal ng matanda.

"Bakit po manang?" tanung ng dalaga.

"Kasi po ma'am may namatay jan dati, isang malagim na accidente ang nangyari sa puno na iyon." usal ng matanda.

"Ganun po ba manang...." sagot ng dalaga.

"Oo ma'am kaya daw nagpapakita iyon kasi hindi siya matahimik...." sabad ng isa.

"Kaya kung ako sa iyo ma'am huwag na po kayo lumabas lalo na pag gabi na at bilog ang buwan, ayon kasi sa matatanda pagbilog ang buwan nagsisilabasan ang mga iyan..." wika ng matanda.

"Salamat ho manang..." usal ng dalaga.

Natawa naman si Mary Rose sa hitsura ng kanyang kapatid. Kita ang takot nito.

"Kaya Bel matulog kana dahil baka mamaya lapitan kapa noon sige ka...." wika ng babae at ngumiti.

"Ate naman eh..." usal ng dalaga.

"Oh sige at matutulog na ako Bel at ikaw rin...." wika ni Mary Rose.

Umalis na ang mga ito at naiwan ang dalaga, agad naman siyang pumasok sa silid at natulog na doon.

"Good morning ate...." bati ng dalaga.

"Good morning rin, buti at hindi ka minulto ulit." naka ngiting saad ni Mary Rose.

"Ate ang aga-aga nananakot na..." maktol ng dalaga.

"Siya! siya mag-ayos kana at ng maka alis na tayo..." utos ng babae sa kapatid.

Nag-ayos ang dalaga, naligo ito at nagbihis ng damit na pang beach tapos ay bumaba na ito upang maka-alis na sila.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon