CHAPTER 4-4

36 0 0
                                    

Upang hindi na lumala pa ang sitwasyon ay iniwasan na niya si Chris. Sa tulong ni Rich at ng iba pa nilang kaibigan ay nagagawan nila ng paraan upang hindi sila makapag-usap ng binata. Ayaw na niyang pahantungin pa sa kung ano man ang kayang gawin ng mama niya.

            “Bakit si Rich hindi pinapaiwas sa iyo Ate?” tanong ni Anton ang sumunod sa kanya.

            “Oo nga ate, diba kumalat pa nga sa buong compound na binigyan mo siya ng letter noong grade five kayo pero hindi ka naman pinagalitan ni mama noon.”sabad ni Aris ang pangatlo.

            Napatingin lang sa kanila si Austin ang bunso nila mula sa pakikipaglaro ng chess sa kuya Aris nito.

            “E, kasi mga bata pa kami noon kaya hindi big deal kay mama, hindi pa ko mabubuntis ni Rich noon.” Biro ko na lang sa kanila habang pinapanood sila sa laro nila.

            “E, bakit naman ngayon? High school na kayo pero hindi ka pa rin pinagbabawalan ni mama na sumama kay Kuya Rich? Parang gustong- gusto pa nga niya kapag kayo ang magkasama e,” si Aries

            Napabuntong- hininga ako. “Malaki kasi ang tiwala niya kay Rich.”

            “Hindi rin,” Sabi ni Anton.       

            Bigla akong napaisip sa mga sinabi nila. Pero hindi, malaki lang talaga ang tiwala ni mama kay Rich kaya ganoon ang sitwasyon. Kahit kina Doel at sa iba pa.

            BIGLA akong nakaramdam ng kaba ng pagbaba namin ni Rich ng kotse ng pamilya nito ay natanaw ko si Chris sa gate at halatang ako ang hinihintay. Napatingin din ako sa driver nina Rich ng bumaba ito at sinamahan pa sila sa gate.

            Nagkatinginan kami ni Rich, hindi ‘yon ginagawa ng driver niya noon.

            “Mang Tata baka mahuli ho kayo,” magalang na paalala ni Rich rito.

            “Hindi iyan, gusto kasi ng lola mo Rich na ihatid ko kayong dalawa ni Aynnah hanggang gate talaga. Ayaw niya noong tinatanaw ko lang kayo. Baka daw kasi bigla kayong tumakas na dalawa.” Biro nito na ito lamang ang natawa.

            Nagsalubong ang kilay ng kababata ko. Lalo na ng makita si Chris na papasalubong sa amin.

            Nanlalaki na ang matang tiningnan ko siya. Sana naman ay makuha niya ang ibig kong sabihin.

            “Vin-“ hindi na natuloy ni Chris ang paglapit sa akin dahil inakbayan kaagad ito ni Rich.

            “Oy, pare, long time no see ha? Hinihintay mo ba talaga ako? Tara pasok na tayo.” Nagmamadaling inakay na ito ni Rich papasok.

            Nakasunod lang ako sa dalawa. Alanganin na nginitian lang ko si Chris ng lingunin niya ako

            Nakasunod pa rin sa amin si Mang Tata at hanggang sa makapasok kami sa gate ay nakatanaw pa rin ito sa amin.

            “Nakatingin pa rin?” tanong ni Rich na hindi lumilingon sa akin.

            “Oo,”

            Napasimangot siya. “Mahuli sana siya.” inis na wika niya. “Pare huwag ka munang lilingon, may bantay si Aynnah ngayon.” Bulong niya.

More Than You'll Ever Know (Higit sa nalalaman mo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon