CHAPTER 9

1.8K 42 0
                                    

MALLOWS POV

" Good morning, beautiful. We are going on our date now, at exactly 6pm. You should get ready and prepare your things. Here are your red flowers with breakfast. I hope you like them. See you later. Te amo. "

- Your future husband
Wrency.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng matapos kong basahin ang sulat ng senyorito. Hindi ko alam na may tinatago din siyang katamisan.

Napatingin ako sa isang bugkos ng rosas. Kinuha ko yon at inamoy habang ang ngiti sa labi ko ay hindi maalis alis. Nilagay ko yon sa isang vase para magandang tignan. Mas lumawak ngiti ko ng makita ang hinanda nitong pagkain. May fried rice and fried chicken. Sabayan pa ng mga hotdogs, bacons, hams , eggs, fruit salad and orange juice. Grabe ang dami nito pero kailangan kong ubusin lalo na pinaghirapan niya ito. Hindi ko alam na may ganitong side din siya. Akala ko puro kalokohan nalang alam ng senyorito. Sobrang pinapahalagahan ko ang mga efforts niya kahit simple man o hindi.

" Lawak ng ngiti natin ah. Mapunit yan " natatawang bungad sakin ni mirasol ng makapasok ito sa kwarto namin. Kita ko ang mapanuksong tingin nito.

" Hindi naman " pinigilan ko ang ngiti na gustong lumabas sa labi ko.

" Grabe si senyorito, nagiiba ang ugali kapag ikaw na ang usapan. Samin nga ang sungit at halos hindi na kami tapunan ng tingin pero pagdating sayo parang glue ang mata na parang hindi na mawaglit ang tingin sayo at parang kwala naman kung makayakap sayo. Swerte mo sis! Naka bingwit ka ng gintong isda! " Natutuwang usal ni mirasol kaya natawa ako dito dahil mukhang mas siya pa ang natutuwa.

" Gusto mo ?" Inaya ko ito sa pagkain. Dahil sobrang dami nito pero mariin itong tumanggi.

" Huwag na sis. Kakatapos ko lang at bigay yan sayo ng senyorito. Natawa nga ako kanina kasi ilang ulit siyang nakasunog ng luto niya para lang pa perfect niya ang hinanda sayo. Grabe effort ng senyorito sayo sis! Sana makatagpo din ako na kagaya niya " parang kinikilig pa na usal nito at nagtili tili na siyang kinailing ko.

" Nariyan naman si senyorito graeme " napalatak naman siya na parang ang laki talaga ng pagka disgusto niya sa lalaki. Pansin ko kasi na parang may gusto ang senyorito graeme sa kaibigan ko

" Naku kung siya lang? Huwag na sis, sakit sa ulo ang lalaking yon. Nakakatakot din maging nobyo non na parang anytime maagawan ka kaya huwag nalang. Ayoko sa mga manyakis na babaero pa " gigil na usal nito na siyang kinangiwi ko. Talaga nga na ang laki ng galit niya dito pero sa pagkakakilala ko naman kay senyorito graeme ay mabait naman ito pero may pagka pilyo nga lang.

" Wala naman akong nakikitang babae sa paligid ng senyorito sis. Baka nagkakamali kalang o baka naman nagseselos ka pa din sa babaeng may gusto sakaniya sa bayan? " Lumaki butas ng ilong nito na parang nang gigigil pa din.

" Hindi ako nagseselos sis! Never! " Matigas na usal nito kaya napatango nalang ako.

" Sige, sabi mo e " naiiling na lamang na usal ko. Hindi na ako magugulat kung kinabukasan may ligawan ng nagaganap.

" Naalala ko palang wala pa akong masusuot mamaya sa date namin ng senyorito " nababahalang dagdag ko. Mga simpleng kasuotan lang ang meron ako don kaya hindi ko alam kung anong nababagay na suotin mamaya. Hindi naman kasi ako materialistic lalo na may mga importanteng mga bagay na dapat unahin.

" Huwag kang magalala, akong bahala sayo. Binilhan ka na ng kasuotan ng senyorito. Handang handa talaga siya e " natutuwang usal ni mirasol na siyang kinahinga ko ng maluwag.

" Tapusin mo na yan sis para maaga tayong matapos sa trabaho at ng maayusan na kita "

Kaya napatango ako at nagpasalamat dito. Ang swerte ko talaga dahil naging kaibigan ko ang isang tulad ni mirasol. Kaya mahal na mahal ko yon e. Napahinga ako ng malalim at maganang kumain.

𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋 🔞✔️Where stories live. Discover now