CHAPTER 6:

5.4K 109 1
                                    

Nakaramdam ng spark ang dalaga ng maglapat ang mga palad nila. Nakita rin niya sa mata ng lalaki na nais siyang halikan kaya nagsalita si Maribel.

"Aahhh, sorry...." ani ng binata.

Napa kamot ito sa batok niya, nadala siya kakaibang bugso ng damdamin na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya.

'Para akung nahihipnotismo sa angking ganda ng babae na ito, anu ba ang nangyayari sa akin?' laman ng isip ni Enoch.

Maging ang dalaga ay ganun rin ang naramdaman. Hindi niya ito maipaliwanag pero kakaiba.

"Sige aalis na ako..." paalam ng dalaga.

"Hatid na kita, saan ba kayo dito?" tanung ni Enoch.

"Huwag na nakakahiya eh..." usal ng dalaga.

Pero talagang mapilit ang binata kaya pina unlakan nalang niya ito at sabay silang naglakad pabalik sa cottage nila Maribel.

"Salamat sa paghatid..." wika ng dalaga.

"Walang anu man, hmmm pwede bang maka hingi ng number mo?" saad ni Enoch.

Ayaw sana ibigay ng dalaga pero hindi siya tinigilan ng lalaki kaya binigay nalang nito.

"Sino iyon ma'am?" tanung ni Neneng.

"Ah iyon ba, nakilala ko lang doon.." tugon ni Maribel.

"Ang gwapo ma'am ha...." kinikilig na saad ni Neneng.

Natawa ang dalaga dahil dito lalo na sa reaction ng katulong, talagang sobrang kinilig ito.

"Gusto mo siya?" tanung ni Maribel.

"Ay sa gwapo at kisig ba naman ng lalaki na iyon ma'am syempre...." malanding usal ni Neneng.

"Oh di puntahan mo siya sa tabing dagat at doon mo hanapin tiyak naroroon lang iyon..." sulsul ng dalaga.

Tanghaling tapat ng bumalik ulit sa tabing dagat si Maribel. Manaka-naka lang ang tao kaya hindi siya nagpa tumpik-tumpik pa at hinubad niya ang suot na see trough na nakatakip sa baba at tinungo ang dagat.

'Ang sarap ng tubig ang lamig...' sa isip ng dalaga.

Nagtungo pa siya sa mas malalim na parte ng dagat na lagpas sa dibdib ang tubig. Enjoy na enjoy siya sa kakalangoy.

Napadaan sa tabing dagat si Enoch dahil balak niyang puntahan ang dalaga. Napa awang ang mga labi niya ng makita ang dalaga na paahon.

'Maka uwi na nga at napagod na ako..' sa isip ng dalaga.

Hindi napansin ng dalaga na sa hindi kalayuan ay naroroon ang binata para itong napako sa kinatatayuan at hindi man lang naka galaw.

'Anghel na bumaba mula sa lupa, ang ganda niya, perfect curves, hindi malaki hindi maliit, tama lang, oh god ilayo mo ako sa tukso at baka may magawa akung hindi maganda sa babae na iyan...' mga salita sa utak ni Enoch.

Ilang beses na rin siyang napalunok ng laway at pakiramdam niya ay matutuyuan na ito sa kakalunok.

'Anu ba ang secreto ng babae na itk at nagkaroon siya ng ganyan ka gandang katawan dinaig pa ang idol ko na si J-lo...' sa isip ni Enoch.

Nang maka ahon ay tinungo ng dalaga ang tapis at agad na tinapis ito sa katawan. Babalik na siya sa cottage nila at magbabanlaw.

'Nagutom ako ah...' sa isip ji Maribel ng tumunog ang kanyang sikmura.

Paalis na ang dalaga pero hindi man lang gumalaw ang binata hanggang sa nawala nalang ito sa kanyang paningin at doon na siya natauhan.

"Bakit hindi mo nalapitan? Pagkakataon mo na iyon eh...." kastigo niya sa sarili.

'Paano mo lalapitan eh na tulala ka nga...' sagot ng kanyang isipan.

"Kailangan mapunta sa akin ang babaeng iyon kahit anung mangyari..." sambit ni Enoch.

'Paano kung may nobyo na ang tao anu ang gagawin mo?' wika naman ng kanyang isip.

"Oo nga noh, pero nobyo palang naman eh hindi pa asawa, naaagaw nga ang ikakasal na iyan pa na boyfriend lang..." usal niya.

'Sabay may point ka dude kayo go na ng maka diga kana....' turan ng kanyang utak.

"Pero paano?" saad niya sa sarili.

"Dude naman diba may paraan pa at alam mo iyon kung anu?" sagot ng kanyang isip.

"Anung paraan?" sambit niya.

Para siyang baliw sa oras na iyon at kung may nakakita at nakarinig lang talagang masasabi na baliw na ito.

"Bel, hapon na kaya pwede na tayong umuwi..." wika ni Mary Rose.

"Oh sige ate liligpitin na namin ang mga gamit natin..." tugon niya.

"Oh sige Bel, at sasabihan ko na ang aking mag-ama." sagot ng ate niya.

Tumulong ito sa pagligpit ng mga gamit sa dala nila. Naging mabilis lang dahil tatlo sila nina Manang at Neneng.

"Tara na Manang.." tawag ng dalaga sa matanda.

Umalis na sila sa resort at umuwi sa bahay ng kanyang ate, pagkababa niya ay nagpaalam na rin ito upang bumalik ng manila.

"Sige Bel mag-iingat ka sa byahe mo ha..." bilin ng kanyang ate.

"Opo ate, kuya, manang, neneng aalis na ako sa susunod ulit..." paalam ni Maribel.
"Ihalik mo nalang ako kay Joy ate.." pahabol niya tsaka pinaandar na ang sasakyan.

Nakarating ang dalaga sa manila, pagod man ito ay masaya parin siya ng araw na iyon.

"Good morning ma'am..." bati ng dalaga kay Mrs. Aguaras.

"Aba ang ganda yata ng umaga mo iha.." saad ng ginang.

Ngumiti nalang ng tipid ang dalaga pagkatapos ay bumalik sa kanyang trabaho.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon