CHAPTER 23

1.2K 33 2
                                    

MIRASOL/SAUNAYA POV

NAPAHINGA ako ng malalim habang nakatingin sa kakambal ko. Ilang araw na akong dinadapuhan ng pangamba. Nag aalala ako sa kaligtasan ni mallows. Habang tumatagal na kasama ko sila graeme nakikita ko na ang totoong ugali nila. Nag simula ito ng kausapin ako ni madamé win.

' Hija i know you will find it weird but once my son hurt mallows protect her okay?. Promise me, protect mallows againts my son '

Yan ang huling iniwan na abilin sakin ni madamé win. Nung una naguguluhan ako kasi parang may kakaiba?. Nakikita ko nung una na malayong saktan ng senyorito ang kakambal ko pero tila nasagot ang tanong ko dahil pa sekreto kong nalaman na pinapatay ng senyorito kay graeme ang impakta na si sirie. Akala ko nung una nag bibiruan lang sila pero kitang kita ko sa mga mata ko kung paano p*t*yin ni graeme si sirie gamit ang baril matapos nitong gawin yon ay sinunog niya ang katawan nito. Kahit naman hindi maganda ang ganap samin ni sirie ayaw ko naman siya na humantong sa ganun.

Dun ko napatunayan kung gaano sila kad*monyo lahat gagawin nila para sa kagustuhan nila. Kaya walang araw na hindi ako nagaalala sa kapatid ko na baka pag buhatan siya ng kamay ng senyorito. Hindi talaga ako makakapag timpi na itakas o ilayo ang kapatid ko mula sakaniya. Dadaan muna sila sa kamay ko bago nila saktan ang kapatid ko. Si mallows nalang ang meron ako at hindi ako papayag na maging siya mawala sakin kaya sobrang ingat ako sa aksyon na ginagawa ko dahil baka isang pagkakamali lang mawala sakin kapatid ko.

Kaya simula noon pinagbuti ko ang pag akto ko na parang wala akong alam o nasaksihan dahil natatakot ako na kapag nalaman nila na may alam ako? Baka p*t*yin nila ako. Hindi ako takot m*m*tay. Mas takot ako sa isipang maiiwan ko kapatid ko. 

" Kambal may problema ba?. Ang lalim ata ng iniisip mo?. " Takang tanong ko dito dahil kanina pa siya tulala at tahimik.

" Wala yon ses, pagod lang siguro " pagdadahilan niya kahit ayaw ko man maniwala ay tumango ako. Alam ko kapag may problema siya o wala. Lumalaki kasi ang butas ng ilong niya kapag nagsisinungaling. Magsasalita sana ako ng tumayo ito.

" Saan ka pupunta kambal? "

" Sa washroom lang kambal. " Sabi nito kaya tumango ako.

Napahinga ako ng malalim, kung dumating ang araw na saktan ka ng senyorito ako mismo maglalayo sayo kambal mula sakaniya. Bilang nakatatandang kapatid sakaniya kailangan kong protektahan ang kapatid ko. Kahit na alam kong makakabangga kong tao ay delikado.

Napag alaman ko na hindi basta basta negosyante ang pamilya ng demok*ll at alam kong kaya nilang pum*t*y kung nanaisin man nila at wala akong pakialam kung p*t*yin man nila ako dahil sa pag ligtas ko sa kapatid ko. Ang buhay ko ngayon ay umiikot na sa kapatid ko at hindi ako papayag na may manakit sakaniya.

•••••

THIRD PERSON POV

NAPANGISI ako habang nang aakit na tinignan ang lalaking kinakabaliwan ko mula noon hanggang ngayon. He always with me and leaving he's dirty maid that he used to be. I know isa lang yon sa collection niya at hindi pa siya nagsasawa kaya binahay na ni wrency ang b*tch na yon.

Nalaman kong pin*p*tay niya ang malandi kong kapatid na si sirie na siyang kinatuwa ko ng sobra dahil gusto ko na mawala siya sa landas ko. Ayaw kong may kaagaw kay wrency. Gusto ko sana na ako ang kikit*l sa buhay ng kapatid ko pero naunahan na ako ni wrency pero ayos lang. Mabuti na din yon.

Pinalandas ko ang daliri ko sa balikat niya at hindi ko mapigilang mag init dahil nakikita ko na naman ang gwapo niyang mukha at maskulado niyang katawan na siyang pinagsawahan ko kada gabi. Gustong gusto ko kung paano niya ako angkinin hanggang gabi hanggang sa mapagod ako kagabi. Sobrang wild niya at halimaw talaga sa kama. Handa akong magpawarak basta kay wrency lang. Sakin lang siya. Sakin...

𝐒𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐈𝐋 🔞✔️Where stories live. Discover now