Isang araw may ipinakilalang babae si Rich, maganda siya, mahinhin at matalino. Matagal na pala siyang nililigawan ng bestfriend ko at ngayon ngang sila na, ipinakilala na siya sa akin ni Rich. Gusto man daw niyang ipakilala sa akin noon si Tisha ay nag-aalangan siya dahil sa nangyari sa akin. Baka daw isipin ko na ang unfair niya na kung kailan ako malungkot siya naman ang nagsasaya. Kaya ng mapansin niyang okay na ako, saka siya naglakas loob na ipakilala sa akin ang babae.
Mabilis ko naman nakapalagayan ng loob si Tisha dahil nga sa mabait rin siya. Hindi pa din legal ang relasyon nila sa mga magulang nila dahil sa mga bata pa sila or kami.
Isang beses humingi ng favor sa akin si Rich. Papuntahin ko daw si Tisha sa bahay namin one Saturday dahil gusto daw nitong makakwentuhan ng matagal ang nobya. Pumayag naman ako dahil every Saturday nasa bahay ang paternal grandmother ko na si Lola Viting. Dinadalaw kasi nito sa kabilang bahay ang bestfriend nito na si Lola Besie na lola ni Rich. Madalas na sa bahay na nagkwe-kwentuhan ang dalawa kaya si Rich ay lumilipat din sa bahay. Kaya sawang- sawa kaming dalawa sa isa’t –isa.
Ipinagpaalam ko na sa mga magulang ko na may pupunta akong kaklase sa bahay para gumawa ng project. Pumayag naman sila. May gagawin naman talaga akong project at nation na pareho kami ng project ni Tisha at ni Rich.
Umaga pa lang ay nasa bahay na si Lola Viting at ganoon din si Lola Besie.
Nang dumating si Tisha sa kanto ay sinabi k okay Rich na sunduin na niya ito, Pero sa pagtataka ko ay pinanlakihan lang ako ng mata ng kaibigan ko at tila galit pa na sinita ako. “Bisita mo iyon bakit ako ang susundo?”
Naguluhan man ay nakuha ko rin ang ibig niya sabihin. Kaya no choice ako kundi sundin ang loko.
Nang dumating si Tisha ay nakita ko ang pagningning mga mata ng loko.
Kaagad na pumasok kami sa kwarto dahil nandoon ang mga gamit namin. Allowed pumasok sa room ko si Rich as long as bukas daw ng pintuan according sa matatanda.
Kaagad naman tumabi si Rich kay Tisha at hinalikan sa pisngi ang nobya na ikina-shock.
“Huy!” nanlalaki ang matang saway ko sa kanila. Kinakabahan ako dahil baka makita ng mga matatanda ang ginawa niya.
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. “Huwag kang maingay,” sabi niya. Tiningnan niya si Tisha at masuyong nginitian.
Napabuntong- hininga ako. Hay... naalala ko si Chris.
Nang tanghalian na at nakaluto na ang mga lola ay tinawag na nila kami. Napagitnaan ako nina Tisha at Rich ng upuan sa hapag kainan. Sa kabila naman ay ang mga kapatid ko at sa magkabilang dulo ang mga lola namin. Nasa work pa ang mama at papa ko.
“Ngayon ka lang yata nag-invite ng kaklase sa bahay Aynnah,” sabi sa akin ni Lola Besie.
Nang tingnan ko siya ay bigla akong kinabahan. Hindi talaga ako komportable na tingnan siya. Kamukha kasi niya si Bella Flores.
“Opo, kami po kasi ang magkagrupo sa project na ginagawa namin.”
“Ah... kilala rin siya ni Ricardo?” tila curious na tanong nito.
Tumango ako. “Opo, hindi naman po kasi nagkakalayo ang classroom namin ni Ricardo.”
Tumango- tango ito. Nginitian nito si Tisha habang kumakain. Goodluck kay Tisha kung makakain siya ng maayos.
“Siguro nagtataka ka iha kung bakit nandito si Ricardo sa bahay nina Aynnah, at kung bakit komportable siya rito.” Sabi ni Lola Viting habang nakatingin kay Tisha na para bang tinatantiya ang reaksyon niya.