CHAPTER 16:

4.3K 88 0
                                    

Naging masaya ang huling araw ng dalaga doon, inihatid siya ng binata bago umuwi.

"Ingat sa pagdrive honey ha..." bilin ng dalaga.

Humalik muna ang binata bago ito pumasok ng kotse niya.

"I will swetheart..." sagot ng binata.

Maagang nagising ang dalaga, excited ito na pumasok dahil ito ang unang araw na siya na ang secretary ng binata. Inayos niya ang sarili at umalis na ito patungung opisina.

"Ang aga mo naman yata sweetheart...." wika ng binata na halos sabay silang dumating

"Hindi naman honey..." kiming sagot ni Maribel.

Sabay silang pumasok na dalawa at magkahawak kamay pa kaya magtinginan ang mga empleyado at empleyad. Ang iba ay kinilig at ang iba ay naiinggit.

"Good morning ladies and gentlemens, i want to introduce to all of you, my girl Miss Maribel Saban and soon to be Mrs. Aguaras is my new and personal secretary from now on, sana maging maayos ang pakikipa-trabaho ninyo sa kanya...." wika ng binata.

Yumuko ang dalaga dahil sa ginawa ni Enoch. Lahat kasi ng mga mata ay naka tuon sa kanila lalo na sa kanya.

"Kung anu ang ipinakita ninyo na kabutihan sa akin sana sa kanya ay ganun rin, nagkakaintindihan ba tayo..." wika pa nito.

Napansin ng binata na naka yuko ang dalaga kaya inangat niya ang ulo nito. Alam niya kasing nahihiya pa ito.

"Yes sir......" sabay na sagot ng mga empleyado doon.

"Don't be shy sweetheart..." bulong ng binata.

Namula ang dalaga ng marinig ito at napangiti ang mga empleyado doon. Hinalikan siya ng binata sa noo na siyang nagpakilig sa mga kababaiha doon.

"Oky guys go bach to your given position and start working...." utos ng binata.

Tumalima naman ng lahat upang bamalik at hinila niya ang dalaga sa magiging table nito.

"From now on ito ang magiging table mo sweetheart.." usal ng binata.

"Thank you honey..." sagot ni Maribel at ngumiti.

Nagsimula na ang lahat na magtrabaho. May mga makapagpalagayan ng loob ang dalaga ng araw na iyon.

"Sweetheart lunch break na..." sambit ng binata.

Hindi namalayan ng dalaga ang pagdaan ng oras kaya hindi niya alam na tanghalian na pala.

"Sorry honey na libang lang ako..." tugon niya.

Tumayo ang dalaga at inayos ang sarili at sabay sila na lumabas ng binata upang kumain sa canteen.

"Nabusog ka ba sweetheart?" tanung ni Enoch sa kanya.

"Oo naman honey...." sagot ng dalaga.

"Sweetheart may bussiness meeting ako at 3pm mamaya ha kay maghanda ka at kasama ikaw...." usal ng binata.

"Oky honey walang problema...." saad ni Maribel.

Pagdating ng hapon ay sabay silang umalis ng opisina upang pumunta doon kung saan makikipagkita ang ka meeting nila. Sa isang restaurant sila napunta.

"Wala pa ang ka meeting natin sweetheart, kain muna tayo..." saad ni Enoch.

"Ikaw ang bahala honey....." saad ni Maribel.

"Oky honey magmemerienda muna tayo....." saad ni Enoch.

Tinawag ng binata ang waiter at kinuha ang kanilang order. Pagkatapos ay naghintay sila bago dumating ang kinuha nila.

"Ito sweetheart try this....." saad ng binata sabay subo ng pasta sa dalaga.

Nginuya naman ito ni Maribel hanggang sa nilunok niya at nagsalita.

"Ang sarap honey....." sambit ng dalaga.

Narating ni Gwen ang restaurant, doon sila magkikita ng ka deal niya. Ang lalaking matagal na niyang lihim na minahal, si Enoch. Pero iba ang sumalubong sa kanya, ang sweet nilang dalawa ng babaeng kasama nila.

"Sino ang babaeng iyon?" bulong ng babae.

Umaapoy ang galit sa dibdib ni Gwen sa nakita, lalo na ang mga ngiti ng binata na kay tamis at ganun rin ang babae.

'Hindi pwede, hindi, akin ka lang Enoch, akin ka lang....' sigaw ng isip ni Gwen.

Umupo ang babae sa mesa na naka laan sa kanila. Nakita ni Enoch na dumating ang kadeal niya dahil may umupo na doon.

"Sweetheart, narito na siya..." bulong ng binata.

"Ganun ba sweetheart, tara na..." sagot ni Maribel.

Tumayo sila at tinungo ang mesa ng magkahawak kamay. Nanggagalaiti naman si Gwen sa nakita at gusto na niyang sabunutan ang babae pero nagtimpi ito.

"Hi Miss Salvador..." bati ni Enoch sa babae.

Ngumiti ang dalaga ng matamis at sinamahan pa ng makakaakit na tingin. Hindi ito nakaligtas sa mata ni Maribel.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon