Chapter 2-3

25 1 0
                                    

Naiiritang ibinaba ko ang ballpen ko at tiningnan ng masama si Bonn. Ano bang problema ng isang ito?

            Nabahiran ng pagtataka ang mukha niya ng tingnan ko siya ng masama.

            “Wala ka bang ibang magawa?” inis na tanong ko. Nasa kabilang row Tin para makipagkwentuhan sa mga dating kaklase nito. Si Earl naman ay nakikinig ng music sa walkman disc nito.

            “May ginagawa naman ako ha,”

            Lalo lamang kumunot ang noo ng matanto ang ibig niyang sabihin. May ginagawa nga naman siya, iyon ay ang tingnan ako.

            Marahas na napabuntong- hininga ako. “I can’t concentrate dahil sa ginagawa mo.”

            Napataas ang isang kilay niya. Halatang pinipigilan lang niyang matawa. “Ano bang ginagawa ko at hindi ka makapag-concentrate sa ginagawa mo?”

            “You’re staring,” sagot ko.

            “How did you know? E ngayon ka lang naman nag-angat ng tingin mula dyan sa pagsusulat mo.” Pang- iinis niya.

            “I can sense it, hindi ako manhid.”

            “Really?”

            Tumango ako. Hindi pa dumarating ang pangatlong teacher namin sa araw na ito kaya maiingay pa sila, sila lang dahil busy pa ko sa pagsusulat.

            Tinitigan niya ako. Iyong titig na para bang minememorya sa isip ang lahat ng anggulo ng mukha ko. Naiilang na tumayo ako at iniikot ang upuan patalikod sa kanya.

            Tumawa siya sa ginawa ko.

            Inungusan ko naman siya. “Huwag mong subukan,” pagbabanta ko nang anyong tatayo siya.

            “ Tatayo lang ako.” Sagot niya.

            Inis na umupo ako at tumungo. Nakakabanas na ang isang to, he’s starting to complicate things for me. I have to do something para layuan niya ko, dahil kung hindi lalo lamang mahuhulog ang loob ko sa isang to. Okay sana kung hindi niya ko pinapansin e kaya lang heto at mukhang na-challenge pa ang loko.

            “Anong ginawa mo sa kanya?” takang tanong ni Tin.

            “Wala,”

            Nagdududang tiningnan ni Tin si Bonn. “Tigilan mo si Aynnah, Bonn. I’m telling you, you should back off.” Seryosong sabi ni Tin.

            Hindi sumagot si Bonn, nakipagsukatan ito ng titig kay Tin tila ba tinitimbang kung seryoso ba ang kaibigan niya o hindi.

            “Tell me the reason why I should back off.” Seryoso na ring sabi ng binata.

            Napailing si Tin. “Reasons that you wouldn’t want to know and you should not know”

            “I just want us to be friends,”

            Natawa ng pagak si Tin. “Really? You want me to believe you?”

            Marahas na napabuntong- hininga si Bonn. “Panira ka ng mood, alam mo ba iyon?”

            “Mas masisira ang mood mo kapag hindi mo nilubayan tong babaing toh. Believe me, mas malala kapag ito ang nagpasira ng mood ng isang tao.”

            Sinimangutan lang ito ni Bonn.

More Than You'll Ever Know (Higit sa nalalaman mo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon