Isang beses, kasagsagan ng lunch break, tapos na kong kumain at naghihintay na lang ng oras sa classroom. As usual, nakahiga na naman ako sa sahig at gamit na unan ang bag ko. Bakit gustong- gustong kong humiga sa sahig, e kasi kahoy iyon. Tabla kaya masarap higaan, kahit ang sahig sa library ay ganoon rin kaya gustong- gusto kong humiga roon.
Nakapikit lang ako pero may nakabukas na libro sa ibabaw ng mukha ko. Gusto kong matulog pero dahil sa ingay ng mga kaklase ko ay hindi ko magawa. Pinakikinggan ko na lamang ang ingay nila at lihim na sumasagot sa isip ko sa tuwing may mga pagtatalo akong naririnig o komento.
Mariin kong naipikit ang mga mata ko ng marinig ko ang matitinis nilang tilian. Alam nilang bawal sa corridor ang mag-ingay kahit sa loob ng classroom pero bakit ba hindi nila makontrol ang mga sarili nila.
Malamang na may dumaan na naman na varsity ng school kaya kung makatili ang mga bruha e parang lalabas na ang mga ngala-ngala.
Lalo lamang lumakas ang tilian ng may tumugtog ng gitara.
Pigil ang inis na tumagilid ako ng higa at tinakpan ang nakalabas kong tainga ng libro.
“Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka, makasama ka... yan ang panalangin ko...
At hindi papayag ang pusong ito,... mawala ka sa aking piling... mahal ko iyong dinggin... at wala ng iba pang mas mahalaga.. sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dalawa... sana naman nakikinig ka, kapag aking sasabihing minamahal kita.... panalangin...”
Naitirik ko ang aking mga mata ng lalo lamang lumala ang tilian.Nasa loob pa ng classroom namin ang nililigawan ng bwisit na ito. Hindi na lang iginalang ang paaralan at sa loob pa nito nakuhang manligaw. Diba dapat sa loob ng bahay nililigawan at hindi sa kung saan pa man??? Hay nako talaga...
“I love you Chris!!!” tili ng isa sa mga kaklase ko.
“Ako na lang sana Chris!” tili ng isa pa...
Hindi na nakatiis na bumangon ako at tiningnan ang pinagkakaguluhan ng mga alembong.
“Hi there!”masiglang bati ni Chris Manlapaz.
Napatitig ako sa mukha niya. Kaagad na binawi ko ang mga salitang sinabi ko sa mga kaklase kong malalandi. Paano na naman e... Ang gwapo niya!!! lihim kong tili sa isip ko. Gusto kong makitili rin sa mga kaklase ko sa mga oras na iyon ngunit pinigilan ko... Shut up Aynnah! Masisira ang image mo.
Kunwa’y tinatamad na napairap ako... Muli akong bumalik sa pagkakahiga at hindi pinansin ang nagtatanong na tingin ng mga kaklase ko... sabihin ng ashumera ako pero alam ko namang ako ang dahilan kung bakit siya nandito no? Sino bang binati niya ng Hi there??? Ako diba?
Tumagilid ako patalikod sa kanya upang iparamdam na hindi ako interesado sa kung anong balak niyang gawin.
Rinig ko ang bahagyang pagtawa niya. “Ikaw pa lang ang babaeng tumalikod sa akin, alam mo ba iyon?” tila mas amuse siya kesa sa mainis sa ginawa ko.
Hindi ko siya pinansin. There’s always a first time. Bulong ko sa sarili ko.
“Yeah, there’s always a first time...” sabi niya...
Lihim na napamulagat ako. Shit! Narinig kaya niya?
“Aalis ka na Chris???” nanghihinayang na sabi ng isa kong kaklase.
Kahit ako ay nakaramdam din ng panghihinayang. Akala ko pa naman ay mangungulit pa siya.
“Wala ng time, sa Amang pa naman ang building ko.” Malambing na sabi niya sa kaklase ko. Nagpaalam siya at nagpasalamat sa mga ito. Nang maramdaman kong nakaalis na siya ay saka ako tumayo at umupo sa upuan ko.
Tumingin ako sa labas ng classroom sa kabilang panig kung saan makikita ang oval. Napabuntong-hininga ako. He’s not bad at all... mali he’s good, not really bad... ang gwapo, ang galing kumanta, popular, for sure kakainggitan ako ng girls kapag pinatulan ko ang isang toh, pero hindi, erase Aynnah, erase! You’re too young for him and too young for a relationship. At sa dami ng manliligaw mo bakit siya pa ang gugustuhin mo na paniguradong magiging komplikado ang mundo mo.
Basta! I kinda like him na, imagine naglakas talaga siya ng loob na kantahan ako infornt of my classmates! Grabe!
Simula ng araw na iyon ay hindi na nawala sa isip ko si Chris, ayaw ko man aminin ay nabihag na niya ang batang puso ko. At alam iyon ni Rich supportive naman ito sa nararamdaman ko, iyon nga lang puro paalala ang sinasabi nito. Na-appreciate ko naman ang sinasabi nito at hindi nagpapatalo sa bugso ng damdamin ko
Ang ginawang iyon ni Chris ay nasundan pa. Andyan na padalan niya ko ng mga love letters at sa bawat love letters niya ay may kalakip na kanta. Sa umaga rin ay nakaabang na siya sa akin sa gate ng campus para sabay kaming pumasok o maihatid ako sa labas ng classroom. He even tried na ihatid rin ako pauwi pero matigas ang tanggi ko na sinasang-ayunan rin ni Rich. Sinasabi ng kaibigan ko na mas mabuti pang manatili kaming magkaibigan ni Chris dahil sa bata pa ako.
Ramdam ko na labag iyon sa kalooban ni Chris ngunit sumang-ayon na lang siya, mas mabuti na nga raw iyon kaysa sa ipilit niya ang isang bagay na hindi pa pwede sa panahong iyon.
Nadagdagan ang kaibigan ko sa katauhan ni Chris, bagaman alam niyang turing kaibigan lamang ang maibibigay ko ay hindi naman siya tumigil sa pagpapakita sa akin kung gaano niya ako kagusto. Bumabanat pa rin siya ng pasimple, nandyang biglang na lang siyang kakanta ng malakas kapag kumakain kami sa loob ng canteen. Nagbibigay pa rin siya ng mga letters. Mga letters na sadyang hindi ko iniuuwi sa bahay dahil baka makita ng nanay ko at mapahamak pa siya.
Sa durasyon ng pagkakaibigan namin at pagkakaroon ng unawaan according kay Rich ay sobrang saya ko. Sayang halos siya na lang din ang naiisip ko. Kung pwede ko lang bang sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko ay ginawa ko na sana.Pero alam kong bata pa ako at mapapagalitan lang ako nina mama. Kilala ko pa naman din kung paano sila magalit.
Ngunit imbes na ma-inspire ng kasiyahang iyon ay iba ang kinalabasan. Imbes na mag-aral akong mabuti ay napabayaan ko iyon dahil mas naging abala ako sa pagsusulat ng mga kwentong sa aming dalawa umiinog. Sa mga masasayang bagay na nangyayari nabuhos ang atensyon. Na okay lang na hindi ako magsipag mag-aral dahil makakapasa naman ako. Hindi naman naghahangad ng matataas na grade ang mga magulang ko. Kaya naging kampante ako. At dahil sa kakampantehan ko na iyon nasira ang lahat. Dahil sa kapabayaan ko nawala ang isang taong naging parte ng puso ko.