CHAPTER 25:

4.3K 76 1
                                    

Nagbanggaan ang dalawang sasakyan. Nauntog ang ulo ni Maribel sa manibela ata nagkaroon ito ng malaking sugat dahil hindi siya naka seatbelt. Tumalsik rin ang mga bubog sa kanyang mukha.

"Ha-honey..." huling usal ng dalaga.

Nauntog rin ang ulo ng binata sa manibela kaya nagkasugat ito sa noo. Nakita kasi niya ang sariling dugo na pumapatak doon. Agad siyang bumaba ng sasakyan at tinungo ang nakabangga.

"Swe-sweetheart..." usal ng binata.

Nagulat siya dahil ang babaeng tatlong araw na niyang hinahanap ay siya ring nakabangga niya. Umaagos ang dugo mula sa ulo nito at puro sugat ang mukha.

"Sweetheart...." sigaw niya.

Dali-dali na lumapit si Enoch sa sasakyan at dahan-dahan na ibinaba ang dalaga. Halos magkulay pula na ang suot nito na damit.

"Sweetheart hold on ha, hold on, dadalhin kita sa ospital." usal ng binata.

May mga dumaan na sasakyan kaya agad siyang nagpara ng isa sa mga iyon.

"Manong tulungan ho ninyo kami, kailangan madala sa ospital ang kasintahan ko." paki-usap ng binata.

Hindi niya alintana ang dugo na umaagos sa kanyang noo, ang mas iniisip niya ay ang kaligtasan ng babaeng minamahal.

"Sige sakay na kayo." wika ng matanda.

Agad na binuhat ng binata si Maribel at pinasok sa sasakyan. Tinungo nila ang pinaka malapit na ospital.

"Nurse, nurse bilisan ninyo." sigaw ng binata.

Agad niyang binuksan ang pintuan at binuhat ang dalaga. Nilapag niya ito sa strecher at patakbo na ipinasok sa emergency room.

"Sir hanggang dito nalang ho kayo." wika ng isang nurse na nakaharang sa kanyang harapan.

"Please gawin ninyo ang lahat para iligtas ang kasintahan ko." sigaw ng binata.

Nang maka pasok ay napaupo sa sahig ang binata. Napaiyak ito, naisip niya ang kanyang ina kaya tinawagan niya ito.

"Hello mommy..." saad ng binata.

"Oh iho bakit ka umiiyak?" tanung ng matanda.

"Mommy, si Bel ho, mommy..." umiiyak na wika ni Enoch.

Pinagtitinginan siya ng mga tao na dumadaan pero wala siyang pakialam. Imiiyak parin ito sa gilid ng emergency room.

"Iho calm down, nasaan ka at pupuntahan kita." wika ni Livia sa kabila.

Sinabi naman ng binata kung nasaan siya at agad na pinatay ni Livia ang cellphone nito. May lumapit na isang nurse sa binata.

"Sir hali po kayo sa clinic ng magamot na rin ang mga sugat ninyo." usal nito.

"No, i want to stay here until my girl will be fine, i will wait for here." ma-autoridad na wika ng binata.

"Pero sir kailangan n'yo rin hong malapatan ng lunas sa dami ng sugat ninyo." wika ng nurse.

"Dito lang ako, hindi ka ba nakaka-intindi? i want to stay here, so you can please leave me alone..." may diing wika ng lalaki.

"But sir kailangan na ho kayong magamot para hindi ma impeksyon ang inyong sugat." wika ng babaeng nurse.

"I said leave me alone...." asik niya sa nurse.

Napaatras ang babae sa sigaw niya kaya umalis ito. Ilang nurse na rin ang nagtangkang lumapit sa kanya pero lahat ay sinisigawan niya lang.

"Kung may masamang mangyari sa iyo sweetheart hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili.." usal ng lalaki.

Lumipas ang isang oras at nakarating na rin ang ginang sa ospital. Agad itong nagtungo sa information desk at nagtanung.

"Excuse me miss nasaan ang ER dito at ang pasyente ng accidente?" tanung ni Livia.

"Anak ho ba ninyo ang babae?" tanung ng nurse.

"Hindi, ang lalaki ang anak ko." tugon ng matanda.

"Ay mabuti kung ganun ma'am hali po kayo at ako'y sasama dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagagamot ang mga sugat ng anak ninyo dahil lahat ng lalapit na nurse ay sinisigawan niya." pahayag ng nurse na napagtanungan ni Livia.

Tinungo nila ang emergency room at doon naabutan ni Livia ang anak na naka sandal sa pader. Dali-dali niyang nilapitan ang anak at niyakap ito.

"Ma-mommy..." nauutal na wika ng binata.

Nanghihina na ito at mugto na rin ang mata sa kakaiyak. Nahabag ang matanda sa hitsura ng kanyang anak kaya niyakap niya ulit ito.

"Anak tama na iyan magiging oky rin ang lahat." wika ni Livia.

Maya-maya ay lumabas ang doctor mula sa ER. Tumayo ang binata na siya namang inalalalay ni Livia sapagkat nanghihina ito.

"Sino ang pamilya ng pasyente?" tanung ng doctor.

"Ako doc, kasintahana ko ho siya." sagot ni Enoch.

"Ligtas na siya pero under observation pa ang within 24hrs kailangan niyang magising dahil kung hindi baka ma-cocomatose siya, may na damage kasi sa utak niya at nag cause ng internal bleeding pero naagapan rin iyon, just pray na magising siya." saad ng doctor.

"Salamat doc, at sana magising na ang magiging manugang ko." saad ni Livia.

"Ang anak ho ninyo kailangan na rin na magamot iyan kasi maiimpeksyon ang mga sugar niyan, sige at aalis na ako." usal ng doctor.

Umalis na ito at naiwan ang mag-ina kaya kinumbinse ng matanda ang anak na magpagamot muna.

"Anak halika at ng mabendahan na iyang sugat mo." wika ng matanda.

"No mom, dito lang ako maghihintay ako hanggang sa magising siya mom." malungkot na turan ng binata.

"Sa tingin mo iho matutuwa sa Bel kung naririto siya?" tanung ni Livia.

Natahimik ang binata alam kasi niya na pag naririto ang dalaga tiyak sermon na naman ang aabutin niya.

"Basta mom saglit lang tayo doon ha at balik tayo agad kasi kailangan pagmulat ng sweetheart ko ako agad ang makita niya." parang bata na usal ni Enoch.

"Oo anak.." naka ngiting sagot ng ginang.

Tinungo nila ang clinic at agad na ginamot ang pinsala ng binata. Binulungan rin ng ginang ang nurse ja turukan ng pampatulog ang anak para makapagpahinga na rin ito. Alam niya kasi na hindi ito aalis sa ICU.

"Mommy balik na ho tayo kay Bel baka gising na siya.." saad ng binata.

"Oh sige anak dahan-dahan lang ha, at pupunta na tayo doon." sagot ni Livia.

Narating nila ang ICU at naupo ang mag-ina sa labas. Sumandal si Enoch sa upuan at tumingala.

"Mom, inaantok ako, si Bel ho sana magising na siya." usal ng binata.

"Dito lang tayo sa labas anak nagbabantay sa kanya kaya pwede kang umidlip muna at gigisingin nalang kita pag gising na siya." turan ng kanyang ina.

"Sige mommy, salamat..." sambit ni Enoch.

Unti-unti na itong pumikit, alam rin ni Livia na ume-epekto na ang mampatulog kaya hinayaan niya ang anak hanggang sa nahimbing na ito at pinagtulungan ng nurse na ilagay sa strecher at ipasok sa silid na nakalaan sa kanila.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon