Aynnah's POV
Galit na hinila ni Melai ang buhok ko paglapit na paglapit ko sa kanila. Nagpatawag ng meeting ang mga bruha kong kaibigan dahil nalaman na marahil ng mga ito ang ginawa ko na para sa kanila ay isang malaking katangahan.
Bakit ba kasi pumunta pa ko?
"Punyeta! bakit ba?" Inis na asik ko sa kanya. gusto kong mapangiwi. nagtanong pa ako e alam ko naman ang dahilan.
Nanggigil pa rin siya at masama ang pagkakatingin sa akin. "Are you really out of your mind? o talagang nabaliw ka na sa pagmamahal mong yan kay Drew?!" sigaw niya na hindi na inisip kung nasaang lugar kami.
well nasa food court lang naman kami ng megamall ay kasalukuyang pinagtitinginan ng mga tao.
"Aynnah naman," tila nauubusan na rin ng pasensyang anas ni Leny.
Tiningnan ko ang mga mukha nila, halos lahat sila ay dismayado. Napabuntong-hininga ako. "I'm not going to apologize on what I've done. I have the right to be happy. and to be happy is to make a decision that I'm not going to regret in the end. Ito lang ang nakikitang kong paraan para maging masaya ako at matupad kahit isa man lang sa pangarap ko." seryosong sabi ko.
Tila lalo lamang silang na-depress sa sinabi ko.
"Paano kung malaman ni Mildred?" tanong ni Leny.
Mapait na ngumiti ako. "Hindi niya malalaman kung walang magsasabi sa inyo."
"Alam ba ni Drew?" si Melai.
Umiling ako. "Tulad nga ng alam niyong plano ko, hindi ko sasabihin sa kanya."
Napapalatak sila. Tila hindi malaman ng mga ito kung anong gagawin sa kin. We've been friends since college, lahat ng plano ko sa buhay alam nila. At ganoon rin ako sa kanila, kaya kahit ano pang tumatakbo sa isip nila, kahit pa sinusumpa na nila ako sa ginawa ko. Alam kong hindi nila ako iiwan at susuportahan pa rin nila ako.
Napabuntong- hininga ako ng hindi sila umimik na dalawa. "Lilipat na ko sa Binangonan, I'll be staying there for good. Alam niyo naman kung saan ako hahanapin diba?"
Napailing si Melai, "Is this really happening for real???" tila hindi pa rin makapaniwala na wika niya.
Nginitian ko siya saka tumango. "Imagine, plano- planohan lang natin ito dati, tapos ngayon totoo na." napabuntong- hininga ako. "Nakakatuwa na karamay ko pa rin kayo sa mga oras na ito."
Napakamot ng siko si Leny. "Bakla ka, hindi man kami natutuwa dyan sa pinaggagawa mo, nandyan na yan e. kalbuhin ka man namin, kung talagang desidido ka, wala na kaming magagawa." inabot niya ang kamay ko at ginagap iyon. "Ninang kami bakla ha," parang maiiyak na sabi niya.
Napangiti si Melai sa sinabi niya. "May makakalaro na si Miggy."
"Sana lalaki," sabi ko saka mapait na ngumiti. pero kahit maging babae ang nasa sinapupunan ko ay okay lang as long as nabuo siya dahil sa pagmamahal ko sa ama niya...