Ngunit dumarating talaga sa pagkakataon na hindi kayang utusan ni Isip si Puso. Utusan man niya ito sutil naman si Puso at hindi susunod. Makikipagmatigasan pa ito at tila mang-aasar pa kahit na sermunan ni Isip ng bongga. Ganoon naman talaga diba? Kaya nga may brokenhearted e, kaya nga may nasasaktan at umiiyak. Wosrt may nagpapakamatay pa.
Diba? Diba? Diba? Sumagot ka! :D
Naiiling na napangiti ako sa kagagahang isinusulat ko sa diary cum kagagahan, kaeng-engan, sulat ng kung anetch- anetch na mula sa malawak kong imahinasyon.
Wala na naman kasi kaming teacher naka- leave daw, leave one month after non aabsent uli. May mag sub man madalang pa sa patak ng ulan kaya gudluck sa Chem namin. Hindi pala, gudluck sa Physics namin next year.
“Aynnah!”
Napakislot ako ng bigla na lang humahagunot na lumapit sa akin sina Joyce at Tin. Nagsalubong ang kilay ko ng makalapit sila sa akin. “Makatawag naman sa pangalan ko bongga? Ano may emergency? Hindi ako ang kailangan niyo. No way!” tanggi ko kaagad hindi pa man sila nagsasalita.
Natawa si Joyce. “Gaga! Hindi ito matter of life and death noh!”
“E bakit kung makatakbo kayo e parang end of the world na any minute, seconds from now?” takang tanong ko.
“Talagang magiging end of the world ng mundo mo kapag nakita mo siya, daliii...” kinikilig sabi ni Tin.
Lalo lamang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
“Nako, tumunganga pa, wala na tayong maabutan kung hindi pa natin kakaladkarin ang babaing to,” tila mauubusan na ng pasensya na sabi ni Joyce.
“Ano ba kasi iyon?” hindi pa rin ako tumitinag sa pagkaka-upo.
“Get your things, para after this hindi na tayo babalik rito sa classroom. I’m sure naman na uwian na rin naman after non.” Nagmamadaling sabi ni Tin. Iniwan na ako ng dalawa para ayusin ang mga gamit nila.
Nagtatakang sinipat ko ang wallclock namin. May thirty minutes pa bago ang uwian. At may isang oras pa bago umuwi si Borge. Ang bunso kong kapatid. Pumupunta pa kasi ako sa school niya para sunduin siya at sabay na kaming uuwi. Minsan naman kung available si Papa sinusundo na rin niya kami.
“Vincent Aynnah Camacho!” tila naiirita ng tili sa kanya ni Tin.
Natatawang inayos ko na lang din ang gamit ko bago pa dumiretso ang buhok ni Tin sa sobrang inis sa akin.
“Ano ba kasing meron?”
“Basta, masu-surprise ka.” Kinikilig na sabi ni Joyce.
“Kapag ako hindi na-surprise at na-bwisit diyan sa gagawin niyo humanda kayong dalawa sa akin.” Birong pananakot ko sa dalawa.
Lumapit si Tin sa akin at hinawakan pa ko sa braso na animo’y tatakasan ko sila ni Joyce.
“Tara na, baka hindi na natin maabutan iyon masayang lang ang effort natin sa pagtakbo.” Si Tin
“Let’s go and fall in love.” Parang tanga lang na sabi ni Joyce.
Napabuntong- hininga ako. Sige, sasakyan ko na lang ang kagagahan ng dalawang ito.
Hinila ni Tin ang braso ko at nagmamadali kaming lumabas ng classroom at bumababa ng building. Nagpatangay na lang ako sa kanya sa kung saan man lupalop ng mundo niya ako dadalhin. Alam ko naman na hindi niya ako ipapahamak e.