CHAPTER 19:

4K 68 0
                                    

Nakapikit parin ang binata pero pakiramdam niya ay may naka titig sa kanya kaya ito nag mulat.

"Swe-sweet-heart......" nauutal na wika ng binata.

Nagulat kasi siya sa nabungaran, halos magkadikit na ang mukha nila ng kasintahan.

"Sorry honey nagulat ba kita...." usal ng dalaga.

"Hindi naman sweetheart muntik lang naman akung magkaroon ng nerbyos...." pamimilosopo ni Enoch.

"Nasalubong ko pala ang babaeng linta na iyon, mukhan dito yata galing ah at ang aga niya..." usal ng dalaga at tumayo.

Hindi naman agad naka sagot ang binata dahil nakaramdam siya ng kaba sa maaaring maging reaction ng nobya.

"Oh bakit natahimik ka bigla honey, tsaka bakit parang hindi madrawing ang mukha noon anu ang ginawa mo?" dagdag pa ng dalaga.

"Ah-anu kasi sweetheart anu eh...." natatarantang saad ng lalaki.

"Anung anu?" usal rin ni Maribel.

"Kasi sweetheart ganito kasi eh...." turan ni Enoch.

Hindi niya alam kung saan magsisimula at kung dapat ba niyang sabihin sa dalaga ang nangyari.

"Anung anu at anung kasi? ayosin mo nga ang pagsasalita mo..."
naiiritang wika ng babae.

Bumuntong-hinga muna si Enoch bago siya nagsalita. Sinabi nito ang lahat-lahat mula umpisa hanggang huli ng walang labis at walang kulang. Hindi naman kumurap ang dalaga sa pakikinig, naka nganga pa ito.

"Sorry sweetheart ha hindi ko kasi expect na ganito ang gagawin niya sa akin eh, sana hindi ka magalit sa akin..." wika ng binata.

Tahimik lang ang dalaga at hindi ito kumibo. Nag-alala naman ang lalaki dahil dito kaya.

"Sweetheart sorry na please patawarin mo ako, gagawin ko lahat kahit parusahan mo ako...." wika ng binata.

Bigla itong lumuhod sa harap ni Maribel na ikinagulat ng dalaga. Hindi kasi niya ene-expect ito na mangyayari.

"Ha-honey...." gulat na usal ni Maribel.

"Please sweetheart i will do anything ang everything just forgive me..." usal ng lalaki.

"As in lahat lahat?" wika ng dalaga.

"Yes sweetheart lahat-lahat..." turan ng binata na nagsusumamo.
Napaisip ang babae sa narinig, nais niya na subukan kung hanggang saan ang pagmamahal ng binata sa kanya.

"Sige bukas day off naman pumunta ka sa bahay at doon natin pag-uusapan ang gagawin mo..." wika ng dalaga.

"Really sweetheart?" paniniguro ni Enoch.

"Ayaw mo yata eh, sige huwag nalang...." saad ng dalaga at tatalikod sana.

Pero hinila siy ng binata at niyakap ng mahigpit tapos ay naghiwalay, hahalikan niya ang dalaga pero humarang ang kamay ni Maribel sa bibig niya.

"Ops! hanggang jan lang iyan bawal muna hanggang sa hindi mo pa nagagawa ang ipapagawa ko.." saad ng dalaga.

"But sweetheart i badly missed you..." katwiran nito.

"No buts, isa iyan sa mga parusa mo..." paninindigan ng babae.

Tumalikod si Maribel at pumunta sa kanyang area at doon ay naupo upang simulan na ang trabaho. Hindi niya namalayan ang tanghalian, nagulat nalang siya ng may lumapag na tray sa harap niya.

"Your lunch sweetheart...." wika ng kasintahan niya.

Lihim naman na natuwa ang dalaga dahil doon, hindi man niya aminin pero kinikilig siya sa ginawa ng binata. Pero hindi niya ito ipinahalata at nagseryoso siya ng mukha.

"Anu ito suhol?" pataray na wika ni Maribel.

Napakamot naman ng ulo si Enoch sa narinig lalo na ng makita ang seryosong mukha ng dalaga.

"Hindi naman sweetheart, baka kasi makalimutan mo ang iyong tanghalian..." katwiran ng lalaki.

"Hindi pa naman ako gutom eh, si darling mo baka gutom na iyon..." wika ng dalaga.

"Sweetheart naman eh..." tanging sambit ng lalaki.

Nasaktan siya sa narinig kaya tumalikod nalang ito. Parang binagsakan ng langit ang dalaga ng makita ito na konsensya siya.

'Sorry honey hindi ko sinasadya...' sa isip ng dalaga.

Sinundan nalang niya ng tingin ang papalayung lalaki. Hanggang sa kinahapunan ay hinatid siya ng binata sa pag-uwi.

"Salamat...." sambit ni Maribel.

Kinaumagahan ay maagang pumunta ang binata sa bahay ng dalaga para sa pinag-usapan nila na gagawin niya.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon