CHAPTER 26:

4.3K 78 2
                                    

Napabalikwas ng bangon ang binata at agad niyang ginala ang paningin, puro puti ang kanyang nakita.

"Nasa ospital pa ba ako?" bulong ni Enoch.
Maya-maya ay may pumasok na nurse sa silid niya. Naka ngiti ito na tiningnan ang binata. Napatitig siya sa kamay may dextrose pala na naka kabit doon.

"Magandang hapon sir." bati nito.
Nanatiling naka upo ang binata sa taas ng hospital bed at hinayaan niya ang nurse na i-check siya at nang matapos ito ay nagsalita rin ito.
"Oky na ho kayo sir and anytime maaari na kayong lumabas." turan nito tsaka tumalikod.
Nagflash sa isip ni Enoch ang kasintahan. Palabas na ang nurse ng nagsalita siya.
"Nurse teka, ang pasyente sa ICU kamusta na?" tanung ng lalaki.
"Oky siya sir pero until now hindi a nagigising." tugon nito.

"Ha, diba kaninang umaga pa siya inoperahan doon." sagot ng binata.
"Naku sir noong isang araw pa po iyon." wika ng nurse.

"Anung isang araw eh kaninang umaga lang iyon ah." wika ng binata.
Dumating na ang ina ni Enoch at pumasok ito. Umalis na rin ang nurse kaya silang dalawa ang naiwan.

"Mom, kamusta ho ang sweetheart ko?" tanung ng lalaki sa ina.
Biglang nag-iba ang mukha ni Livia dahil doon, ayaw pa sana niyang magsalita tungkol doon pero naunahan na siya ng anak.
"Mommy sumagot ho kayo kamusta na si Bel?" may diing tanung niya.
"Anak magpagaling ka muna at huwag kang mag-alala oky lang siya." tugon ng kanyang ina.
"No mom, i want to know her situation now, kamusta na siya?" wika ni Enoch na tumaas na ang boses.

Yumuko ang matanda at humugot muna ito ng malalim na hininga tsaka humarap sa anak.
"She is in coma iho, tatlong araw na mula ng ma-accidente kayo." wika ng ginang.

"No mom, your lying, anung tatlong araw diba kaninang madaling araw lang iyon, diba nga doon pa tayo sa ICU." hysterical ng binata.
"No iho, dalawang araw ka ng tulog at lumipas ang bente-kwatro oras ni hindi na gising si Bel." naluluhang sagot ni Livia.
"What dalawang araw, hindi, hindi totoo ang mga sinasabi mo mommy, hindi totoo ang mga iyon." nagwawala na ang binata.
"Son calm down, malalagpasan rin natin ito at magigising si Bel iho kaya please kumalma ka lang." turan ng ginang.

Alam kasi ni Livia na sisisihin ng anak ang kanyang sarili dahil sa mga nangyari.
"Mom, i want too see her please.." pagsusumamo ng binata.

"Oky pupuntahan natin siya pero relax ka lang oky." sagot ng ginang

Tinungo nila ang silid ng dalaga at naabutan ni Enoch na naroroon ang ate nito na si Mary Rose. Napayuko ang binata dahil doon alam niyang siya ang sisisihin ng mga ito.

"Kamusta kana?" tanung ng babae.

Napa titig ito sa babae, halata ang lungkot sa mga mata nito kaya napa yuko rin siya agad dahil hindi nito kayang salubungin ang mata ng babae.

"O-oky lang, so-sorry ho." sambit ng binata.

"Wala tayong dapat sisihin dahil maging ako ay may kasalanan rin, alam kung natanggap mo ang mga text ko." wika ni Mary Rose.

Nagulat ang binata sa narinig akala niya ibang tao lang ang nagtetext sa kanya iyon pala ang ate mismo ng babaeng mahal niya.

"Akala ko kasi maayos ang lahat eh, napilitan akong kunin ang number mo sa cellphone niya ng gabing pumunta siya sa amin dahil ayaw kung nakikita na malungkot ang kapatid ko, kaya tenext kita, mahal ko ang kapatid ko kaya ko nagawa iyon.." sambit ng babae.

Napatitig lang si Enoch at hindi ito umimik, Maya-maya ay lumapit ito sa tabi ng dalaga at kinuha ang kamay.

"Sweetheart please wake up, naghihintay kami sa iyo, please huwag ka ng matulog jan." usal ng binata.

Umiiyak na naman ito dahil sa mga nangyari sa kanila, maging ang ginang at kapatid ng dalaga ay nakaramdam rin ng awa sa kanya.

"Hihintayin kita sweetheart at magpapaliwanag ako." sambit ng binata.

Lagi nang binabantayan ni Enoch si Maribel dagil gusto nito ay siya ang unang makita ng dalaga paggising. Ni hindi ito umalis sa tabi ng dalaga.

"Anu ba kasi ang nangyari sa inyo?" tanung ni Mary Rose.

"Kasi ate....." wika ng binata.

Sinalaysay ng lalaki ang lahat-lahat at doon nalaman ni Mary Rose ang mga pangyayari kaya naiintindihan nito ang dalawa.

"Sleeping beauty please wake up..." bulong ng binata.
"I missed you so much kaya gumising kana. Ilove you sweetheart." dagdag pa nito.

Lumipas ang araw at mag dadalawang linggo na sila sa hospital pero hindi parin nagigising ang dalaga. Si Enoch ay hindi na rin naasikaso ang sarili.

"Anak may dalaga akong damit mo maligo ka muna doon at magbihis." utos ng ginang.

"Salamat mom." sagot nito.

Kinuha nito ang damit na pampalit at lumapit sa dalaga tapos humalik sa noo nito.

"Sweetheart maliligo lang ako saglit ha, ilove you." bulong niya.

Umalis na ang binata, narinig ito ng dalaga pero nanatiling naka pikit ang mga mata niya.

'Bakit ang bigat ang katawan ko?' sa isip niya.

Tangging daliri lang niya ang kanyang naigalaw. Umalis na ang binata upang maligo kaya hindi niya ito nakita.

"Sweetheart gumising kana, panginoon please gisingin na ninyo ang babaeng mahal ko, hindi ko kayang nakikita siya sa ganung kalagayan.." sambit ng binata.

Hinalayaan niyang maglandas ang mga luha at sumama sa agos ng tubig. Sobrang nahihirapan na siya ngayon.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon