AGAIN WAY BACK LAST SCHOOL YEAR (2001- 2002)
Nagkakatawanan kami nina Earl at Michael habang naglalakad pabalik sa classroom namin. Alam namin na nakakakuha kami ng atensyon habang naglalakad sa corridor. Hindi dahil sa maingay kami kundi dahil sa- eherm- kilala kami sa campus. Not because of our pretty face but because of our talent. Iyon ang sa tingin ko ay dahilan ng pagiging kilala namin.
“Tumigil ka muna sa kalokohan mo Bon, madadaanan natin ang Science Lab. Paniguradong nandon si Mrs. Del Mundo.” Saway sa akin ni Mike.
Nagmake- face ako kaya natawa na naman si loko.
Adviser namin si Mrs. Del Mundo kaya kailangan ko talaga munang mag-behave.
Sakto namang nasa tapat na kami ng Science Lab. Pigil ang pagngising napatingin ako sa loob ng Science Lab. Tahimik ang mga estudyanteng nakikinig kay Mrs. Del Mundo pero ng maramdaman ng mga ito ang presensya namin ay halos sabay- sabay na napatingin sa gawi naming magkakaibigan ang mga nagkaklase roon. Lalo ko lamang pinilit ang sarili kong huwag mapabulalaas ng tawa. Dahil parang tumigil ang oras sa klase na iyon ng habang dumadaan kami.
Napatingin ako sa mukha ng mga kababaihan. Halos lahat ay pamilyar ang mukha sa akin dahil naging kaklase ko na sila last year. Even Tin na nasa dulong upuan at inismiran pa ko. Ang iba naman ay humahanga ang tingin sa amin.
Gusto kong mapailing at mapabuntong- hininga na lang. Ngunit may isang nilalang na kumuha ng atensyon ko. Nakatungo siya at tila abala sa kung anong sinusulat nito. Siya lang yata ang hindi ko nakuha ang atensyon. Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Malapit na naming malagpasan ang Lab. Ng mag-angat siya ng mukha. May ngiting bumalatay sa kanyang labi ng mabistahan ang kung anumang ginagawa niya. Kumislap rin ang mga mata niya sa kagalakan dahil roon. Ngunit kaagad na nagsalubong ang kilay niya. Nawala ang kislap sa mga mata niya at ngiti sa mga labi niya ng tumingin siya sa corridor diretso sa akin.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero pakiramdam ko something in her eyes shoot me directly in my chest. Nakatitig lang siya sa akin, diretso sa mga mata ko. Walang mabasang emosyon sa mga iyon pero nakakakaba. Kung hindi pa kami lumagpas sa Science Lab hindi pa mapuputol ang tinginang iyon.
“Ano iyon ha?” puna ni Earl.
Napangisi si Mike. “Naks! Tinginang malagkit dinaig pa ang biko at sapin-sapin ng lola ko sa sobrang lagkit ha?”
Hindi ako umimik. Hindi pa rin ako maka-recover sa tingin ng babaing iyon. She has the most beautiful eyes I’ve ever seen. Well meron din naman pero ang ganda talaga ng mata niya. Parang ang misteryosa. Parang ang daming itinatago.
“Huwag mong isasama sa listahan mo iyon.” seryosong sabi ni Earl.
Nagsalubong ang kilay ko. “Anong ibig mong sabihin?”
“Nagmamaang- maangan ka pa, parang hindi kita kilala Bon. Yang tingin mong yan.”
“Hay, Earl. Parang hindi mo alam ang taste ko sa babae.”
Nagdududang tiningnan niya ako. “Hindi nga ba? Sabagay, mapuputi ang gusto mo dahil negro ka.” Biro niya.
Naiiling na natawa na lang ako. Pero pagkatapos non ay natahimik na naman ako.
Doon nagsimula ang lahat.
Dahil sa kaklase siya ni Tin ay madali ko lamang nalaman ang section nila. Magkatabi lang ang classroom namin pero bat noon ko lang siya nakita. Kabarkada pa niya si Tin na isa sa mga closes friends ko.
Mula noon tuwing daraan siya sa classroom ng mga ito ay parang may sariling isip ang mga mata niya na titingin sa loob niyon at hahanapin ang dalaga. Hindi naman napupunta sa wala ang effort niyang sulyap- sulyapan ito dahil tumitingin rin ito sa labas at nagkakatama ang mga mata nila. Ewan ba niya kung kusa nitong ginagawa iyon or what dahil minsan ay napapasimangot na ito kapag nagtatama ang mga mata nila. Minsan naman ay tila pinipigil na lang nito ang pagngiti.
At ewan ko rin kung pinag-adya dahil mula noon tila wala na akong babaing nagustuhan kahit pa nga sila na minsan ang lumalapit sa akin.