HINDI MAKAPANIWALANG napatitig sa akin ang mga kaibigan ko. Pakiramdam siguro nila ay isa akong artista na lumabas sa television mula sa isang teledrama.
"Ang saklap naman..." tila nanlulumong sabi ni Maby.
Napapalatak naman si Jhay. "So hindi ka talaga pwedeng mainlove kahit na gustuhin mo?"
Tumango ako.
"Hindi na dahil natatakot siyang maulit uli ang nangyari noon..." Si Tin.
May narinig akong pumalatak sa likod ko kaya napalingon ako. Ganoon na lang ang panlalaki ng
mga mata ko ng makita kung sino iyon. Si Bonn, seryosong nakatingin siya sa akin habang nakapamulsa siya.
"Hindi lang talaga siya mahal n'on." komento niya.
Lalo lamang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin narinig niya? Kanina pa siya sa
likuran ko? Bakit hindi ko man lang siya naramdaman at bakit hindi man lang sinabi ng mga kaibigan ko. Well, magtataka pa ba ako?
"Paano mo naman nasabi?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.
Sinalubong niya ang tingin ko. Kumabog ng sobrang lakas ang puso ko dahil doon. Ito ang unang beses na tiningnan niya ako ng ganoon. Kulang na lang ay mahigit ko ang hininga ko.
"Dahil kung mahal ka niya, hindi ka niya basta- basta huhusgahan, instead hahayaan ka niyang mag-explain pero hindi niya ginawa."
Tama siya. Pero sinabi na noon sa akin ni Chris na kaya niya nasabi iyon dahil sa natamaan na ang pride niya.
"E, sinabi lang naman ni Chris iyon dahil nasaktan siya." sabi ni Tin.
Tumango si Bonn. "Yes, nasaktan siya pero hindi excuse iyon para mawala ang respeto mo sa tao kahit na mula ulo hanggang paa na ang panlalait sa iyo. Kung mahal niya si Aynnah, iisipin din niyang masasaktan din si Aynnah sa mga sasabihin niya." sagot naman ni Bonn.
"Paano kung sa iyo nangyari iyon?" tanong ni Jhay kay Bonn.
Napataas ang isang kilay ni Bonn. "Kung sa akin nangyari? Well, I'll just cross the bridge when I get there." nakangiti nang sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko sa sinabi niya. Nanlaki rin ang mga mata ko, ibig sabihin iisa lang ang iniisip naming magkakaibigan.
"Ba't nanlalaki ang mga mata niyo?" tatawa-tawang sabi niya. Lumapit siya sa akin na ikinailang ko.
"Meaning?"
"Bahala kayo kung ano ang ibig sabihin sa inyo ng sinabi ko." nang-aasar na sabi niya.
"Isa-isa lang ang nasa isip namin ng mga sandaling ito Andres Bonifacio," masama ang tingin rito na sabi ni Tin.
"Ano naman?"
"Liligawan mo si Aynnah!" Sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ko.
"Utang na loob!" bulalas ko. "Itigil niyo ang ideya na iyan, please lang." seryosong saway ko sa kanila.
"Bakit naman? E hindi naman kayo ni Rich officially," nakangusong sabi ni Bonn. Sa ginawa niyang iyon ay nagmukha siyang cute na bata.
"Hindi ka ba nakakaintindi?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.
"We can keep it as a secret," sabi pa niya.
Nagtilian ang mga mahadera kong kaibigan sa sinabi niya.
"Kinikilig ako, pigilan niyo ako..." kinikilig na sabi ni Maby.
"Anong nakakakilig doon?" nakasimangot na sabi ko. Inayos ko na ang upuan ko. Bakit ba kasi wala pa kaming teacher ng matapos na ang usapang ito.
"Hindi ka man lang bang kinikilig sa sinabi ni Bonn?" si Jhay.
"No," flat na sabi ko sabay irap sa kanila. Kinikilig? Pigil-pigil ko na ang mapangiti, kung alam lang nila pero hindi pwede, hindi ko pwedeng iindulge ang mga sinasabi ni Bonn dahil masasawi lang ako, masasawi lang din siya. "Itigil niyo na yan," saway ko sa kanila. Tiningnan ko ng masama si Bonn. "At ikaw, hindi nakakatuwa ang mga banat mo, maghanap ka ng ibang babaeng magogoyo mo," mataray na sabi ko sa kanya.
"Kapag nakahanap ako ng babaing magogoyo magsisisi ka," pang-aasar niya sa akin.
"At bakit?"
"Dahil pinakawalan mo ang isang tulad kong gwapo," biro niya.
"Kapal mo," mataray pa rin na sabi ko sa kanya. Kunwa ay hindi interesado na nangalumbaba ako at naghikab
Natawa lang siya.
Napakislot ako ng bigla niyang pisilin ang pisngi ko.
"Ang cute mo talaga," nanggigigil at natutuwang sabi niya saka ako iniwan.
"Manzano!" gigil na sigaw ko. Namumula ang pisngi ko sa sinabi niya. Ano daw? Ang cute ko?
Putcha!
Ramdam kong nagtatalon sa tuwa at galak si Puso samantalang si Isip at bothered. Nag-aalala siya sa ginagawa ni Puso, natatakot siyang tuluyang mahulog si Puso dahil pati siya ay damay.
Nakasimangot na napangalumbaba ako.
"Manzano!" si Tin na humabol kay Bonn. "Mag-usap tayo."
Hindi ko na sila pinansin. Bahala na si Tin sa kanya, alam na ni Tin ang gagawin.
Nalungkot si Puso sa kaisipan na haharangin ni Tin ang nakaambang panliligaw ni Bonn sa kanya. Hindi naman malaman ni Isip kung magbubunyi o dadamayan si Puso.
Nakakapanghinayang man pero hindi lang para sa akin ang ginagawa ko. Para ito sa ikatatahimik ng lahat.