CHAPTER 5::

5.4K 107 1
                                    

Nakarating sila sa isang resort, napa ngiti ang dalaga dahil ang ganda ng lugar, talagang well maintain ito.

"Dito tayo maliligo ate?" tanung ni Maribel.

"Oo Bel, ang ganda diba.." sagot ng kapatid niya.

"Oo ate parang sa boracay lang, ang puti ng buhangin at ang daming nakatanim na niyog...." usal ng dalaga.

Nag-arkila sila ng isang cottage, para itong bahay dahil may, kusina ito at dalawang silid tapos ay may banyo pa.

"Ate nasaan si bayaw at si Joy?" tanung ng dalaga ng makita na wala na ang mga ito doon.

"Ah baka nauna na sa dalampasigan Bel, si Joy kasi nais maligo agad.." sagot ni Mary Rose.

"Lumakad narin kayo ma'am at kami na ho ang bahala dito, pagnatapos na namin ang pagluluto susunod nalang kami...." wika ni Manang.

"Oo ma'am, para mamaya kakain nalang kayo..." sabad naman ni Inday.

"Oh sige manang kayo na ang bahala dito at pupunta na kami ni Bel doon." saad ni Mary Rose.

Umalis na silang dalawa sa kusina at pumasok sa isang silid upang magbihis.

"Ate oky na ba ito?" tanung ni Maribel.

Naka two piece siya ng kulay pula ngayon at nag lagay siya ng see trough na balabal sa kanyang bewang para takpan ang ibabang bahagi ng katawan. Nilugay rin niya ang mahabang buhok.

"Oky na oky Bel, in fact nakaka lalaki ka nga eh..." pang aasar ng kapatid niya.

"Ate naman eh nag-iinis kana naman...." pagmamaktol niya.

"Hindi ah, sinasabi ko lang naman ang totoo eh. Ang ganda pala ng katawan mo tapos lagi mo lang itinatago." usal ni Mary Rose.

Alam ng dalaga na inaasar lang siya ng kapatid kaya hindi na niya ito pinansin, asar-talo kasi siya.

"Tara Bel alis na tayo...." yaya nito sa kanya.

"Oky ate...." tugon ng dalaga.

Umalis ang mga ito, naglakad sila papunta sa dalampasigan. Ang bawat lalaki na madadaanan nila ay napapa nganga. Kahit may anak na ang kanyang ate ay maganda parin ang hubog ng katawan nito.

Siya naman ay mas lumutang rin dahil sa suot niyang two piece, labas ang mapuputi niyang hita at kita ang maliit niyang bewang.

"Ate pinagtitinginan yata tayo..." bulong niya kay Mary Rose.

"Nagagandahan lang ang mga iyan, be proud of what you have..." tugon ng kanyang kapatid.

Para namang na bato-balani ni Enoch sa kinatatayuan. Napaku ang tingin niya sa dalaga sa hindi kalayuan. Napaka ganda nito at halos lahat ng mga lalaki na naroroon at napapatingin at napapalingon.

"Ang ganda niya, perfect...." usal ng binata.

Maging ang mga lalaki sa likod niya ay naka tingin rin sa dalaga. Na bighani ang mga ito na parang naka kita sila ng diyosa.

"Ate hayun sina bayaw oh..." wika ni Maribel.

Nasa hindi kalayuan ang mag-ama at masayang nagtatampisaw ang mga ito.

"Oo nga halika at lapitan na natin..." sagot ng kanyang kapatid.

Naglakad ang dalawa palapit doon. Kay lapad ng ngiti ni Joy habang nagsasabuyan sila ng ama nito.

"Hi, mommy, tita lets have some bath..." wika ng bata.

"Oo nga pink ang sarap ng tubig, ang lamig at ang linis...." usal ni Erwin.

Naka ngiti lang ang kanyang ate at unti-unti na rin itong lumusong. Napangiti siya ng sabay pa itong sabuyan ng tubig ni Erwin at Joy.

"Ikaw Bel, ayaw mo bang maligo? Ang sarap ng tubig oh..." sigaw ni Mary Rose.

"Mamaya na ate, kayo muna..." sagot ng dalaga at naupo sa upuan.

Sa hindi kalayuan ay naroroon si Enoch at naka masid. Napangiti siya ng mamukhaan ang babae.

"Ikaw pala iyan huh, ngayon nagkita ulit tayo..." bulong na wika niya sa sarili.

Nag-isip ito ng paraan kung paano siya makakalapit sa dalaga. Hanggang sa mag idea na ito.

"You want some juice ma'am?" tanung ng lalaking nakatayo sa harapan niya.

Napaangat ang mukha ng dalaga dahil pamilyar ang boses na iyon sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa nakita.

"Ikaw na naman....." usal niya at nagsalubong ang mga kilay.

"Yes, ako nga, kamusta?" saad ni Enoch.

"Sinusundan mo ba ako ha...." singhal ng dalaga.

"Ops! hindi ah, actually dito kami nag si-swimming ng mga kaibigan ko..." sagot nito.

"Paki alam ko..." sarcastikong sagot ng dalaga.

"Hmmm, sorry pala sa mga nagawa ko ha, alam kung hindi maganda ang una at pangalawang pagkikita natin, pero sana ngayon maging oky na..." usal ni Enoch.

Para namang lumambot ang puso ng dalaga sa narinig at biglang nawala ang kanyang pagka gigil dito.

"Anung nakain mo at bumait ka yata?" tanung ni Maribel.

"Hmmm, isda lang naman ang kinain ko kanina..." pilosopong sagot ng lalaki.
"By the way i'm Enoch, ikaw?" dagdag ng binata sabay lahad ng kamay.

"Maribel..." maiksing sagot ng dalaga at tinanggap ng palad ng binata.

Nakaramdam ng libo-libong boltahe ng kuryente ang dalaga nag magkadaopang-palad ang binata. Napa pitlag ito dahil doon.

Ganun rin ang naramdaman ng binata ng mga sandaling iyon. Parang nabuhay ang bawat hinimay siya sa spark na iyon.

"Nice meeting you Maribel, what a beautiful name." usal ng binata.

"Same here..." tugon ng dalaga.

Nagkatitigan sila hanggang sa naglapit ang mukha nila sa isa't isa. Hanggang sa nagsalita ang dalaga.

"Excuse me ang kamay ko..." usal niya.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon