CHAPTER 1

2.4K 70 3
                                    

MALLOWS POV

" DARATING ang ating senyorito bukas na galing sa syudad kaya maghanda kayo. Linisin niyong mabuti ang buong mansyon at palitan ang mga gamit. Para walang masabi satin ang senyorito. Huwag din kayong masyadong dumikit sa senyorito dahil ayaw niyang may dumikit man lang sakaniya na babae. Nagkakaintindihan ba tayo? "

Strikta na pahayag ni mayordoma ng mansyon na si manang selya. Ang katiwala ng mansyon na ito.

" Opo manang " usal naming lahat habang nakayuko. Sobrang strict kasi ni manang kaya lahat kami ilag sakaniya. Mabait naman si manang pero may oras din na natatakot ako sakaniya.

" Sige magsimula na kayo "

Kaya bumalik na kami sa kaniya kaniya naming trabaho.

" Sis, sabi daw nakakatakot daw ang senyorito. Narinig ko kanina sa mga gwardya kanina. " bulong sakin ni mirasol habang kami ay naghuhugas ng mga plato.

" Mag hunos dili ka sol, baka may makarinig sayo " sita ko dito. Siya si mirasol ang matalik kong kaibigan na tinuring ko ng kapatid.

Labing lima kami ng tumakas kami sa bahay ampunan dahil ayaw namin na ampunin kami. Ayaw namin magkawalay ni mirasol kaya nagawa namin ang bagay na yon. Sabi sa mga madre na nagbabantay samin dati sanggol palang kami ng iwan kami ng magulang namin sa bahay ampunan kaya hindi ko mapigilan makaramdam ng lungkot dahil naiisip ko na hindi kami mahal ng magulang namin.

Hindi naging madali ang pagtakas namin noon dahil naging batang langsangan kami hanggang sa makita kami ni manang at inalok kami na maging maid sa mansyon na ito. Simula ng magtrabaho kami dito ay hindi pa namin nakikita ang senyorito. Tanging sila sir Hezo at madam win ang naninirahan sa tahanang ito. Balita ko din na ang senyorito ay lumaki sa ibang bansa kasama ang lolo at lola nito hanggang sa lumaki ito at nanirahan sa syudad.

Nandito kasi kami dito sa probinsya ng leyte. Naging masaya kami ni mirasol. Halos kami nalang ang nagtuturingan na pamilya kaya hindi ko kaya kung pati si mirasol mawala pa sakin. Siya nalang ang meron ako.

" Tayo lang naman ang dalawa dito sis. Huwag kang mag alala " natatawang usal niya na siyang kinailing ko. Kung ano kinatahimik kong tao ay siya naman ang kinadaldal nito. Magkaiba kami ng ugali pero halos magkasundo kami sa lahat ng bagay.

" Kahit pa, baka marinig ka ni manang at parusahan pa tayo "

Pinagpatuloy ko ang paghuhugas habang siya naman ang taga punas ng mga plato.

" Hindi yon. Alam mo sis napaisip ako sa sinabi ni manang. Ayaw ni senyorito ang madikitan sa babae? Bakla siguro " natatawang usal niyang muli kaya marahan kong pinalo ang balikat nito.

" Yang bibig mo mirasol. Naku tigil tigilan mo yan " sita ko sakaniya. Kahit hindi pa namin nakikita ang senyorito ay ayaw kong husgahan ang pagkatao ng senyorito.

" Oo na. Alam mo naman ako kapag curious ako sa ibang bagay hindi mapigilan ng bibig kong magsalita " naiiling na usal niya na parang maging ito ay naistress sa sarili niya kaya natawa na lamang ako.

" Marites ka kasi "

Mas lalo akong natawa ng sumimangot ito. Kahait nakasimangot maganda pa din ang kaibigan kong ito. Kung titignan pwede siyang pumasa bilang artista o modelo.

" Magkaiba ang curious sa pagiging marites sis. " Pagmamaktol nito na siyang kinatawa ko nalang dahil nagtutulis na naman ang nguso nito na parang nagtatampo. Cute talaga ng kaibigan kong to.

" Oo na. "

>>>>>

HETO ang araw ng pagdating ng sensyorito kaya nakahilera kami sa bukana ng pintuan para salubungin siya. Hanggang sa dumating na ang hinihintay namin. Hindi ko mapigilang mamangha sa magandang kotse na nasa harapan namin at bumukas pataas ang pintuan nito kaya hindi ko mapigilang mapa wow. Grabe heto ang unang pagkakataon ko na makakita ng ganito. Pansin ko din na may mga ibang kotse din na puro van sa likuran nito at nakita kong mga body guards na kapwang may suot na black tuxedo na tawagin. Kahit hindi naman kami nakapag tapos ng pagaaral ni mirasol ay maalam naman kami sa ibang bagay dahil mahilig kaming magbasa ng mga libro.

Napasinghap ang mga kasama ko ng makita ang senyorito. Heto na siguro ang senyorito?. Nakausot ito ng itim na long sleeve at naka tupi ang mangas nito sa braso habang may suot na itim na pantalon sabayan pa ang sapatos nitong makinang na kulay itim din. Sobrang tangkad nito at malaki ang katawan na parang kaya ka niyang sakmalin sa isang kamay lang niya. Napatingin ako sa mukha nito at hindi ko mapigilang mamangha dahil ang gwapo nito. Parang siya yung nakikita ko sa mga magazine na binabasa ko. Pero bakit nakakaramdam ako ng panganib? Na parang may hindi ito gagawing tama? Kaya napaiwas ako ng tingin dahil iba ang awra nito na siyang nagbibigay sakin ng kilabot.

" Maligayang pagbabalik senyorito " sabi ni manang selya dito. Ang mga kasamahan kong mga kasambahay ay nagbubulungan at maging sila ay namamangha din kay senyorito.

" Thanks manang it so nice to see you here again. Where's mom and dad? " Ang boses nito ay lalaking lalaki at sobrang lalim. Iba ang hatid non sakin dahil nagtataasan ang balahibo ko sa batok. Nagsimula ng tumambol ang puso ko sa hindi malaman na dahilan.

" Nasa bayan po sila senyorito. Kaya mamaya pa po ang balik nila " naalala ko palang nasa bayan sila sir at madam. Sobrang bait nila samin kaya sana pati ang anak nila ganun din.

Nagsimula na itong maglakad at tanging tunog lamang ng sapatos ang maririnig sa pasilyo habang kami ay naka hilera at isa isa siyang binati. Pero ako para akong napako at tahimik lamang sa gilid. Naamoy ko ang mabango nitong amoy na parang nanunuot iyon sa pang amoy ko. Nagulat na lamang ako ng may sapatos na tumigil sa harapan ko. Kaya hindi ko mapigilang mapalunok. Hanggang ngayon kasi ay nakayuko pa din ako. Dumoble ang kaba ko ng magsalita ito.

" Eyes on me woman " utos nito na parang isa itong hari. Napalunok muna ako bago ako nagtaas ng tingin sakaniya. Sa sobrang tangkad niya ay umabot lamang ako sa malapad na dibdib nito.

Napaatras ako ng ngumisi ito sakin habang ang itim nitong mata ay may malamig pero parang may mga emosyon roon na hindi ko mabasa.

" What's your name baby doll? " Untag nito. Naintindihan ko naman ang sinabi nito dahil sa pagbabasa ko. Baby doll? Bakit ganun tawag niya sakin?

" A-ako po si m-mallows shosein " nauutal na pakilala ko dito. Hindi ko mawari kung bakit nais nitong malaman ang pangalan ko. Pero iba ang kutob ko at natatakot ako sa isipang yon pero inalis ko agad yon dahil maling mali na husgahan ko ang senyorito.

" What a beautiful name uhm. From now on you are my personal maid. So meaning you are mine baby doll "

Hindi ko alam na simula na pala ng pagbabago ng buhay ko sa kamay ng senyorito.

>>>>>

GEEZZZ HAHAHAH. Many scenario keep popping in my mind. So expected those abuse and matured scene. ❌

EmperatrizRedSea

𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋 🔞✔️Where stories live. Discover now