CHAPTER 7

1.1K 45 2
                                        

'Why am I naked?'

__

"So, that's the reason why Harper acts that way." Thana looked far and sighed deeply. As if she was worried about her friend.

"I understand. Your honesty gave me enough reason to be, at least, considerate of your friend. But Thana, I know you know that I can't always let her do whatever she wants."

"Yeah. Kaya nga mahirap. You would only tolerate her to do the worst." Thana leaned backwards, on the wall. "She listens well so I'll try to talk to her."

Tumango ako sa kanya saka lumingon sa kaliwa at kanan ko. Nasa likod kami ng building ng english department at hindi ko rin alam kung bakit. Bigla nalang akong hinila ni Thana dito nang papasok na sana ako sa canteen para makapag lunch na.

Wala namang masyadong estudyante o mga guro na dumadaan dito dahil nga likod na parte na ito ng building namin. Kaya nagtataka ako kung bakit dito ako dinala ni Thana kanina. We could talk in my office though.

"Bumalik ka na sa klase mo. I have loads of work to do kaya kailangan ko nang bumalik sa office ko." I strictly instructed her. This time, as a professor.

"What about lunch?" tanong niya kaya napatingin ako sa relo ko. Malapit na'ng mag bell kaya hindi na rin naman kaya kung babalik pa 'ko sa canteen para kumain.

"I'll have it later nalang." sagot ko at nauna na siyang tinalikuran.

Nagmamadali akong bumalik sa office ko upang ihanda iyong kakailanganin ko para sa susunod ko pang klase. Masyado pa namang huli sa lesson ang pang hapon kong session kaya hindi ako maaaring lumiban sa pagkakataong ito.

Naging abala ako buong hapon na kahit ang usapan namin ni Elvira na magkikita kami ay hindi ko na magawa gawa. Naiisip ko kasing pwede naman namin iyong gawin mamaya sa archery room kaya okay lang din kung hindi kami magkikita.

Bago ko ihatid kahapon si Thana ay tinawag ako ni Leigh at agad pinaalam sa 'kin ang kagustuhan niyang kausapin ako ng pribado sa araw na 'to. Hindi ko rin mawari kung bakit kailangan niya iyong sabihin ng mahina. Kahapon ay nag iingat siyang marinig iyon ng kasama ko.

"Ma'am, pinapatawag ho kayo ni Ms. Leigh." habang nasa opisina ay naghahanda na sa pagpunta sa archery room ay may pumasok na estudyante ni Leigh sa opisina ko.

"Y-Yeah, I'll be there in ten minutes. Magkita nalang kami sa Archery room kamo." sagot ko habang nagmamadali pa ring inaayos ang mga gamit ko.

Iniwan ko ang laptop ko sa opisina dahil wala akong balak na magtrabaho ngayong weekend. Sukbit ang bag ay lumabas ako at dumiretso na sa archery room.

Wala pa naman si Leigh doon pagdating ko. Tanging ang mga players lang ang nandun, nagsisimulang mag warm up. Pagkalapag ko ng bag sa isang silyang naroon ay saktong pagpasok ni Kris sa room.

"Hey. How's your day?" tanong ko kaagad nang makalapit na siya.

"Okay lang naman. Kakapagod." nagmamaktol na aniya habang hinihimas iyong balikat niya. Umupo siya sa tabi ng upuang pinaglapagan ko ng bag ko.

Tumawa ako saka napailing nalang din. "Normal lang yan, ano ka ba. Masasanay ka rin." sagot ko habang natatawa. Sinamaan niya 'ko ng tingin.

"Hindi ako na seminar na gan'to pala kahirap maging professor. Buti nakakaya mo." -Kris.

"Malamang. Mahal ko yung trabaho ko eh."

"Mahal ko rin naman ang pagtuturo. Pero syempre, minsan nakaka-drain din. Lalo na't wala naman akong inspirasyon dito." makahulugang anito at napayuko sa sarili niyang mga paa.

Our Fate [OUR SERIES #2]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon