CHAPTER 4- 6

40 2 0
                                    

Worst day ever!

Ang akala ko ay okay na ang lahat. Na okay ng pasimple kong sinusulyapan si Chris mula sa malayo. Na nagbibigay pa rin siya ng letter kahit na sinabi niyang bibigyan niya ako ng space and time. Na tahimik na lang kaming pareho. Pero hindi pala...

Akala ko ako lang ang kayang kontrolin ng mga magulang ko pero hindi...

After nang nalaman ko ang tungkol sa amin, sa akin at kay Rich ay napilitan akong pansamantalang layuan ang matalik kong kaibigan. Mukhang ganoon rin naman siya sa akin. Oo at sabay pa rin kaming pumapasok pero hindi kami nagkikibuan sa loob ng kotse. Hindi ko na rin alam ang nangyari tungkol sa kanilang dalawa ni Tisha.

Marami ang nagtataka dahil hindi na kami madalas na nagkikita ni Rich. Kahit ang mga kaibigan naming ay hindi alam ang nangyayari sa amin.

“Pwede pa ba akong sumali sa Taekwondo?” tinatamad na tanong ko kina Doel ng minsang makasabay-sabay kami ng lunch.

Nagtatakang tiningnan nila ako. “Anong nakain mo?”Tanong niya.

“May problema ba kayo ni Ricardo?” tanong naman ni Nick sabay kagat sa sandwich niya.

Umiling ako. “Wala,”

Hindi naniniwalang tiningnan nila ko. “Tigilan mo kami sa pa-showbiz effect mo.” Saway ni Kevin.

“Halata ba?” alanganing tanong ko.

Nakatikim ako ng kutos mula sa tatlong kumag. “Ano bang nangyari?”

Wala akong nagawa kundi ang ipaalam sa kanila ang nangyari sa bahay since mga kabarkada rin naman naming sila.

“Complicated, mabuti na lang at kilala kami ni Lola Besie.” Napapalatak na sabi ni Doel.

“So, ano, pwede pa ba akong sumali sa Taekwondo class niyo?”

“Hindi solusyon iyon!” si Nick.

Napasimangot ako. Ayoko nang magsalita at talo ako sa kanila. Wala si Rich para ipagtanggol ako. Kumuha ako sa fries na nasa tray ni Kevin ng may pumasok na grupo ng mga kababaihan. Kilala ko sila. Mga kaklase sila ni Rich at Tisha.

Nang mapasulyap sila sa table naming ay nagkatinginan ang mga ito saka nagbulungan.

Hindi ko na lang pinansin iyon.

Ngunit naglakad sila patungo sa table namin. “Vincent,” tawag ng isa sa kanila.

Nagtatanong ang tingin na tiningnan ko siya.

“Totoo bang engaged na kayo ni Rich?”tanong ng tumawag sa akin

“Kahit na first year high school pa lang kayo?”gagad naman ng isa pa.

Nagsalubong ang kilay ko saka napatingin sa mga kaibigan ko na napatingin din sa akin.

“Hindi totoo yan,” sagot ko.

“Diba galing sa inyo si Tisha last week? Tapos after that nag-break na iyong dalawa.” Si girl no. 3

“Huwag ako ang tanungin niyo.” Pigil ang inis na sabi ko,

“Pero iyon ang sabi ni Tisha.” Girl no. 2

Napatayo na ako sa kulit nila. “E, iyon naman na pala ang sinabi sa inyo ni Tisha e, e bakit tinatanong niyo pa ako”

“Gusto lang namin ng confirmation.” Bigla at tila natakot si girl no. 3

“Gusto niyo lang ng tsismis, hindi confirmation.”mataray na sabi ko.

More Than You'll Ever Know (Higit sa nalalaman mo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon