CHAPTER 30

1.3K 45 23
                                        

‘You can let me go now…’

__

Bago pa man dumapong muli ang mga labi ko sa leeg ng babaeng iyon ay pwersahan na ‘kong hinila ni Thana. Dahilan para mapatayo ako ng wala sa oras. 

“Ano ba?!” Hinarap ko siya. “Can’t you see? May ginagawa ako!” singhal ko. 

I am so mad at her. After months of longing, she’ll appear out of nowhere. And the fact that she seems so well. Na para bang walang nangyari, na parang hindi lang siya nawala ng ilang buwan. 

Habang gabi gabi kong iniiyakan ang biglaang paglaho niya, siya naman ay parang umalis lang para magpaganda pa lalo. At babalik lang kung kailan niya gusto. 

“Let’s go, Dhayne.” she commanded firmly. It’s like saying no is a mortal sin. And I want to keep on pushing her buttons to let her know how mad I am. 

“Hindi ako sasama sa ‘yo.” pag-ayaw ko sa kagustuhan niya at saka binawi ang kamay kong hawak niya.

I turned my back to her to grab a drink. Tinungga ko ang isang bote ng inumin sa malapit na mesa. I couldn’t go on without a drink. I needed the alcohol to give me courage and say no to her. 

“Stop that!” Marahas niyang hinablot ang bote habang umiinom ako at malakas na binasag iyon sa sahig. 

Natigilan ang mga taong malapit lang sa ‘min at pinagtinginan kami. I looked at her furious eyes. Namumula iyon. Pati na yung tenga niya at halos lumabas na ang ugat niya sa leeg. Mahigpit ang pagkuyom ng kamao niya at alam kong isang maling galaw ko lang ay talagang hindi siya magdadalawang isip na maging bayolente. 

Not that she can’t hurt me. She already did. 

“Fuck, hindi nga ‘ko sasama sa ‘yo! Get off me, Thana!” pagpupumiglas ko nang hawakan ako nito sa braso at kinaladkad palabas ng Bar. 

“I’m so done with your games, Dhayne.” she murmured habang hinihila ako sa parking lot. 

“Nasasaktan ako, Thana! Bitiwan mo-” 

“Get back to your senses, Dhayne Louise!” She yelled. 

Tuluyan na ‘kong natigilan at natahimik dahil sa pagsigaw niya. It was the first time she yelled like that at me. It was so loud that it echoed in the whole parking lot. 

Kinuha niya ang pagkakataong natitigilan pa ‘ko upang mahila niya ‘ko papunta sa tapat ng kotse niya. I knew her car so well. 

Nagsimula akong manginig sa galit nang tuluyan na ‘ko nitong hinarap. “Y-You’re full of surprises.” gamit ang mababa at nanginginig na boses at nilakasan ko ang loob na sagutin siya. “First, you hurt me. You’re the last person I ever thought would hurt me. And now, you’re here yelling at me.” 

“I am trying to take you away from that bar as gently as I could, Dhayne. But you refused-” 

“Why?! What do you expect?! Four months and you’re expecting me to accept you and act like nothing happened? Four months, Thana Morana! Four months kang nawala, ipapaalala ko lang sa ‘yo!” 

“I know you’ll be heartbroken, Dhayne! But I never imagined you going this far! Doing sexual things with those horny people is too much. At least retain your dignity.” 

“Who do you think you are to tell me what to do?” 

“I am your girlfriend…” she said, almost hesitating. 

Our Fate [OUR SERIES #2]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon