MALLOWS POV
HALOS wala na akong ihaharap kay senyorito matapos ang nangyari kahapon. Nakaramdam din ako ng konsensya sa magulang din nito dahil sobrang bait nila sakin lalo na si madam win pero nagawa kong patulan ang anak nila. Kung malalaman lang nila na pumayag akong maging nobya ng anak nila natitiyak ko na kamumuhian nila ako. Alam ko na ang katulad ko ang hindi nararapat sa anak nila dahil sa layo ng agwat namin sa buhay.
Hindi ko alam kung bakit sa isang pitik lang ay napapasunod ako kay senyorito. Sobrang kaba ang nararamdaman ko kapag nandiyan siya lalo na kapag ito ay nagagalit. Kaya lahat ng nanaisin niya ay napapasunod niya ako.
Ngayon narito kami sa dining habang ako ay ginagawa ko ang trabaho ko bilang personal maid ng senyorito. Pinag santabi ko muna ang nangyari kahapon dahil ayaw kong maka apekto yon sa trabaho ko.
" Mom and Dad, I want to introduce my lovely girlfriend to you. " Seryoso pero kita ko ang kinang sa mata ng senyorito ng sabihin niya ito na tila masaya ito at tuwang tuwa?.
Kumabog ang puso ko sa kaba. Hindi pa nga ako makapaniwala na nobya ako ng senyorito tapos ipapakilala na agad ako? Uso ba ang sapilitan ngayon? Ganun kasi ako nakuha e.
" Who is this lucky woman? " Nakangiting tanong ni sir hezo at napatingin ito sakin na parang may alam na siya base na din kung paano ito ngumisi sakin at may nag lalaro sa mata nito.
" Come here, my baby doll " malambing na sabi ni senyorito habang nakangiting nakatingin sakin. Heto ang pangalawang pagkakataon na ngitian niya ako ng ganito at masasabi kong mas lalo siyang gumagwapo. Kung titignan makikita kong nakuha ng senyorito ang wangis ni sir hezo. Kahit na may edad na si si hezo ay gwapo at makisig din ito. Maging si madam win sobrang ganda din nito sakabila ng edad nito.
Narinig ko ang singhapan ng mga kasama kong kasambahay habang naririnig ko si mirasol na tumitili sa likuran ko. Napatingin ako kay madam win, napaiwas ako ng tingin ng makitang seryoso itong nakatingin sakin mukhang hindi ito natutuwa na ako naging nobya ng anak niya pero si sir hezo ay parang ayos naman dahil nakangiti pa ito sakin. Ngayon palang sobrang nahihiya na ako dahil halata ang pagka disgusto sakin ni madam win at hindi ko siya masisisi sa bagay na yon dahil alam ko bilang isang ina ay kapakanan ng kaniyang anak ang iniisip nito. Kung alam lang niya na hindi ko din gusto ang nangyayari. Napatingin ako kay senyorito ng tumikim ito at nakita kong sinenyasan niya ako na lumapit sakaniya.
Kaya wala akong nagawa na lumapit dito pero mas kinagulat ko ng paupuhin niya ako sa kandungan niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya sa pinag gagawa ng senyorito.
" Mom and Dad, she's my girlfriend. Isn't she beautiful? " Nakangiting pakilala sakin ng senyorito at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko ng dahil sa sinabi niya.
" Indeed, she's beautiful, just like your mom. Hija, you can call me Dad from now on. " masayang usal ni sir hezo. Seryoso ba siya? Hindi naman siguro halata na masyado siyang boto sakin?. Tumango na lamang ako bilang pag sang ayon. Ano pa nga magagawa ko? E halos parang hawak na ng senyorito ang leeg ko. Naninibago ako sa mga amo ko dahil si sir hezo madalas seryoso ito at kay madam win lang siya ngumingiti pero ngayon? Malaya ko na siyang nakikitang ngumiti habang si madam win naman lagi itong ngumingiti sakin at sobrang bait pa kaya naninibago ako dahil makikita ko ang tutol sa mukha nito. Kaya napayuko nalang ako sa hija. Kung alam lang ni madam ang totoong nangyayari hayts.
Hindi ako mapakali dahil habang naka kandong ay panay ang haplos at halik nito sa batok ko ang senyorito kaya ako na lang ang nahihiya sa ginagawa nito. Hanggang ngayon ay naka kandong pa din ako habang panay ang subo nitong pagkain sakin. Para ako nitong ginagawang sanggol sa lagay kong ito habang nagkekwentuan sila sir hezo at senyorito. Hindi pa din ako sanay na tawagin siyang dad. Habang si madam win naman ay kanina pa tahimik habang nakatingin sakin na sobrang seryoso. Napapaiwas ako ng tingin dahil tila ayaw talaga sakin ni madam. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit sa isipang yon?.
Napahinga ako ng malalim, sana matapos na ito para makapag pahinga na ako. Parang ang daming nangyari ngayon na siyang nagbigay pagod sakin.
>>>>>
WIN'S POV
This can't be happening, heto na ang kinakatakutan ko. I was planning to talk mallows when my son spoke at me.
" Hey mom, I know what you're trying to do. Stop this bullshit, mom! I'm warning you!. " seryosong usal ng anak ko habang umiinom ito ng alak. Kami lang nasa sala dahil halos mga tao dito ay tulog na dahil sa pagkaka alam ko 2am na din. Hindi ako makatulog kanina pa dahil nagaalala ako sa dalaga. Sa totoo lang gustong gusto ko ang dalaga na maging parte ng pamilya dahil sobrang bait nito at magaan ang loob ko sakaniya pero hindi ko kaya na makitang naka kulong siya sa bisig ng anak ko. Naging importante na din kasi ang dalaga sakin kaya ayaw ko na maranasan nito ang nararanasan ko ngayon.
" A-anak what do you m-mean? " Imbis na sagutin ay tinapunan ako nito ng blankong tingin gaya ng ginagawa ng ama niya sakin dati. Walang duda na may dugong demok*ll siya.
" You know what I mean, Mom, so stop pretending. I'm warning you, Mom. Don't you ever try to ruin my relationship with Mallows. Even though you are my mother, I can kill you." nagulantang ako sa sinabi niya. Pero bakit pa ako magtataka? Kung sariling lolo at lola niya nakaya niyang patayin, ang magulang ko, ako pa kaya?. Walang duda na may lahing dem*nyo ang anak ko. Namana niya sa angkan ng ama niya.
" Baka nakakalimutan mo anak? I'm still your mother. Did you think your dad would let you k*ll me? " Hindi ko mapigilan makaramdam ng sakit dahil sarili kong anak kaya akong patayin. Nagsisisi ako ng pumayag pa ko na mawalay siya sakin. Kung nagabayan ko sana siyang mabuti hindi sana niya maimamana ang ugaling meron ang pamilya ng ama niya.
" You know how much I love you, Mom. I'm trying not to k*ll you because you are my mother. I still love you even though you're trying to ruin my happiness. " doon tumulo ang luha ko ng dahil sa sinabi niya. Am i worst? I'm just trying to protect them.
" You don't know me so well, Mom, because you didn't raise me. I can k*ll with or without reason, Mom. Remember that. I can k*ll, especially if my woman matters. " Naalala ko ang mga panahon na pinatay niya ang magulang ko dahil inaabuso ako ng mga ito. Gusto nila akong gamitin noon kaya sa murang edad ng anak ko napatay niya ang mga magulang ko. Hindi ko sinisisi ang anak ko. Mas sinisisi ko ang sarili ko dahil wala man akong magawa noon para protektahan ang inosenteng buhay ng anak ko, ang bata pa niya para sa ganung bagay. Kaya wala na din akong nagawa ng mas pinili nitong manirahan sa ibang bansa kaysa samin. Kahit nagawa yon ng anak ko sa magulang ko? Hindi ko kayang magalit sa anak ko dahil alam ko he was trying to protect me in my own family. Mahal ko pa din ang anak ko sakabila ng nangyari.
" I'm sorry, son. I'm so sorry " umiiyak na usal ko dito pero ang tingin pa din nito ay blangko. Ngayon lang nangyari samin ng anak kong ito.
" Saved it, Mom! Saved it!. Binabalaan kita mom. Huwag kang magkakamali na kalabanan ako kung hindi? Baka makalimutan ko na ina kita at baka yung katiting na pagmamahal ko sayo mawala. " Seryosong usal niya.
Tumayo siya at nilapitan ako. Hinalikan ako nito sa noo na siyang kinaiyak ko. I'm always waiting this scenario. Na hahalikan niya ang noo ko tulad ng bata siya. My son is a sweet man back then. All of this years ngayon na lamang niya nagawa ulit ito. Nakaka miss pala.
" I really missed you, Mom. Just let me be happy again. I love you, Mom. "
Marupok talaga ako pagdating sa mag ama ko kaya hindi kona talaga alam ang gagawin ko. Hindi ako takot mamatay. Mas takot ako sa isipang mapapariwara ang buhay niya kapag nagpatuloy siya sa masamang gawain niya.
>>>>>
Parang gusto kong magpaiyak HAHAHA kaya pagiisipan ko talaga kung happy ending or tragic ito🤭
EmperatrizRedSea
YOU ARE READING
𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋 🔞✔️
Любовные романы𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄... 𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋: 𝐌𝐚𝐥𝐥𝐨𝐰𝐬 & 𝐖𝐫𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲. ••••• " Paano ako makakawala sakaniya kung lahat ng meron sakin pagmamay ari na niya? " - Mallows. " Did you know what the meaning of MINE is? It's you, my baby dol...