CHAPTER 6

1.7K 57 6
                                    

MALLOWS POV

" KYAHHHH " napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng boses ni mirasol.

" Ang lakas ng boses mo, ang sakit ah " reklamo ko habang napapatakip sa tenga.

" Hindi ako makapaniwala na ikaw ang gf ni sir! Parang nung isang araw pinaguusapan lang natin ah. Ang galing ko naman na manghuhula " natatawang usal niya na siyang kinakamot ko nalang ng ulo.

" Anong nangyari? Ikaw ah naglilihim, ang bilis naman ata ng nangyari? " mausing sabi nito. Heto na naman siya.

" Mahabang kwento " yan nalang nasabi ko dahil ayaw kong mag alala hetong kaibigan ko lalo na sobrang protective nito sakin. Kilala ki si mirasol alam ko ang kaya nitong gawin kapag nasa panganib ako o masaktan man lang.

" Ihhh damot " nakangusong sabi nito na siyang kinatawa ko.

" Kwentuan nalang kita sa susunod pero sa ngayon trabaho muna. Wala tayong magagawa kung puro chismis nalang inaatupag natin " natatawang ani ko pa na siyang kinanguso nito lalo.

" Narito pala ang malandi " napatingin kami kay rowena. Isa sa mga kasama naming kasambahay. Dati hindi naman kami pinapansin nito pero ngayon? Nagtataka ako kung bakit pinapansin na niya kami lalo na sa mga sinasabi nito ngayon.

" Problema mo? Sinong malandi? Ikaw ba? " Masungit na usal ng kaibigan ko kaya siniko ko ito dahil mukhang may naamoy akong kakaibang mangyayari. Mukhang nainis si rowena sa sinabi ng kaibigan ko dahil sinamaan niya ito ng tingin.

" Huwag ka nga mangelan mirasol. Sabagay magkaibigan nga kayo. Parehong malandi at papansin " mataray na usal nito habang ang matalim nitong mata ay nakatuon sakin. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit at tila sakin nagmumula yon?.

" Abat! Problema mong babaita ka? Naghahanap ka ba ng gulo. Tara dito at ng masampolan kita " susugod na sana si mirasol ng pigilan ko ito sa braso.

" Mirasol tama na baka lumaki pa ang gulo " pakiusap ko dito kaya kumalma naman ito. Aalis na sana kami ng magsalita muli si rowena.

" Ako sana gf ni senyorito kung hindi papansin ang babaeng yan. Sabihin mo nga mallows paano mo inakit si senyorito? Paano magkakagusto sayo yon e walang wala ka kumpara sakin. " Mukhang hindi ko na mapipigilan si mirasol dahil lumapit muli ito kay rowena. Naalarma ako dahil mukhang hindi na magiging maganda ito.

" Yan ba pinuputak ng butchi mo? E gaga ka pala e, hindi naman robot si senyorito para hindi magkagusto kay MALLOWS. At oo tama ka walang wala si mallows sa tulad mo dahil ikaw naman desperadang makati na naghahangad na papatulan ng senyorito. Huwag mong tatawagin na malandi ang kaibigan ko dahil kung ikukumpara sayo mas mukha kapang linta na pilit sumisipsip sa pagmamayari ng iba, Hindi na kasalanan ng kaibigan ko kung matipunan siya ng senyorito dahil kung ikukumpara sainyong dalawa mas maganda ang kaibigan ko. Mukha ka lang kulangot namin e " pang aasar ni mirasol dito at nakita kong mas nagalit ito.

Nagulat ako ng sabunutan ni rowena si mirasol. Hindi naman nagpatalo ang kaibigan ko dahil kumawala siya dito habang pinapaulan niya ito ng sampal at suntok. Kaya umawat na ako sakanila dahil nagkakasakitan na sila.

" Mirasol! Tama na please! " Pakiusap ko dito habang pilit siyang nilalayo.

" Sandali lang sis! Hindi pako tapos sa gagang to! Matagal na kong gigil dito e! " Sigaw ni mirasol. Grabe ang lakas ng kaibigan ko dahil halos hindi na makalaban si rowena at pilit na kumakawala ito.

Pero laking gulat ko ng may matangkad at gwapong lalaki na pwersahan na pinasan si mirasol.

" A-ano ba?! Ikaw na namang manyakis ka?! Bitawan mo nga ako! Hindi pako tapos sa babaeng yan! " Pilit na kumakawala si mirasol sa bisig ng lalaki pero tumawa lang ito.

" Chill baby sweet, masyado akong nagiinit sa lagay mong yan. You look so hot when you're mad! D*mn it! I'm so f*cking hard right now! " Natatawang sabi nito at dinala niya ang kaibigan ko sa isang kwarto habang ako dito nakatulala at hindi alam nangyayari.

Nakarinig na lang ako ng malakas ng sampal na siyang kinagising ng wisyo ko. Nagulat ako ng makitang nakasalampak sa sahig si rowena habang hawak ang pisngi nito. Umiiyak ito habang nakatingin kay senyorito. S-sinampal ba siya ng senyorito? Para akong napako dito at gulat sa nangyayari ngayon.

" Get out of here, sl*t! I don't want to see your face! I don't want someone insulting my girlfriend! "

Halos maputol ang ugat sa leeg ni senyorito sa lakas ng sigaw nito. Sinenyasan niya ang mga guards at nagulat na lang ako kaladkarin nila palabas si rowena na pilit na kumakawala at nagmamakaawa na huwag siyang paalisin. Nakaramdam ako ng awa dahil kahit alam kong may hindi kami pagkakaunawaan ni rowena may pamilya pa din itong sinusuportahan. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit napalayas siya kaya nakaramdam tuloy ako ng konsensya.

" There you are, my baby doll. " nagulat na lamang ako ng may bumulong mula sa likod ko at niyakap ako nito patalikod. Nandinig balahibo ko ng halik halikan nito ang batok ko. Simula ng maging kami at muntikan na may mangyari samin ay masyado na siyang naging madikit sakin. Kung nasaan ako ay naroon din siya na parang daig pa niya cctv.

" Hmmm ang bango mo " ungol nito habang ang kamay nito ay malaya ng humahaplos sa dibdib ko kaya kumawala na ako dito. Napaiwas ako ng tingin ng bigyan niya ako ng matatalim ng tingin. Mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

" P-pasensya na po senyorito. May t-trabaho pa po ako " pagdadahilan ko. Kumalma naman ang tingin nito pero salubong pa din ang kilay nitong makapal. Napahinga ito ng malalim at hinapit na naman ako papalapit dito.

"You don't need to work here, my baby doll. I can give you everything. " Seryosong usal nito habang masuyo nitong hinahaplos ang pisngi ko.

Napalunok naman ako sa sinabi nito. Siguro kung iba ay masisiyahan sa sinabi nito pero ibahin niyo ako. Mahirap ako oo pero hindi ako kayang paikutin ng pera. Dignidad na lang ang meron saming mga mahihirap kaya kailanman hindi ko tatanggapin ang ano mang offer niya.

" S-salamat nalang po senyorito. G-gusto ko pong paghirapan ang mga p-perang makukuha ko po. " Pagtatanggi ko dito. Napaiwas ako dito ng tingin dahil hindi ko matagalan ang nagbabaga nitong tingin. Sobrang lalim non na parang hinahalukay nito ang buong pagkatao ko.

" Okay, I will let you, but on one condition: stop calling me señorito. Because from now on, just call me by my name. " nakangising usal nito kaya wala na akong nagawa kundi tumango na lang. Wala na din akong magagawa dahil kailanman hindi ako mananalo dito.

" Good " ngumiti ito ng bahagya bago nito sakupin ang labi ko.

" Kiss me back, my baby doll " utos nito bago ako nito halikang malalim kaya wala na akong nagawa kundi halikan din itong pabalik.

>>>>>

What will you do when someone b*llying your friend?

Saludo sa mga kaibigan na sobrang faithful at maasahan sa lahat ng oras.

Kapag may ganyan kang kaibigan tulad ni mirasol? Keep and love them. Madalang nalang magkaroon ng kaibigan tulad ni mirasol. 😘💗

EmperatrizRedSea

𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋 🔞✔️Where stories live. Discover now