Chapter 2-2

30 0 0
                                    

WELCOME BACK STUDENTS (CLASS OF 2002- 2003)

JUNE 2002

            Kakabog- kabog ako ng sumilip muna ako ng pasimple sa classroom, hoping na sana ay wala pa roon si Bonifacio Andres Manzano. Nakahinga ako ng maluwag ng wala pa siya.

            “Paano? Iiwan na kita?” tanong ni Rich na nasa tabi ko.

            Iniabot niya sa akin ang bag ko.

            “Okay na ko, hihintayin ko na lang si Tin sa loob.”

            “Are you sure? Paano kung dumating si Manzano ng wala pa si Tin? Can you handle it?” Nakataas ang isang kilay na tanong niya.

            Umiling ako. “Hindi ko alam,”

            Naiiling na napangiti siya. “Kaya mo yan, tandaan mo, one year kayong magkakasama sa iisang classroom.”

            Napasimangot na lang ako. “Ewan ko, basta, I’ll try to behave.” Sabi ko na lang.

            “Hi, Rich...”  bati ng isang babae mula sa pinto ng classroom namin.

            Tinanguan lang ito ni Rich. “So, aalis na ko ha. Sabay na lang tayo mamayang recess and lunch.”

            Tumango ako.

            He tapped my head before he leaves. The usual thing that he do since we become friends. Pumasok ako sa loob ng classroom nang hindi pinapansin ang pagtitinginan ng mga kaklase ko at ang pag-oobserba nila sa akin. Ramdam kong nakatingin sila sa akin pero wapakels.

            Umupo ako sa row one, sa upuang nakatabi sa bintana. Kung saan makikita ang mga taong dumadaan sa corridor. My favorite place, dahil simula ng mag- elementary ako palagi akong na-a-assign sa mga pwestong katabi ng bintana kaya siguro gusto- gusto ko sa ganoong pwesto. Kapag kasi nasa gitna ako nakaupo pakiramdam ko ay nasu- suffocate ako.

            Inilabas ko ang journal ko at ang ballpen ko. Nagsisimula na akong magsulat roon ng maramdaman kong may lumapit sa akin at umupo sa upuang nasa harapan ko. Hindi ko pinansin iyon dahil kung si Tin iyon sa katabing upuan ko siya uupo.

            “Ba’t dyan ka umupo?” takang tanong ng isang tinig ng lalaki sa taong nasa harapan ko.

            “Sshhh....” sabi ng lalaking nasa harap ko.

            Lihim akong napairap sa nangyayari sa paligid ko. Hindi pa ako totally engrossed sa ginagawa ko kaya napagtutuunan ko pa ng pansin ang mga bagay- bagay na naririnig ko sa paligid ko.

            “Earl, Drew dito na kayo umupo sa amin.” Tawag ng isang tinig ng babae na nasa row three.

            “Dito na lang.” Nakangiting sagot ng walang ibang tinig kundi si Bonn.

            Ganoon na lang ang angat ng ulo ko upang tingnan ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko na naman napigilan ang literal na panlalaki ng mga mata ko ng makita siya.

            Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ibinaling niya ang tingin sa akin.

            “Hi,” nakangiting bati niya.

            Napataas ang isang kilay ko. “Anong ginagawa mo dyan?”

            “Nakaupo,”

More Than You'll Ever Know (Higit sa nalalaman mo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon