Aynnah’s POV
Gago talaga, ang gago niya. Hay! Ang sarap niyang batukan. Hindi ba naman binuang ang isang ito. Kung hindi ba naman nababaliw na siya. Bakit kailangan pa niyang magkaroon ng girlfriend para lang patunayan kay Tin, sa amin ni Tin na wala siyang planong masama sa akin.
As if naman na big deal iyon?
Talaga naman.
After that conversation hindi na ako pinapansin ng walanghiya. Kahit na si Earl, para bang naging ilag na sa akin ang dalawa.
Nasaan na iyong sinabi niya noon na you intrigue me, what if ligawan kita sa pasukan or in the middle of the school year. Tse! Nakakainis! Ito naman kasing gagang si Puso e umasa rin. Tinawanan tuloy siya ni Isip. Nye, nye, ne nye, nye.
Hay!
One week later,
Nagkaroon kami ni Tin ng mga bagong kaibigan, not one but many friends. As usual, babaing friends. Hindi naman pwedeng boy diba? Or boys rather. Baka ma- meet ko na naman ng armalite ng lola at nanay ko.
They are, Jhay, our cute, thoughtful and chubby friend. Angel, matalino, maganda ang boses and friendly talaga. Sarah, tahimik, same with Kris. Si Ayen na ingleserang bubbly and, Aila ang super talino na transferee from Pampanga and last but not the least si Maby na siyang laruan ng barkada. Magkakaiba kami ng ugali but we bond. May mga sense of humor naman kasi ang mga walanghiya kaya we blend. Hahaha.
Naging kaibigan ko sila dahil palaging absent si Tin dahil sa sinusumpong na naman siya ng hika niya.
Hindi nila alam ang mga bagay- bagay na alam ni Tin. Malamang!
“Aynnah, question.” Sabi ni Maby.
Nagtaas ako ng tingin mula sa sinusulat kong kwentong. Nakahiwalay ako sa kanila dahil I want peace. Sa school lang ako nagkakaroon ng peace of mind.
“Ano yon?”
“Bakit maliban kay Rich e, wala ka ng ibang friend na guy? We’ve been friends for one week pero parang wala akong napansin na kaklase nating lalaki na lumapit o kumausap sa iyo.”
Nagkibit balikat ako. “Well, maybe because they don’t like me.”
Nanlalaki ang matang lumapit sa amin si Jhay, “That’s not true!” sabi ng loka.
Napakurap ako. Nakalimutan kong banggitin. Close nga pala ang hitad kay Bonn.
“Totoo yon,” giit ko.
Marahas na umiling si Jhay, maliban kay Bonn halos lahat ng lalaking kaklase namin ay close sa kanya. Malakas tsumika ito kaya halos lahat ng tsismis sa loob ng classroom ay alam.
“No, they like you, pero natatakot silang lumapit sa iyo.” Sabi nito.
Napataas ang isang kilay ko. “Ba’t naman?” tanong ko, bagaman alam ko na ang sagot.
“Mukha ka raw kasing mataray, though that’s partly true. They want to be your friend kaya, kasi dati daw your one of the boys.”
“At saan mo naman nakuha ang tsikang iyan???” Tanong ni Maby.
“Sa mga kaklase niya dati. Puro boys daw ang barkada niyan dati, akala nga nila tomboy yan e, nabago lang ang image niya ng makitang lagi silang magkasama ni Rich.”Pagkwe- kwento pa nito.
Tiningnan ako ng mga loka na para bang hinihintay ang magiging komento ko sa sinabi ng madaldal naming kaibigan.
“Is that true?” tanong ni Ayen na nakapameywang pa.
Alanganing ngumiti ako.
“Yes, that’s true, at kulang pa ang nabalitaan niyo.” Sabi ni Tin na biglang umentra.
Kaagad na nakuha nito ang atensyon ng mga pasaway...
“Naging kabarkada niya slash manliligaw slash boyfriend noong first year si Chris Manlapaz.” Nakangising pangbibida ng bruha.
Lihim na naitirik ko ang mga mata ko. Heto na naman po kami... muling ibalik ang nakaraan...
Hindi makapaniwalang tiningnan ako ng mga luka-luka...
“Si Chris! As in Chris Manlapaz ng Campus Band???” bulalas ni Jhay.
“Iyong super gwapong vocalist ng CB? Iyong kamukha ni Scott Moffatts???” nanlalaki ang matang sabi ni Ayen...
Nagmamalaking tumango si Tin. “O, diba? ang ganda ng hitad.”
“Shit magkwento naman kayo...” parang nagmamakaawang sabi ni Jhay.
“Walang namang dapat ikwento dahil wala na iyon.” tinatamad na sabi ko.
Ayoko nang balikan at maaalala ang mga tagpong iyon. Ang araw na kulang na lang ay isumpa ko ang sarili ko at ilubog ko ang sarili ko sa kinatatayuan ko.
Ang araw na naging mitsa ng galit ko sa lola at nanay ko...