CHAPTER 13

1.4K 39 0
                                    

MALLOWS POV

" HI! Where's wrency? " Maarteng salubong sakin ng isang magandang babae. Mukhang galing ito sa mayaman at desenteng pamilya. Hindi maipag kakaila na mukha itong isang modelo at artista gaya ng napapanuod at nababasa kong magazine. Pero napangiwi ako ng makita ang suot niya. Isa itong maikling pulang bestida at kitang kita ang maputi nitong hita at dibdib nito dahil sa baba ng neckline nito. Maganda sana siya kung hindi makapal ang make up niya at maayos ang suot niya.

" Are you numb?! " Nagulat na lamang ako ng sigawan ako nito. Kailanman wala pang sumigaw sakin kaya nakaramdam ako ng kaba dahil sa inakto niya.

" N-nasa kwarto niya po ms " kabadang usal ko. Sino ba siya? Gusto ko sanang tanungin ito pero ayaw ko dahil mukhang kaunting mali ko lang may gawin itong hindi maganda sakin.

Inirapan ako nito sabay sabing " Stupid! You made me wait b*tch, get out of my sight! You make my blood boil! " Mataray na usal nito bago niya ako binangga at bigla na lamang pumasok sa mansyon.

Napabuga na lamang ako sa hangin ng dahil sa inakto nito. Hindi ako masyadong maalam sa ingles pero naintindihan ko pa din ang sinabi niya. Mabuti nasa kusina si mirasol kung hindi baka ano pang magawa niya sa babae.

" Sirie?! What the fvck are you doing here?! " Nakita ko kung paano bumaba si senyorito at sinalubong ang magandang babae.

Ganun na lamang ang gulat ko ng makitang niyakap siya ng babae at hahalikan na sana siya nito ng umiwas ako ng tingin at tahimik na pumunta sa hardin. Minabuti na ayaw kong makita kung paano halikan nito ang senyorito. Nakaramdam ako ng kirot sa hindi ko malamang dahilan. Nakakaramdam ako na hindi ko kayang makita na may hahalikan pang iba ang senyorito bukod sakin. Nahihibang na siguro ako dahil parang gusto kong ipagkait sa iba ang senyorito.

Hindi ako manhid at tanga gaya ng sinabi ng babae para hindi malaman ang nangyayari. Halata naman na nobya ng senyorito ang magandang babae na iyon. Hindi na ako magtataka kung yun nga dahil pareho silang may masasabi sa buhay, hindi gaya ko na walang wala at walang sino man ang nanaisin na mahalin ako kaya nga nagtataka ako kung bakit ako napili ng senyorito. Na mahal daw niya ako? Napapaisip ako kung totoo ba yon o sadyang nadadala lamang siya ng bugso ng damdamin dahil ako ang naka kuha ng interes niya para tupukin ng init na lumulukob sakaniya.

Ramdam ko ang pag agos ng luha sa mata ko at napagtanto ko na nasasaktan ako ngayon. Nasasaktan ako sa isipang baka ginamit lang ako ng senyorito para mapunan ko ang pangangailangan nito. Nadala ako sa mga mabubulaklak na salita nito para mahuli niya ako at makulong sa bitag niya. Sa isipang ginamit, pampalias oras at hindi ako mahal talaga ng senyorito? Ay parang pinapatay na ako sa sakit. Aminadong handa akong mag mahal pero hindi ako handang masaktan. Kung alam ko lang na ganito ang sasapitin ko? Hindi ko na sana hinayahan ang sarili kong mahulog pa.

Napaupo ako sa upuan at pinunasan ang luha ko na patuloy pa din sa pag agos. Parang may sariling buhay ito at hindi ko na kayang patigilin pa. Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil ayaw kong makita ako ni mirasol sa ganitong sitwasyon. Tiyak komg mag aalala iyon sakin.

Napag desisyon ko na iwasan nalang ang senyorito dahil una sa lahat ang pagiging magkasintahan namin ay wala talagang bisa dahil sa nakikita kong may legal itong nobya na galing pa sa syudad. O baka nga galing pa iyon sa ibang bansa dahil sa kutis nitong porselana.

Kahit masakit man at labag sakin na iwasan ang taong inalayan ko ng buong buo ay kailangan dahil ayaw kong makasira ng relasyon. Masama yon. Masamang masama.

Hindi ako naghahangad ng kahit ano man sa senyorito kahit na nakuha nito ang iniingat ingatan ko. Aminado naman ako na sa kahit kaunting oras napapasaya niya ako ng totoo at pinaramdam niya sakin kung paano magmahal kahit na hindi naman kami pareho ng nararamdaman dahil tila mahal na mahal niya si ms sirie. Pangalan pa lamang ng nobya niya ay pang mayaman na kaya kung titignan walang wala ako sa nobya niya.

Sana mas kakayanin ko pa...

•••••

MAHIGIT isang linggo ko ng iniiwasan ang senyorito. Palagi kong nirarason na busy ako at may dinaramdam na sakit. Gusto man niya akong alagaan pero tumanggi ako. Makita ko pa lamang siya ay nagtatago na ako. Habang si ms sirie ay panay yakap at lambing kay senyorito at nasasaktan ako ng makitang hinahayaan niya lamang ito.

Kung titignan talaga ay sobrang bagay sila at masasabing perfect couple tulad ng naririnig ko ngayon.

" Alam niyo ba usap usapan na fiance ng senyorito si ma'am sirie "

" Talaga ba? "

" Oo nga at nahuli ko din na tanging twalya lang suot ni senyorito at ni ma'am sirie sa kwarto. Sa tansya ko kakatapos lang nilang mag anuhan hahaha alam niyo na yon "

" Talagang swak na swak si ma'am sirie, mukha palang ang yummy kaya ng senyorito kaya nga lahat tayo dito may crush sakaniya, isama pa yong si senyorito graeme "

" Tama ka diyan mars pero napapa isip ako kung paano na si mallows? Diba nobya ni senyorito iyon? "

" Nakow mars walang wala ang nobya sa fiance. Ang fiance alam ko malapit ng magpakasal. Ang nobya naman madaling palitan.

" Tama, sabagay tama ka. Pero para sakin mas bet ko si mallows kaysa dun kay ma'am sire. Ang maldita kasi nung si ma'am panay utos satin lalo na kay mallows parang pinag iinitan siya ganun. "

" Oo nga pansin ko din. Alam mo mas angat ang ganda ni mallows kaysa dun kay ma'am. Kung hindi lang maputi yon? Ewan ko nalang "

" Tama na chismisan jusko baka mahuli pa tayo "

Nagtago ako ng mapadaan sila sa dereksyon ko para hindi nila malaman na nakikinig ko sakanila.

Totoo ba yon? Na magkasama sa iisang kwarto sila? At parang kakatapos lang nilang magtalik? Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa isipang yon.

Halata naman na totoo ang iniisip ko, ano bang gagawin sa kwarto? Edi maglalaro ng apoy. Napahinga ako at napasabunot na lamang.

Hindi ko na talaga alam gagawin ko...

•••••

EmperatrizRedSea

𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋 🔞✔️Where stories live. Discover now