CHAPTER 29:

4.9K 84 2
                                    

Narating nila ang lugar,tabi ito ng dagat at may mga mangilan-ngilan na tao doon. Pumasok sila sa isang cottage at iniwan siya ng binata sa loob noon. Maya-maya ay may pumasok na babae at bakla doon na may dala-dala na isang box.

"Ready kana ba ganda?" tanung nito.

Tumango lang ang babae bilang tugon, inayusan siya nito at nilagyan ng make up tapos ay ipinasuot ang isang puting gown.

"Anung meron at bakit puti ang gown ko?" tanung ng dalaga.

Nagtaka kasi siya sa mga nangyayari para may hindi siya alam tungkol doon at bakit may taga ayos siya.

"Ang ganda mo naman, bagay na bagay sa iyo." usal ng bakla.

Nang maayos na ay nilagyan nila ng belo ang dalaga at pinaupo sa sofa na puti. May pumasok na lalaking may dala na camera, kasunod ang kanyang ate at ama at ina.

"Anung ibig sabihin nito?" naguguluhang tanung ng dalaga.

"Oky ma'am ngumiti ho kaya ha, ikaw ma'am kayo muna ang kukunan ko." usal ng camera man.

Hindi naka palag ang dalaga kahit naguguluhan, sinunod niya lahat. Kinunan sila isa-isa hanggang sa buong pamilya na sila.

"Anak magbuhis kana." salubong ni Livia sa anak.

"Salamat mommy ha, naayos rin ang lahat, kinakabahan ako at baka hindi matuloy." usal ni Enoch.

"Relax iho be positive." usal ng matanda.

"Sana mom hindi siya tumanggi para hindi na kami mapaghiwalay pa." usal ng binata.

Nag-ayos na rin ito ng sarili hanggang sa sabay sila umalis ng ina patungo sa tabing-dagat kung saan naghihintay pa ang ibang sasaksi sa kasalan na iyon.

"Sis, pa, ma anu ba talaga ang mga nangyayari?" tanung ng dalaga.

"Relax anak it's your special day kaya be happy oky." sagot ng ina ng dalaga.

"Oo nga sis relax lang hindi ka naman namin ipapakain sa pating, ipapatali ka lang namin.." pagbibiro ni Mary Rose sa kapatid.

Naglakad na sila sa tabing dagat, namangha ang dalagasa dinadaananniya napaka ganda nito. Hanggang sa narating nila ang tabing dagat na ikinagulat ng dalaga.

"Anu ito kasalan?" bulalas niya.

Bakas ang gulat sa mukha niya at hindi nito inaasahan ang mga mangyayari ngayon.

"Oo sweetheart ayaw ko na mawala kapa ulit sa akin tulad ng sabi ko, IKAW ANG LAHAT SA AKIN...." madamdaming wika ni Enoch.

Napangiti ng pilya ang dalaga may naisip siyang gawin. Nais niya na subukan ang binata sa huling pagkakataon.

"Kasal agad eh hindi kapa nga nagpopropose.." seryosong saad ng dalaga.

Namutla ang binata at napakamot ng ulo pero ngumiti ito at may dinukot sa bulsa.

"Nais kung maging saksi ang lahat ng naririto sa araw na pinakaaasam ko, mahal na mahal kita sweetheart, ikaw at ikaw lang wala ng iba. Maribel Saban will you marry me now?" wika ng binata sabay luhod.

Natulala ang dalaga dahil doon, nagsipaglandasan na naman ang kanyang mga luha. Ang lalaking minahal niya dati mula noon hanggang ngayon ay nasa harapan na niya.

"Tanggapin mo na! tanggapin mo na!..." usal nina Ellyn, Nice at Mary Rose.

Hanggang sa sabay-sabay na ang kga taong naroroon na magsalita nga ganun kaya napa ngiti ang dalaga.

"Anu pa nga ba ang magagawa ko eh narito na, Yes Mr. Enoch Aguaras i will marry you and willing to be Mrs. Aguaras.." naka ngiti pero luhaan na sambit ni Maribel.

Palakpakan ang nga naroroon, lahat ay masaya ay kinilig dahil sa proposal na ginawa ng binata.

"Kasalan na......" sabay-sabay na sigaw ng mga ito.

Inayos na muli ang daanan at pati ang pari ay pumwesto na rin sa harapan ng altar na ginawa nila. Ni re-touch rin ng bakla ang make-up ng dalaga.

"Ayan maganda kana ulit." usal ng bakla.

Nagsimula ng mag marcha ang ring bearer hanggang sa bride. Hindi maipaliwanag ng dalaga ang saya na nararamdaman lalo na nang tumugtog ang awitin.

Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika'y wala sa aking piling
Isang magandang alaala
Isang kahapong lagi kong kasama
Ikaw ang lahat sa akin

Kahit ika'y di ko dapat ibigin
Dapat ba kitang limutin
Pa'no mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw
Ikaw ang lahat sa akin

At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Doo'y maghihintay pa rin
Ikaw ang lahat sa akin

Lalong napaluha ang dalaga habang naglalakad patungo sa lalaking makakasama niya habang buhay.

'I'm happy that i meet you, kahit noong una hindi maganda ang unang patatagpo natin, minahal na kita noong magkita tayo sa tabing dagat at ang hinihingi kp na sign binigay kaya alam ko na ikaw ang lalaking karapat-dapat sa akin, alam ko may mali ako at naging mahina pero pangako magiging matatag ako simula ngayon.' mga salita sa isip ng dalaga.

Sa Maykapal aking dinadalangin
Dapat ba kitang limutin
Pa'no mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw
Ikaw ang lahat sa akin.

Napaluha rin ang binata dahil sa sobrang galak, ilang minuto nalang ay mapapasakanya na ang babaeng iniibig ng lubusan.

'Dati hindi ko pinapansin ang mga bagay-bagay lalo na ang sinasabi nilang pag-ibig pero mula ng makilala kita nag-iba ang pagtingin ko sa mundo, tunuruan mo ako kung paano magseryoso sa buhay, tinuruan mo akong maging faithful at higit sa lahat ipinaramdam mo sa akin kung gaano kasarap ang magmahal.' sa isip ng binata.

At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Hanggang matapos ang kailan pa man
Bukas na walang hanggan
Doo'y maghihintay pa rin
Pa'no mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw
Ikaw ang lahat sa akin

At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Hanggang matapos ang kailan pa man
Bukas na walang hanggan
Doo'y maghihintay pa rin....

"Iho ingatan mo ang anak ko ha at huwag mo siyang paiiyakin.." biling ng ama ni Maribel.

"Oho makakaasa ho kayao na iingatan ko siya at hindi paiiyakin." usal ng binata.

Nagyakapan ang dalawang lalaki maging sa ina ng dalaga ay yumakap rin ang binata, humalik rin ito sa pisngi ng ina tapos ay naglakad na sila sa harapan ng pari.

"Ang ganda mo sweet..." bulong ng binata.

"Ikaw rin hon." ganti ng dalaga.

Natapos ang kasal sa pagpalitan nilang ng "I DO" at "MARRIAGE VOWS" masaya ang mga naka saksi kahit mabilisan ang mga pangyayari.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon