Aynnah's POV
Heto na po... nagsisimula na ang kalbaryo ni Isip, nagsisimula naman na ang pantasya ni Puso. Sumasaya si Puso nakukunsumi naman si Isip. Hindi na ako magtataka kung isang araw magsabong na ang dalawang ito na maging resulta ng kabaliwan ko.
"Diba the more you hate the more you love," panunukso sa akin ni Maby habang nagre-recess kami.
Napairap ako. "Hindi sa case ko,"
"Anong bang ayaw mo sa kanya?" tanong ni Jhay habang kumakain ng chips.
"Hindi nga sa ayaw e, kahit gustuhin niya si Drew hindi naman sila magiging masaya." si Shane.
"Kahit sandali lang? At least hindi siya magsisisi sa huli, at hindi niya sasabihin ang napakaraming what ifs kapag hindi niya binigyan ng chance yung feelings niya." si Jhay na lantaran na ang pangbebenta kay Bonn sa akin.
"Iyon nga ang masaklap doon e, naging masaya nga kayo pero sa huli sobrang lungkot naman. Kaya wag ka ng maging masaya para sa huli hindi ka na malungkot." Katwiran ko pa.
"Pero manghihinayang ka naman sa bandang huli dahil hindi ka sumubok." sabi ni Bonn na bigla na naman lumitaw at sumabad sa usapan namin.
Naiikot ko ang mga mata ko.
"Tama, doon mo na sasabihin na paano kung sinubukan ko, paano kung naging kami, paano kung-" si Jhay na hindi na natapos ang sasabihin dahil pinandilatan ko na ng mata.
"Tumpak!" sabi ni Bonn na kumuha ng chips sa chips ko ng hindi nagpapaalam,
Feeling close, nakaismid na sabi ni Isip.
"Kaya nga susubukan ko para hindi na ako manghinayang sa bandang huli," sabi pa niya na humarap sa akin.
"Manliligaw ka na?" excited na tanong ni Jhay.
Tumango si Bonn. "Pwede ba?" tanong niya sa akin.
Napataas ang isang kilay ko. Nagtatalon naman si Puso. Manliligaw na siya! Tili nito. Shut up! Sigaw naman ni Isip. "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang liligawan mo?" mataray na sabi ko.
"Ay manhid," bulong ni Maby.
"Hindi, tanga lang," si Jhay.
"Hindi rin, nagkukunwari lang iyan," si Shane.
Natawa si Bonn sa sinabi ng mga kaibigan ko.
"Tigilan niyo ko, makakatikim kayo sa akin." pananakot ko sa mga kaibigan ko na mga nagmake face lang.
"Oo, ikaw ang liligawan ko, pwede ba?" pa cute na sabi niya.
Ang cute niya, dreamy na sabi ni Puso. Manliligaw na siya, say yes!
Say No! si Isip.
Nakipagtitigan ako sa kanya. Ganoon din ang ginawa niya sa akin.
Lihim na napamura ako ng ngumiti siya, lalo lamang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa ginawa niyang iyon. Kung pwede nga lang ba bakit hindi diba? Bakit ko pa pipigilan ang sarili ko? Pero tulad nga ng mga naging desisyon ko hindi, hindi ko siya itutulad kay Chris. Hindi ko hahayaan na masaktan siya. Hindi bale ng ako, wag lang siya.
"No," seryosong sagot ko na iniiwas na ang tingin.
"Try mo lang... bigyan mo ko ng chance," seryosong sabi pa niya.
"Ano ito free taste? kapag di ko nagustuhan e hindi ko i-a-avail?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya. Pigil ko ang mapangiti ng sabihin ko iyon.
Alanganing tumango siya, "I think, parang, kasi kung sa free taste kapag nakita mong mukhang masarap titikman mo, susubukan mo at kapag ayaw mo hindi mo bibilhin. Ganoon nga siguro ako, alam kong alam mong gwapo ako, hindi ka na lugi doon. Aside from that, mabait ako, matalino din naman, magaling pang sumayaw, maraming babae ang naghahabol... why not grab me and try me..." nakangiting sabi niya at kinindatan pa ako.
Hindi ko na napigilang ngumiti sa sinabi niya. Wala sa tono niya ang nagyayabang habang sinasabi iyon. Aware lang talaga siguro siya sa mga qualities niya.
"Ako na lang ang ga-grab at magta-try sayo.." kinikilig na sabi ni Jhay na nilapitan pa si Bonn at kumapit pa sa braso nito.
Pinanlukutan ito ni Bonn ng ilong. "Sorry kay Aynnah muna," sabi niya na masuyong pinisil pa ang pisngi ng kaibigan ko.
He usually do that to any other girls kaya siya namimis interpret e. Kung manliligaw siya sa akin hindi na dapat siya ganoon dahil baka makapatay lang ako.
Huwat?! sigaw ni Isip.
I mentally shook my head, ano bang iniisip ko?
"So?" naghihintay sa sagot ko na pukaw niya sa akin.
Napabuntong hininga ako, "Sorry pero hindi ka mukhang masarap sa paningin ko." sabi ko sa kanya saka tumayo para itapon sa basurahan ang pinagkainan ko.
Kailangan ko ng umalis doon dahil hindi matatapos ang usapan na iyon kung walang titigil sa aming dalawa, and knowing him hindi siya titigil na lang basta- basta.
"Aw!" nang-aasar na sabi ng mga kaibigan ko.
"Sabi sa iyo magsasayang ka lang ng panahon at laway sa babaing iyan." Si Tin. "At mild pa iyan Manzano, hintayin mong mainis sa kakulitan mo iyan." dugtong pa niya.
"Mag-c-cr ako sino sasama?" tanong ko sa mga kaibigan ko pagbalik ko sa kanila.
"I'm not giving up," sabi niya.
"Bahala ka sa buhay mo, ikaw lang din ang mapapagod." kunwa ay walang interes na sabi ko sa kanya at iniwan na sila.
Bahala siya, gawin niya ang gusto niyang gawin at gagawin ko din ang gusto kong gawin. Matira na lang ang matibay sa aming dalawa.
Start writing your story...