Bonn’s POV
What’s wrong? Mali bang tumingin? Well, I know that it’s impolite to stare but I can’t help it. She really intrigues me; para bang ang hirap mag reach out sa kanya. Iniiwasan niya ang mga tao. Hindi siya umiimik kung hindi siya kakausapin. Paano ito naging kaibigan ni Tin at Joyce na kilala sa pagiging madaldal.
Parang mas gusto pa niyang kausap ang notebook niya at ang ballpen niya. Palagi siyang nakatungo. Hindi ba siya napapagod o nahihirapan sa ginagawa niya?
Muli hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na tingnan siya mula sa upuan ko. Nagkaroon kami ng iba’t- ibang seating arrangement sa bawat subject. Ang pagkakataon lang na mapapalapit ako sa kanya ay tuwing homeroom lang at sa subject ng adviser namin which is Economics.
Nasa row four ako samantalang siya ay nasa row one. Lihim ako napangiti, hindi man kami magkatabi sa dalawang subject magka member naman kami.
Nagsalubong ang kilay ko ng umurong si Tin paabante, enough para matakpan ang kaibigan nito. Bakit ba hindi magkahiwalay ang dalawang ito? Nagtama ang mga mata namin at pinandilatan niya ako. Hindi ko alam kung nag-usap ang dalawa o ano pero paano nalaman ni Tin na nakatingin ako at bakit kailangang iharang niya ang sarili niya. Hindi naman nagsalita si Aynnah. Ano bang meron at parang nangingilag siya sa mga lalaki? Hindi lang siya sa akin ganoon kundi pati kay Earl. At pati na rin sa iba naming kaklase na nakikipag-usap sa kanya. Tinatarayan niya ang mga ito, minsan kahit simpleng tanong lang ay tatarayan pa niya ang mga kaklase namin. At bakit parang suportado pa ni Tin ang ginagawa ng kaibigan nito at bakit may pakiramdam akong ilalayo niya ang kaibigan niya sa akin once na subukan kong makipaglapit sa babae.
“Cute niya no? She’s charming,” bulong ng katabi kong si Renz.
Napatingin ako sa kanya. “You know her?” hindi ko na napigilang tanong.
Tumango siya. “Naging classmate ko siya ng elementary. Friendly iyan noon pero noong mag-high school kami nag- iba ang ugali. Naging man hater na hindi mo maintindihan.” Pagbibigay niya ng impormasyon.
Lalo lamang tuloy akong na-curious. Man hater?
“Paano mo naman nasabi?” tanong ko.
“Obserbahan mo na lang.” Maikling sagot niya.
Muli akong napatingin sa gawi nila ni Tin. Salubong ang kilay ni Aynnah samantalang si Tin ay nakakaloko ang pagkakangiti.
Napabuntong- hininga ako. This is the first time na may isang babaing nagpaligalig sa akin ng ganito. She’s not that pretty or beautiful. She neither had an appealing face; yes she’s charming but not attractive enough to attract an attention. Pero ewan ko ba since that day na nagtama ang mga mata namin ay hindi na siya nawala sa isip ko. Yes, marami akong nakikilalang babae everyday pero- ewan ang hirap ipaliwanag. Hindi ko naman siya kilala personally para magkaganito ako sa kanya. Nagsimula lang naman ito ng magkatinginan kami. Actually, ako ang taong hindi iniisip ang date o panahon ng mga pangyayari pero hinding- hindi ko makakalimutan ang unang beses na nagtama ang mga mata naming dalawa.