Dito nagsimula ang lahat
Chapter 1
Midyear of 2001
(Aynnah’s POV)
Napakislot ako ng sikuhin ako ng ka- seatmate kong si Michael. Mula sa pagkakatanaw sa labas ng bintana ay nilingon ko siya at nagtatakang tiningnan.
Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Sinulyapan rin niya ang aming guro sa Math na si Mrs. Pedrido na kasalukuyang nagpapaliwanag sa harapan.
“Para ka na namang tangang nakatingin sa labas.” Pabulong na puna niya sa akin.
Pinalukot ko ang ilong ko saka parang timang na nahihiyang napangiti. “Obvious na ba masyado?” nakangiwing tanong ko.
“Oo kaya,” sagot niya. “Hindi naman si Christian ang dumaan ha?” Puna niya na habang nakatingin sa teacher namin. “Don’t tell me na si Bonn Andrew Manzano na ang itinitibok ng pihikan mong puso, Aynnah.” Nakangising wika niya.
Sinimangutan ko siya. “Itinitibok ka diyan. Adik ka ba? Nagkataon lang na siya ang dumaan sa labas at nagkatinginan kami, iyon lang iyon no!” mahinang sikmat ko sa kanya dahil napatingin sa gawi namin si Mrs. Pedrido.
Hindi naniniwalang tiningnan niya ako. “Ba’t defensive ka?” tanong pa niya.
“Ang daldal mo, kapag napatayo tayo ni Ma’am humanda ka sa akin, paabangan kita kina Rich sa labas ng campus.” Pananakot ko sa kanya.
Natawa ito ng pagak. “As if naman na natatakot ako kay Rich.” Sabi niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at baka malaman pa niya ang totoo. Alam ko naman na kahit hindi niya sabihin ay may pangingimi siya sa kaibigan ko.
Hindi na rin siya umimik sa takot na matawag kami ng teacher namin para sa recitation.
Napangalumbaba ako. Bakit ba kasi hindi mapigilan ng mga mata ko na hindi mapatingin sa labas e. Parang may mga sariling isip ang mga ito na kahit hindi ko sabihin ay kusang gagalaw at ipapaling ang ulo ko upang tumingin sa corridor. Buti sana kung iisang beses lang na nangyari iyon pero hindi, napapadalas na, at iisang tao lang naman ang ikinaganito ng mga pasaway na matang ito. Maliban roon ay pati ang puso ko ay parang nakikisama na rin. Dahil sa tuwing mapapatingin ako sa labas at magtatama ang mga mata namin ay sumasabay sa kabog ang puso ko na para bang gusto nitong lumabas sa rib cage nito. Na kapag naglalakad siya ay parang gusto nitong lumabas sa dibdib ko. At gustong humabol sa kanya habang palayo siya.
Napabuntong- hininga ako. Hindi ko dapat nararamdaman ang bagay na ito dahil hindi kami magkakilala maliban na lang sa mukha niya at pangalan niya. Pero dahil sa curious ako sa kanya, unti- unti ko rin siyang nakilala ng palihim.
Si Bonn Andrew Manzano. Pareho silang nasa third year high school. Magkatabi lang sila ng section kaya hindi siya hirap na sumilay rito nang palihim. Kasali ito sa Dance Club ng school, maliban roon may sarili rin itong grupo na sumasali sa mga dance competition sa loob o sa labas man ng campus. Kaya kilala siya halos lahat ng tao sa campus, at halos lahat ng babae roon. Dahil hindi lang siya magaling sumayaw kundi nabiyayaan rin siya ng magandang mukha. Kamukha siya ng batikang young actor na si John Prats iyon nga lang moreno version siya ni John Prats. Hindi siya madamot na ngumiti sa lahat ng mga bumabati kanya. Mabait daw siya according sa mga kaibigan ko, we have one common friend and that’s Kristin. They were classmates way back 1999. Thank God na naging kaibigan ko si Tin. Dahil kasi sa kanya marami akong nalaman kay Bonn.
Mabait si Bonn, pilyo, makulit, matalino, masipag, lahat na yata ng mga positibong bagay nasa kanya. Wala akong narinig ni katiting na negative sa ugali niya. Well, meron yatang isa, yon ay ang pagiging maharot, dahil minsan nami- mis- interpret na ng mga babaing nakakahalubilo niya ang mga ginagawa niya. Kahit na yata simpleng Hi niya ay binibigyang kahulugan ng mga babaing may gusto sa kanya. Hindi ko naman masisisi ang mga iyon dahil kung ako rin naman, malamang nga na mag-isip rin ako ng ganoon. Pero hello??? Grabe naman ha, hindi pa siguro ako ganoon ka-tanga para sa isang hi lang ay bumigay na ako, as if! At saka mahigpit ang bilin sa akin nina Tin na kung ayaw kong umiyak ng dugo: Don’t mess around with him and don’t dare fall in love with him. Hello??? Mas dapat nga na ako ang magsabi niyon at hindi sila. Siya ang hindi dapat na makilala ako. Hahaha, ang lakas ng apog e ano? Mas natatakot ako kapag nagkabaliktad ang sitwasyon. Muli akong napabuntong- hininga.
Hindi niya dapat malaman ang nararamdaman ko o nino man sa mga kaklase ko. Tama nang si Tin, Joyce at si Rich ang nakakaalam ng nararamdaman ko sa kanya dahil kapag nagkataon ay malaking gulo, o hindi man baka ikasira ng mundo ko. At baka ikasira rin ng mundo niya.
Tama nang paghanga lang ang itanim ko sa isip ko na nararamdaman ko sa kanya at hindi ang ano pa man. Ngunit alam kong umusbong man ito ay hindi ko na ito mapipigilan. Pero kailangan kong itatak sa isip ko na hindi pwede.