MALLOWS || SAUMAYA POV
After 5 months...
" CONGRATULATIONS! Mr and Mrs demok*ll! You two will having a S*xtuplets! They are baby boys. Wow this is so rare! " Masayang usal ni doktora na siyang kinatulala namin.
S-s*xtuplets? Kundi a-anim?! Halos mahilo ako dahil sa gulat at parang gusto kong mahim*tay na maisip na magdadala ako ng anim na sanggol?! Kinasal na pala kami ni husby last 2 months at yun ang pinaka masayang nangyari sakin na hinding hindi ko makakalimutan.
" Mr demok*ll! Husby! " Nagulat nalang ako ng mahimatay ito gaya ng una. Natawa nalang ako kahit may pangamba dahil hindi lang isa dadalhin ko kundi anim.
" Ms demok*ll! " Hindi ko pala alam na maging ako nahim*tay dahil hindi ko maproseso ang nangyayari ngayon.
•••••
AFTER 2 YRS...
" GRABE ka kambal, hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nag luwal ka ng anim na gwapong pamangkin ko. Shesh! " Bulalas ni mirasol habang nakatingin sa crib kung nasan mga anak namin ni wrency.
Nung una sobrang hirap lalo na anim ba naman dinadala ko sa siyam na buwan. Naging maselan din ang pag bubuntis ko noon kaya nag take muna ng leave si wrency para maalagaan niya kami. Todo alalay sila sakin maging sila lolo hevi, lola corazon, papa hezo at mama win. Hindi din mawawala ang kakambal ko na sobra din nagaalala sa kalagayan ko.
Natatawa nalang sila papa, lolo at graeme dahil shooter daw si wrency na siyang kinahiya ko nalang dahil alam na alam ko kung anong ibig sabihin nila habang si wrency ay naalala kong pangisi ngisi siya don na parang proud pa siya..
Lahat ng pasakit ko ay tiniis ko para sa anak namin. Nakayanan ko naman dahil sa suporta at effort na ginagawa sakin ni wrency. Kahit minsan bugnutin ako inintindi niya ako. Lahat ng gusto ko binibigay niya lahat. Basta lahat kaya sobrang thankful din ako sainyo dahil siya ang madalas kong pinagkukuhanan ng lakas. Marami na din nagbago kay wrency simula ng kinasal kami kung dati laging galit at bugnutin pero ngayon lagi ko ng nakikita itong nakangiti kahit madalas itong seryoso. Kaya masaya din ako dahil kami ang dahilan mg ngiti niya.
" Worth it naman lahat kambal. Nawala lahat ng pag hihirap ko simula ng masilayan ko ang mga anak ko. Sila ang naging lakas ko kapag ako ay nakakaranas ng paghihirap. " masayang usal ko habang banag sa aking mata ang pag mamahal.
" Sabagay tama ka, pero tignan mo kambal walang nakuha sayo mga anak mo. Halos lahat sila mana sa ama " natatawang puna ni mirasol na siyang kinanguso ko. Nakakatampo man pero ako ang nag hirap sakanila pero halos kamukha sila ng ama nila. Masasabi kong gwapo silang lahat at alam ko na marami silang paiiyakin babae tulad ng ama nila.
1 yr and 6 months nila. Sobrang lusog nila na siyang pinagpasalamat ko ng sobra. Ayaw ko sa lahat ang nagkakasakit sila. Dibale ng ako ang magkasakit huwag lang sila. Sobrang hands on ko din sakanila, yung tipong ayaw kong malingat sakanila dahil gusto ko na masigurado na ayos sila. Gusto sana ni husby mag hire ng nanny kaso ayaw ko. Gusto ko ako ang nag aalaga sa mga anak ko. Kaya hindi muna ako mag focus sa pag bubusiness na plano sana namin ni mirasol.. saka nalang kapag malaki na ang mga bata.
" Mauna na pala ako kambal, hinahanap na ako ni asungot HAHAHA " pag papa alam ni mirasol. Nakalimutan ko palang sabihin na nagpakasal na din sila 5 months ago at magkakaroon na din sila ng anak na 3 months na sa sinapupunan niya. Mukhang kambal din ang pag bubuntis nitong kakambal ko. Sabagay may lahi kaming kambal kaya napasa yon sa mga genes namin.
" Osya alagaan mo sarili mo ah? Balitaan mo ako lagi kambal. Ingat ka lagi. " Nakangiting paalam ko dito at nag beso kami.
" Oo naman e noh. Kayo din ah balitaan niyo ako. Labyu kambal pati itong mga kyut kong pamangkin. Jusme kagigil " gigil na usal ni kambal at isa isamg pinag hahalik sa pisngi mga anak ko. Ang sarap talaga ng tulog ng mga anak ko. Ni hindi nga sila nagising sa halik ng tita nila.
Identical twins sila, halos lahat sila magkakamukha, sukat at timbang din. Kaya naguguluhan at nahihilo sila dahil anim ba naman magkakamukha. Ang panganay ko ay si Phroteus, pangalawa si Caecus, pangatlo si Sirius, pang apat si Gemes, pang lima si Freeze, pang huli naman ay si Domus. Ang nag bigay ng pangalan ay si lolo hevi at papa hezo. Pinag bigyan namin dahil kitang kita ko ang kasabikan sakanilang mata ng masilayan nila ang mga apo nila. Lalo na sila lola at mama na halos ayaw na nilang bitawan ang mga anak namin dahil sa pang gigigil nila. Tila spoil mga anak ko sakanila. Natutuwa ako dahil maraming nagmamahal sa mga anak ko bukod sakin.
Napangiti ako ng may maramdaman akong may yumakap sakin at humalik sa pisngi ko.
" Hey wife i miss you and our angels. " Malambing na usal niya kaya humarap ako para halikan ang labi niya. Nasanay na ako na ako ang unang hahalik sakaniya na siyang kinatuwa niya..
" Mas miss ka namin husby " napangiti naman ito at hinalikan muli ang labi ko bago ito pumunta sa crib bago nito halikan isa isa mga anak namin...
Tinignan muli ako nito at nginitian. Makikita ko ang pagmamahal, pag hanga at kuntento sa mata niya na siyang gustong gusto kong tignan. Walang araw na hindi niya pinaparamdam sakin kung gaano niya ako kamahal. Yung pag mamahal namin sa isat-isa? Mas lalong tumatatag na parang ayaw naming tumigil pa. Hinding hindi ko susukuan itong pamilyang ito. Hinding hindi.
" Thank you so much my wife for having you and also for giving me a special blessings. Our angels... I'm so contented and happy now. Kayo ang magandang nangyari sa buhay ko. You change me a lot. I change because i want to be a perfect husband and father to our angels. I love you so much my wife, i really do. " Bulong na usal nito at madadama ko ang pagmamahal sa boses nito na siyang lalong nagpasaya sakin.
Kung dati hindi ko naranasan magkaroon ng buong pamilya? Pero ngayon mararanasan kong bumuo ng sarili kong pamilya...
Ibubuhos ko lahat ng pag mamahal ko sa mag a-ama ko...
Sila ang buhay ko... Sila ang buhay ko na kailanman hindi ko ipagpapalit nino man...
Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos hindi sana ako masaya ngayon kung hindi niya binigay sakin si wrency.
Hindi ko akalain na siya pala yung taong magpaparamdam sakin kung gaano magmahal, kung gaano maging masaya sa piling ng mga anak namin...
Alam kong marami pang pag subok ang darating sa buhay namin pero hindi kami magpapatinag at mas lalo naming haharapin yon ng magkasama.
Ako si Saumaya, I'm the lovely wife of son of evil...
THE END....
•••••
Ackkk finally! I'm done with this. Heto na ang pangako ko sainyo na tatapusin ko na siya. Tysm sa mga walang sawang nag suporta sakin kahit sobrang late kong mag UD huhuness. Hope nasiyahan kayo sa kwento nila. ☺️❤️
EmperatrizRedSea
YOU ARE READING
𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋 🔞✔️
Romance𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄... 𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋: 𝐌𝐚𝐥𝐥𝐨𝐰𝐬 & 𝐖𝐫𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲. ••••• " Paano ako makakawala sakaniya kung lahat ng meron sakin pagmamay ari na niya? " - Mallows. " Did you know what the meaning of MINE is? It's you, my baby dol...