CHAPTER 15

1.1K 51 11
                                        

'I'm confessing my feelings to you, you dumb'

__

"I HOPE the intramurals will go well." Biglang sambit ni Leigh habang tinatanaw ang mga manlalaro ng archery na nag eensayo sa loob ng hall. 

Kapwa kaming nakaupo sa bleachers habang maingat na pinagmamasdan ang patapos nang pagtetraining ng mga estudyante. 

Ilang araw na lang ay intramurals na kung kaya'y pokus at abala ang lahat, hindi lang mga manlalaro kundi pati ang mga professors para sa paparating na palaro. Kakatapos lang din ng pagbibigay ng grado kaya maliban sa palaro ay wala na kaming ibang aabalahin pa. Syempre, maliban sa mga susunod pa naming aralin pagkatapos ng palaro. But for now, we need to enjoy this moment. Isang beses lang ito sa isang school year. 

Going back, I was waiting for Thana. She called me from my office earlier and told me to go see her before lunch or their break. Kaya nandito ako ngayon sa hall kahit na wala naman akong balak manuod. Patapos naman na ang training nila at ilang minuto na lang ay mag la lunch na.

"Thana's getting better in her trainig." Komento ni Leigh sa gitna ng pagse-space out ko. 

"She's already better before joining." Puna ko naman. Imposibleng hindi niya alam iyon. Kaibigan at estudyante niya si Thana. 

"You're getting closer. Mas madalas mo pa siyang kasama." -Leigh. 

Kunot noo ko siyang tinignan. Ano't nag iinarte ang isang 'to? "Why? I'll tell her to be with you often then." 

Leigh smiled before answering. "That's not what I mean. Last time I checked, you two bicker a lot." 

"We're friends now." 

"Friends…" nang uuyam na aniya, mukhang nang aasar iyong tono ng pananalita niya. 

Hindi ko na nasagot iyong huli niyang sinabi nang biglang sumulpot si Thana sa harap namin. Basa sa pawis iyong suot niyang cream na fitted sando at nakasampay sa kaliwa niyang braso ang jacket niyang kayumanggi. Ang kanan naman niyang kamay ay may hawak na brown na towel na ipinupunas niya sa noo niya kahit na mas basa iyong itaas ng dibdib niya sa pawis. 

Mas nadepina pa lalo ang katawan niya dahil sa pawisan niyang pang itaas. "Let's go." Thana said breathily. Hindi pa kunakalma ang hininga niya habang pinupunasan ang pawis niya. 

"Where to?" Tanong ko. 

"Sa office mo. We need to have our lunch." Seryosong sagot niya. Nilapag niya ang jacket sa lap ko at nagpatuloy sa pagpupunas ng pawis niya habang nililingon ang iba pa niyang mga kasamahan. 

"What about Harper?" It was random for me to ask that. 

"Why are you always asking about Harper? She has Ms. Leigh." Hindi nagtagal ang atensyon niya sa 'kin dahil tinawag siya nina Harriet at Hardin upang magpaalam na. 

Nang magbalik ang paningin sa 'kin ni Thana ay marahan niya 'kong inalalayan sa braso upang tumayo. Hinawakan ko ang jacket niya saka kinuha ang paper bag niyang binigay sa 'kin kanina pagpasok ko ng hall. Iyon siguro ang tinutukoy niyang kakainin namin para sa tanghalian. 

"Help me out too, Thana Morana." Nang aasar na ani ni Leigh at inabot ang kamay niya kay Thana. 

Bahagya siyang sinuri ni Thana bago magsalita. "You're an independent strong woman, you can stand on your own." Seryosong sagot ni Thana na nagpatawa kay Leigh. 

Bigla'y may hawak nang bottled water si Thana na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Uminom siya ng tubig doon at saka na ako inayang lumabas. 

"I'm really starving, let's go." Aniya saka nilingon si Leigh. "Harper's in lover's lane, malapit sa engineering building." Paalala niya kay Leigh. 

Our Fate [OUR SERIES #2]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon