CHAPTER 9

670 24 1
                                    

'Please leave'

__

"I need you." anito saka nilipat ang tingin kay Kris. "You too, Professor Muran. I need you to go home, leave us alone." seryosong usal niya.

Takha kong binalik ang tingin sa kanya saka muling sinulyapan si Kris. "What are you saying, Thana?"

"Can we talk?" Tanong ni Thana sa 'kin. "Only the two of us." Dugtong niya pa.

"We can talk with Professor Muran here." Sagot ko. "It's not like we have something confidential to talk about."

"Really?" Tumaas iyong kilay niya. Mukhang nang-uuyam pa dahil sa tono niya.

"Dhayne, come on. Get your car and let's go home." Nilingon ko si Kris nang magsalita siya. Hindi nakatakas sa 'kin ang simpleng pag ngisi niya.

"Are you deaf, Professor Muran? I clearly told you I want Dhayne and me to talk privately."

"First name basis? She's your professor." -Kris.

"What is it to you?"

"Thana! Stop being disrespectful. Ano ba'ng gusto mong pag-usapan at naghintay ka hanggang gabi?" I asked. She confidently walked towards us.

Lumapit siya sa 'kin habang diretsong nakatinging sa mga mata ko. Naiilang ako sa seryoso niyang mga mata kaya napapaiwas ako. Nilingon ko si Kris na mukhang libang na libang pa sa napapanood niya.

Kris couldn't keep a serious face. She was suppressing herself from smiling.

"Dhayne..." pagtawag ni Thana kaya napabaling ako sa kanya.

Tuluyan na siyang nakalapit sa tapat ko. Her eyes are glowing and her expression softened. She was studying my face, every inch, leaving no spot left unexamined.

Is she getting weirder? Because I'm getting nervous with her presence. To think that she's this close to me made me tremble in a good way.

"You..." her arms snaked on my waist as she pulled me closer to her. Aksidente kong napahinga ang kamay sa upper chest niya dahil sa pagkagulat.

Sa pagkakataong iyon ay hindi ako nakapagsalita. Diretso lang ang tingin ng mga nanlalaki kong mata sa kanya. Habang siya naman ay walang pakealam at seryoso sa kung ano man ang ginagawa niya sa 'kin.

"You don't smell alcohol, but you smell cigarettes. You smoked." Mahinang aniya. Napalunok ako nang maramdaman ang mabango niyang hininga sa mukha ko.

Saka lang ako natauhan nang bunutin niya ang isang kaha ng sigarilyo sa bulsa ko. Pumiglas ako at agad siyang tinulak palayo. "Hey, don't cross the line." Suway ko. Pilit na binabalik ang lakas ng loob na ilang minuto atang natunaw dahil sa kanya.

"Oh," she smiled mockingly. "I will cross every line between us, Dhayne. Whenever, wherever and however I want and you have no say on that, Miss Professor." Kinuha niya ang susi ng sasakyan kong nasa kamay ko lang. Saka niya iyon pinatunog at binuksan ang pintuanng driver's seat. "Get in, we'll go home." Dugtong niya.

Ilang minuto akong napako sa kinatatayuan bago nakahakbang ng isang beses. Natigil lang iyon nang maramdaman ko ang kamay ni Kris na nakahawak sa pulsuhan ko. Saka ko lang din napagtanto na kasama ko nga pala siya.

"Dhayne just wait for a moment." Bulong ni Kris habang nakangisi. Mukhang may binabalak pa.

"Come on, Dhayne." Rinig kong inis na pagtawag ni Thana.

Natataranta ako kung sino ba ang uunahin sa kanila. Ang naiinis na estudyante o itong naglolokong babae sa harap ko. Hindi pa ba sila pagod? Kasi ako, gusto ko nang umuwi at magpahinga.

Our Fate [OUR SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon