Dumating ang araw ng kuhaan ng card. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Alam kong medyo tagilid ako sa Math pero kampante ako na hindi naman ako babagsak sa subject na iyon. Ngunit mali ang paniniwala ko. Dahil halos hindi ko matingnan ang card ko at hindi ko alam kung paano ko iyon ibibigay sa mga magulang ko.
“Ang lupit talaga ni Mrs. San Diego. Ilan ang ibinagsak niya sa atin.” Naiiling na sabi ng ka-seatmate kong si Joana. “Pasado ka ba Aynnah?” curious na tanong niya.
Hindi ko siya inimik. Shit! Paano ‘to? Alam kong magagalit si mama sa grades na toh, mababa na nga, may isa pang bagsak. Halos lahat ng grades ko nagbabaan ng second grading. Paano ko ipapaliwanag ‘to?
Nagmamadaling kinuha ko ang knapsack ko at lumabas ng classroom. Kailangan ko si Rich!
Nakita ko siya na papunta na rin sa classroom ko. Malamang para sunduin ako dahil uuwi kami kaagad.
“How’s your grade?” nakangiting tanong niya na kaagad ring nabura ng makita ang hilatsa ng mukha ko. Kinuha niya ang card ko ng iabot ko iyon sa kanya. Lalo lamang kumunot ang noo niya sa nakita. Napapalatak pa siya. “Tsk! Tsk! Tsk! Vincent Aynnah Camacho, this is bad, really bad.”
“Help me, please...” kinakabahang pakiusap ko.
Naguluhan siya sa sinabi ko. “How Aynnah? How are we going to explain this to your parents?Ano ba kasing nangyari sa iyo at ganito ang grades mo?” tila inis na wika rin niya. Para bang naiinis siya sa pinaggagawa ko wala pa man akong sinasabi.
“I don’t know,” walang maikatwiran na sagot ko.
“You don’t know? Pwede ba iyon? Did you pass your project? In Math? What’s your problem with Mrs. San Diego? Okay naman siyang magturo ha?” Sunod- sunod na tanong niya.
“I- hindi ko nga alam kung paano ko ie-explain kina mama tapos heto ka naman ngayon.” Nafru-frustrate na sabi ko.
“Mahihirapan ka talagang i-explain ‘to kapag pinag-compare ang mga grades natin. Kahit ako kapag tinanong nila mahihirapan din na ipagtanggol ka dahil hindi ko na rin naman nasusubaybayan ang mga pinaggagagawa mo this past few weeks because of him.” Paliwanag rin niya na mukhang frustrated na rin.
Tama ito, this past few week lalo na before exam ay hindi sila masyadong nagkakasama dahil sa practice nito ng basketball at dahil sa may mga outside games din ito. Kamustahin man siya nito ay palaging okay at palaging ang ginagawa lang nila ni Chris ang sinasabi niya. Ni hindi na niya ito nakakasamang gumawa ng individual projects na nakasanayan na nila noon pa man.
“Ihanda mo na lang ang sarili mo.” Tanging sabi na lang nito. Ibinalik nito sa kanya ang card niya at inakbayan na siya para igiyang umuwi.
“Ayokong umuwi,” naiiyak nang sabi ko. Natatakot ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pag uwi ko. Grabe pa naman magalit si Mama. Hay nako naman...
“Hindi pwede, kasalanan mo iyan kaya kailangan mong harapin.” Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakaakbay sa akin na para bang tatakbo ako.
Hindi na ko nakapalag. Face your fear Aynnah...