MALLOWS POV
TUWING umaga lagi akong nagsusuka o kung kaya naman nahihilo. Ang sabi naman ng doktor ay normal lang daw sa nag bubuntis na makaramdam ng ganun. Laking pasasalamat ko dahil nariyan lagi si wrency para alagaan at alalayan ako. Yung tipong hindi niya ako hahayaan na mawalay sa tabi niya at halos maging mag kambal na kami kasi kung nasaan man ako ay nandun rin siya. Hindi din niya ako masyadong pinapakilos at nagagalit siya kapag nakikita niya akong naglilinis kaya hindi na ako nagmatigas at napagpasyahan ko na lamang na makinig sakaniya.
Nagising ako sa gitnang gabi at napag alaman kong ala una na pala ng umaga. Nakaramdam kasi ako ng gutom at parang gusto kong kumain ng maasim. Naglaway ako sa isipang kakain ako ng maasim na mangga at isasawsaw ito sa vanilla ice cream. Nagalak naman ako kaya napatingin ako kay wrency para makisuyo ako sana na bumili siya. Ganun ang pagkadismaya ko ng makita itong natutulog na sobrang himbing habang nakayakap sakin. Ayaw ko naman siyang gisingin dahil subsob na siya sa trabaho niya kanina at sa pag aalaga sakin tapos gigisingin ko pa siya?. Halata din na pagod ito kaya hindi ko mapigilang umiyak dahil sa isipang hindi ako makakain ng mangga at vanilla ice cream. Alam kong naglilihi ako dahil hindi naman ako mahilig kumain ng mangga at vanilla ice cream. Hindi ko alam kung bakit dinapuhan ako sa ganitong oras ng paglilihi.
" Hey baby doll, why are you crying? What's wrong? " Hindi ko napansin na nagising pala si wrency at naabutan pa niya ang pag iyak ko. Pakiramdam ko gusto ko ng magpalamon sa lupa ng dahil sa hiya. Pinunasan naman niya ang luha ko habang kita ko sa mata niya ang pag alala.
" Gutom kasi kami ni baby " nahihiyang pahayag ko rito. Napangiti naman siya at hinalikan ako sa labi. Tulad ng dati malalim at madiin pa din ito kung humalik.
" Anong gusto ng mga angel ko? I will buy it for you two to satisfied my angels tummy " malambing na usal niya habang masuyo niyang hinahapls ang tiyan ko na parang dindama niya ang presensya ng anak namin.
Napangiti naman ako sa sinabi niya, walang araw na hindi siya pumapalya na pasiyahin ako at alam kong maging ang baby namin na madalas niyang tawaging angel. Tama siya, siya ang anghel namin.
" Talaga? Ibibili mo ako kahit ano? Wahh thank you wrency! " Sa sobrang tuwa ay pinugpog ko ng halik ang pisngi nito. Natawa naman ito kaya nakita ko na naman kung gaano siya mas lalong gumwapo. Itong ngiti na ayaw kong mawala sakaniya.
" Yes ofcourse, anything for you my baby doll " nakangiting usal nito at masuyo akong hinalikan sa noo. Mas lalo akong sumaya sa naging tugon nito.
" Gusto ko po ng mangga at may kasamang vanilla ice ream! " Masayang usal ko rito. Napakunot naman ang nuo nito na tila hindi makapaniwala sakin at napatingin sa orasan na nakasabit sa pader.
" Seriously baby doll? In the middle of midnight? You want to eat mangoes and vanilla ice cream? I'm afraid baka maka sama sainyo ni angel yon " alalang usal nito. Nanubig naman ang mata ko ng dahil sa sinabi nito kaya napabuntong hininga na lamang ito.
" Alright, i will buy it now. Lagot ka talaga sakin baby doll kapag may nangyari sainyo. " Banta nito at hinalikan muna ako sa labi bago ito tumayo at nag bihis. Nasanay na akong kasama siyang matulog na tanging boxer lamang niya ang suot. Gustong gusto ko kasi ang init na sumisingaw sa matipuno niyang katawan lalo na ang bango niya. Nakaka adik.
Lumapit muli ito sakin sabay sabing...
" Just sleep for awhile baby doll i will wake you up when i'm come back here aye? Je t'aime " malambing nitong usal habang masuyo nitong hinahaplos ang pisngi ko.
" Ingat ka Mr ko, mahal na mahal din kita " malambing din na usal ko.
" Damn! It's feeling so good when you call me that way my baby doll. I can't get enough on you " seryoso pero puno na kagalakan na pahayag niya na siyang kinangiti ko lalo.
Hinalikan muna ako nito bago ito umalis.
Hinaplos ko naman ang tiyan ko na parang nahahawakan ko na ang anak namin.
" Anak, nakakatuwa talaga ang dada mo noh? " Natutuwang usal ko rito kahit na na hindi pa niya naririnig o naiintindihan ang sinasabi ko.
" Excited na kaming makita ka, mahawakan, at masilayan ka. Sana'y lumaki kang malusog , mabait, mapagkumbaba at may takot sa Diyos. Ang hiling ko lamang sana saiyo ay magung mabuti kang bata pagdating ng araw.
" Pero kahit anong mangyari, kung ano man ang ugaling meron ka, itsura man at iba pa. Tatanggapin kita ng buong buo. Kahit hindi kapa buo sa sinapupunan ko. Mahal na mahal na kita anak ko. Kayong dalawa ng ama mo. Sa totoo lang ang dada mo, ikaw at si mirasol na lamang ang meron ako anak kaya hindi ko kakayanin kung isa sainyo mawalay sakin. Masyado kayong mahalaga sa buhay ko anak " malumanay na sabi ko. Simula ng mabuntis ako ay naging emosyonal na naman ako. Tila napaaga ang paglilihi ko.
" Hindi ko alam kung paano maging isang mabuting ina lalo na mulat akong walang kinikilalang ina at ama. Buong buhay ko hindi ko alam ang pakiramdam kung paano mahalin ng isang magulang kaya dati man ay nangungulila ako sakanila. Sa totoo lang anak kahit gusto ko man na magalit sakanila ay hindi ko magawa dahil magulang ko pa din sila at kahit hindi ko pa sila nakikita o nakakasama man lang mahal na mahal ko sila. Kung nasan man sila sana nasa maayos sila anak at sana dumating ang panahon na mag krus ang aming landas. Hindi pa man sila humihingi ng tawad anak pinapatawad ko na ang lolo at lola mo. Sana nasa maayos lamang sila. Yun lamang ang hiling ko sa Diyos " nakangiting usal ko pero naroon pa din ang lungkot. Kapag nagiisa ako lagi kong naiisip ang mga magulang ko.
" Kaya anak sisiguraduhin ko na hinding hindi mo mararanasan ang naranasan ko. Kundi pupunuhin ko ng buong pagmamahal ang puso mo anak ko. Sayo ko ibubuhos lahat ng pagaalaga at pagmamahal na hindi ko naranasan sa magulang ko. Sisiguraduhin ko na gagawin lahat ni mama na maging isang mabuting ina para sayo " masayang usal ko.
Maisip ko palang na nangyayari na lahat ng plano ko sakaniya. Natutuwa na ako sa galak at parang gusto ko ng maabilis ang oras para makita at mahagkan ko siya.
Napapa isip na naman ako sa magulang ko. Nasaan na kaya sila? Hinahanap ba nila ako?
•••••
EmperatrizRedSea
YOU ARE READING
𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋 🔞✔️
Romance𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄... 𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋: 𝐌𝐚𝐥𝐥𝐨𝐰𝐬 & 𝐖𝐫𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲. ••••• " Paano ako makakawala sakaniya kung lahat ng meron sakin pagmamay ari na niya? " - Mallows. " Did you know what the meaning of MINE is? It's you, my baby dol...