Balik sa Present
Nakasimangot na lumapit sa akin si Earl nang matapos ang Economics namin. Nagtatakang tingin ang ibinigay ko sa kanya.
“Hay... lunch na sa wakas!”
Napatingin kami kay Tin dahil sa lakas ng boses nito.
“O? Anong tinitingin- tingin niyong dalawa dyan?” nakataas ang isang kilay na puna niya sa amin.
Sinimangutan ito ni Earl. “Kaya siguro naging suplada si Aynnah dahil hinawaan mo.”
“Nako, huwag mong sabihin iyan, dahil mas malalang magsuplada at magtaray to no!”
“Oo na, natikman ko na ang pagsusuplada at pagtataray ng kaibigan mo. Nakakaubos ng pasensya.” Nakasimangot na sabi ni Earl.
Natawa si Tin sa sinabi ng kaibigan niya.
Nalilitong nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Bakit anong nangyari?”
Bago pa man nakasagot ang dalawa ay lumapit na si Aynnah sa amin at padaskol na isinuksok sa dibdib ni Earl ang isang notebook na kung hindi naagapan ng kaibigan ko ay malalaglag iyon.
“Ayan ang notebook ko. Kopyahin mo dyan lahat ng tinatanong mo kanina.” Mataray na sabi nito saka walang anuman na tinalikuran na sila at nagmamadaling lumabas ng classroom.
Lalo lamang napasimangot si Earl. “Grabe! Pinaglihi ba sa konsumisyon ang kaibigan mo?”
Napabungisngis si Tin. “Hindi, ipinanganak lang siyang hindi ganoon kahaba ang pasensya sa retarded na kagaya mo.” Pang-aasar pa nito bago sila iniwan na dalawa para sundan ang kaibigan nito.
Nakukunsuming inilapag ni Earl ang notebook sa armchair niya. “Nakakainis,”
“Kumain na nga lang tayo ng mawala iyang inis mo.” Pigil ang tawang yaya ko sa kanya.
“Huwag mo kong pagtawanan, dahil kapag ikaw ang nalagay sa sitwasyon ko pagtatawanan rin kita. Tandaan mo iyan.”
Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Anong ginawa ni Aynnah para mapatid ang pasensya ni Earl na singhaba yata ng San Juanico Bridge?
Bitbit ang bag namin na bumaba kami ng building. After ng lunch ay MAPEH subject namin. Which is sa university gym usually nagka-klase. Pagpasok namin sa canteen ay marami na ring estudyante kaya lumipat kami sa cafeteria. Hindi man ganoon kadami ang pagpipiliang pagkain at least medyo maluwag kesa sa canteen. Maliban roon nandoon pa sina Aynnah, Tin at Joyce.
“Huwag mong sabihing plano mong maki-share ng table sa mga babaing iyon?”
Takang napatingin ako kay Earl. “Ano bang ginawa niya at ganyan na lang ang inis mo?”
Napangiwi ang kaibigan ko ng maalala ang ginawa ni Aynnah sa kanya. “Huwag mo ng tanungin.”
“Doon na lang tayo para maka-kwentuhan natin sila. Ayan o, nakatingin na si Joyce sa atin at kinakawayan tayo.”
Napabuntong- hininga na lang ito.
Nang maka-order nga kami ay dumiretso kami sa table nila. Tatlo ang pa ang available seats doon. Napansin kong may isa pang order ng food na nasa tray at hindi pa nagagalaw.
“Dito ka sa tabi ko Bonn, sa tabi kasi ni Aynnah si Rich kaya di ka pwedeng tumabi sa kanya kahit na gustuhin pa niya- este gustuhin mo pa.” Biro nito na sinulyapan pa ng nakakaloko ang kaibigan.
Sinimangutan ito ni Aynnnah. “Nagsimula ka na namang babae ka.”
Itinaas ni Joyce ang dalawang kamay. “Hep, joke lang. Ayaw mo kasing ipaubaya muna sakin si Rich e.”
Naitirik ni Aynnah ang mga mata. “As if gugustuhin kang katabi ni Rich.”
Binelatan lang ito ni Joyce. “Oo na, ikaw na ang mahal niya.” may bitterness na sabi nito sa kaibigan. Napasimangot rin ito.
“I told you.” Bulong sa akin ni Earl.
Nakataas ang isang kilay na tiningnan ni Aynnah si Earl. “Anong binubulong- bulong mo Earl?”
Gulat na napatingin rito ang kaibigan ko. “No- nothing.”
“Hi girls...” malambing na bati ng bagong dating na si Rich.
Ang tangkad talaga ng mokong. Bakit ba kasi kinapos ako sa height? Well hindi naman na masama ang height ko na 5’8 pero Rich is 6 feet and mestiso. What the heck! Kailan pa ako na- insecure sa ungas na toh.
Lumapit ito kay Aynnah and to my dismay he kissed her in her side head. Na parang bang natural na nitong ginagawa ito.
“O, may bago na tayong mga kasalo. May nadagdag sa barkada niyo?” tanong nito na tiningnan si Aynnah ng nakakaloko.
Napasimangot si Aynnah sa sinabi nito. “Huwag ka ng dumagdag, Ricardo. Utang na loob.” Saway niya.
Naa-amuse na tiningnan siya ni Rich. “I didn’t say anything that-“
“But your eyes is irritating.” Naiiritang sabi niya at pinandilatan pa ito.
“Okay, I’ll shut my mouth.” Pigil ang ngising sabi nito.
Lihim ko silang pinagmasdan habang kumakain. May sinasabi sa akin si Earl at Joyce pero wala sa dalawa ang utak ko.
Magkaano-ano ba si Rich at Aynnah?
Bakit ganoon sila ka-close?
And what the hell is happening to me?!
Naiinis ako na hindi maintindihan.
Naiirita ako na hindi ko malaman kung bakit at kung saan?!