Pagpasok ko sa classroom ay nagtatakang napataas ang isang kilay ko ng pagtinginan ako ng mga kaklase ko. Espescially those girls na binubuo ng fans club ni Bonn. Oo, may fans club siya sa classroom, nagsama-sama ang mga kaklase naming babae na may crush sa kanya sa classroom. Ang loko feeling napakagwapo dahil doon.
Na-late ako ng pasok ng umagang iyon dahil nasermunan pa kaming magkakapatid ni Mama. Hindi naman late na late, late lang sa usual na pasok namin ni Rich, kaya marami na akong kaklase na nasa classroom that time, nandoon na rin ang mga kaibigan ko at parang may pinagkakaguluhan sa armchair ko.
"Anong meron?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanila.
Kaagad na nagliwanag ang mga mukha nila ng makita ako.
"Aynnah, halika dali..." kinikilig na sabi ni Jhay na nilapitan pa ako at hinila palapit sa armchair ko.
Nagsalubong ang kilay ko ng makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
Isang box iyon ng Dunkin Donut, may note doon; "Good Morning... Please try me...- Bonn"
"Ang sweet!" sabi ni Maby.
Napabuntong-hininga ako.
"Ano iyan?" salubong din ang kilay na sabi ni Tin na kadarating lang.
"Ikaw na ang kumuha niyan at magbalik sa kanya." walang emosyon na sabi ko kay Tin. Ibinaba ko ang gamit ko sa upuan ko.
"Nasaan si Bonn?" tanong ni Tin. "Ang aga-aga," napapalatak na sabi ni Tin na kinuha na ang box.
Manghang napatingin sa amin ang mga kaibigan namin.
"Ibabalik niyo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jhay.
"Sayang naman-" si Maby.
Hindi ko sila pinansin. Hindi masasayang iyon dahil ibabalik naman kay Bonn ng buo. Kinuha ko ang notebook ko sa Physics. May quiz kami mamaya kaya kailangang magreview.
Wala si Bonn sa classroom kaya inilagay ni Tin iyon sa ibabaw ng armchair ng binata.
Napapatingin lang sa amin ang mga kaklase namin.
"Ang lupit mo talaga Aynnah, nag-uumpisa pa lang iyong tao," nalulungkot na sabi ni Maby.
"Mag-aral ka na, huwag mong intindihin iyan." sabi ko sa kanya na hindi siya tinitingnan. Alam kong maooffend siya sa ginawa ko pero kailangan na niyang matauhan. Hindi kami nababagay sa panahon na ito.
Kahit na nasa notebook ko ang mga mata ko ay wala rin namang pumapasok doon dahil sa ginawa ni Bonn.
Nagrinig kong may mga pumasok sa classroom pero hindi ko pinansin iyon. Humarap ako sa bintana na floor to ceiling kaya kitang- kita ang mga nasa loob ng classroom. Tinalikuran ko ang mga kaibigan ko na nagkwe-kwentuhan at tungkol sa ginawa ko ang mga pinag-uusapan ng mga pasaway.
Nakabalik na rin si Tin sa tabi ko.
"Tin," si Jhay.
"Okay lang iyan," sabi ni Tin.
"Kawawa naman si Bonn." si Maby. "Hate na kita Aynnah," maktol niya.
Hindi ko siya pinansin.
Napabuntong-hininga si Tin. "Intindihin niyo na lang ang sitwasyon niya. Mas maawa kayo kay Bonn kapag hindi pa niya itinigil ang ginagawa niya. Jhay kausapin mo siya."
"Hindi mo naman kasi basta- basta madidiktahan ang isang tao e," nakangusong sabi ni Jhay.
"Hindi mo siya didiktahan, kakausapin mo siya ng maliwanagan," sabi ni Tin,