WIN'S POV
( Wrency's Mother)" Son, How is your life in US? " Tanong ni hezo sa anak namin. Bata palang ito ng pinili na niyang manirahan sa ibang bansa kasama ang mga lolo at lola niya sa father side. Kahit ano mang tutol ko ay pursigido itong anak ko kaya wala na din kaming nagawa pa.
Kaya ginawa nalang namin binibisita namin ito sa US. Sobrang laki ng pinagbago ng anak ko na mahahalatang nagmana sa asawa ko.
" It's fine, dad. " Maikling sagot nito habang kumakain ng steak na paborito nito. Kahit naman malayo ang anak ko samin ay alam ko pa din ang mga paborito o hilig nito.
" Napagalaman ko na magbabakasyon kalang dito sa hacienda anak? " Ako naman ang nagtanong dito.
Nagpunas muna ito ng nguso bago sumagot.
" That was before, Mom, but I changed my mind. I found something interesting here, so I will stay here for good. " nakangising usal nito habang may tinitignan sa likuran ko kaya napatingin ako at nagtataka ako kung bakit tinitignan niya ang magandang dilag na si mallows. Isa si mallows sa mga masisipag na kasambahay namin. Sobrang ganda ng dalagitang ito at wala din akong masabi sa kabaitan nito.
Natawa na lamang si hezo na parang naintindihan niya ang sinabi ng anak namin. Habang ako ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba para sa dalagang tila nakakuha ng atensyon ng anak ko. Kailangan kong kumpirmahin ang kutob kong ito.
" Anak nasabi pala ni manang na may kinuha kang personal maid mo. Sino? " Malambing na usal ko dito para hindi niya malaman kung anong pakay ko. Kilala ko ang anak kong ito hindi siya basta basta napapaikot lang.
Mas lalo siyang ngumisi habang napapa haplos sa gintong malaking singsing nito.
" Come here, baby doll " may kakaiba sa boses ng anak ko ng sambitin niya ito. Baby doll? Nagtaka naman ako dito. Sino yon? Wala naman akong maalala na may kasambahay kaming baby doll ang pangalan.
Nakumpirmado kong tama ang hinala ko ng lumapit si mallows sa tabi ng anak ko. Napalunok ako dahil kahit anak ko si wrency ay alam kong hindi maganda ang buhay ng kahahantungan ni mallows kaya ngayon palang kailangan ko ng pigilan ito. Mukhang pati ugali ni hezo nakuha ng anak ko at hindi ako papayag don.
" Anak hindi pwede si mallows dahil lagi ko siyang kasama sa aking mga pamimili. You can choose another one, son, except mallows "
Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa dalagang tila maging ito ay takot dahil kita kong nanginginig ang kamay nito at iwas ito sa anak ko. Ngayon palang nakikita kona kahahantungan ng dalaga sa kamay ng anak ko. Nagiba ang tabas ng mukha ng anak ko at tinignan niya ako ng sobrang lamig.
" She's the only woman I want, mom. Only her. " matigas na sabi niya habang hindi niya nilulubayan ang tingin sakin kaya napalunok naman ako lalo na ng pisilin ni hezo ang hita ko na nagsasabing pagbigyan ko nalang ang anak namin.
Kaya tumango na lamang ako at wala ng nagawa pa. Gusto kong mapaiyak dahil hanggang ngayon wala pa din akong magawa. Tulad ni hezo ay mukhang pati ang sarili kong anak ay kaya akong paikutin sakanilang palad. Manang mana siya kay hezo. Mga walang puso at ang nais lamang nila ang gusto nilang masunod. Mahal ko silang dalawa pero nakakasakal ang ginagawa nila.
Mukhang mararanasan ng dalaga ang naranasan ko dati kay hezo kaya ngayon ay gagawin ko ang lahat para makawala ang dalaga sa kamay ng anak ko.
>>>>>
" Honey , I know what you're thinking. Stop it " seryosong usal ni hezo. Natawa na lamang ako ng pagak dahil hanggang isip ba naman ay hawak niya. Lahat ng meron sakin ay hawak niya. Masyado niya akong kinulong sa mga palad niya. Dahil sa sobrang pagmamahal nagagawa na niya akong saktan, hindi sa pisikal kundi sa emosyon. Oo mahal ko siya pero sakal na sakal na ako. Kahit gusto ko siyang layasan hindi ko magawa dahil bukod sa may anak kami ay hindi ako makawala sa bisig na pinalupot niya sakin.
" Hezo please help mallows. Ang bait ng batang yon para mapunta lang sa anak natin. " Pagmamakaawa ko dito at hinawakan ang kamay nito. Pero seryoso lang akong tinignan ng asawa ko at hinalikan nito ang labi ko bago sumagot. Kahit na nasa seryosong usapan kami hindi ko mapigilan na kiligin sa ganitong akto niya. May edad na kami pero hindi pa din nawawala ang ka sweetang taglay ng asawa ko.
" I'm sorry, but I can't assist with that. "
Bumagsak ang balikat ko ng dahil sa sinabi nito. Inaasahan ko na ganito ang sasabihin niya. Na mas kakampihan pa niya ang anak niya. Kaya lumaking kagaya niya ang anak namin dahil sa pagkukunsinti niya dito maging ang magulang nito ay ganun din ang ginagawa. They build a monster at wala akong magawa roon. They build my son like a monster as well as my husband too.
" He's still my son, and I support him. I don't care if he owns this innocent woman. All I care about is his happiness. You know, when we're interested in something, it runs in our blood. Once we have our attention on something, you can't escape anymore. We're possessive and willing to kill if necessary, just like what I did before, honey. Call us a monster? I don't care because this is truly who we are. " dagdag pa niya kaya mas nawalan ako ng pagasa. Akala ko mababago ko pa isip niya pero naalala ko palang sakaniya nagmana ang anak namin. Tama siya, nasa lahi na nila ito ang pagka b*liw sa isang babae.
Naalala ko pa yung dating pwersahan din akong angkinin ni hezo na parang pagmamayari niya. Nagawa niyang p*t*yin ang nobyo ko noon sa harapan ko para makuha lang ako. Hindi ako makapag sumbong noon dahil malakas ang connection nila sa lipunan kumpara samin. Kaya wala akong nagawa kundi magpaubaya sakaniya kundi ay maging ang pamilya ko ay idadamay niya. Ang dami niyang pin*tay makuha lamang ako at ngayon hindi ko alam na mamahalin ko ang isang tulad niya. Tinanggap ko siya ng buong buo sa kabila ng nangyari pero ang ugali niya hindi pa din nagbabago at namana pa talaga ng anak namin ang ugali niya.
" Akong makakalaban mo honey kapag pinakelaman mo sila. Let our son do what he wants. Hindi mo naman siguro kayang kamuhian ka ng nagiisang anak natin right?. Then behave, my wife. I'm going to be watching you. " Huling salita na binitawan ni hezo bago ako nito iwan sa kwarto kaya napahinga na lamang ako habang piping nagdasal sa kaligtasan ni mallows sa kamay ng anak ko. Mukhang mas malala ang ugali ng anak ko dahil sa unang kita palang binabakuran na niya.
Mukhang mahihirapan akong matulungan si mallows pero hindi pa din ako susuko na tulungan siya. Sobrang bait ng batang yon at hindi kaya ng konsensya ko kapag naranasan niya ang mga naranasan ko dati. Hindi pwedeng mangyari ito. Hindi pwede. Gagawa at gagawa ako ng paraan kahit ang mismong asawa at anak ko pa ang makalaban ko.
>>>>>
Like father, like son 😉
EmperatrizRedSea

YOU ARE READING
𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋 🔞✔️
Romance𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄... 𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋: 𝐌𝐚𝐥𝐥𝐨𝐰𝐬 & 𝐖𝐫𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲. ••••• " Paano ako makakawala sakaniya kung lahat ng meron sakin pagmamay ari na niya? " - Mallows. " Did you know what the meaning of MINE is? It's you, my baby dol...