'Langga,'
__
A tiny smile plastered on Thana's face when she heard my response. I was breathless while waiting for her to withdraw. Our position is kind of too close for me.
Nataranta ako nang makarinig ng katok mula sa labas. Ngunit itong kasama ko ay parang wala lang sa kanyang nilingon ang pinto nang hindi pa rin umaalis sa pwesto niya kaya ako na mismo ang nagtulak sa kanya. Mabilis akong tumayo at pinagbuksan ang kung sino man ang kumatok. Si Leigh.
"What?" Tanong ko sa presensya ni Leigh.
"I decided to eat lunch here so we can discuss the issue." Sinundan ko siya ng tingin nang pumasok siya sa loob at sumunod sa kanya si Harper. Parehas silang umupo sa sofa, katapat kung saan nakaupo si Thana.
Umiling ako. "You know I hate talking about work while eating." I closed the door and went back to my seat.
"You have no choice." Ani ni Leigh.
"What issue are you going to tackle?" Kuryosong tanong ni Thana kay Leigh.
"Hindi mo alam?" -Leigh.
Tinignan lang siya ni Thana. At mukhang nakuha naman ni Leigh ang tahimik na tugon ng estudyante. "Well, Professor Muran was suspected of having a secret relationship with Dhayne."
Lumipat ang tingin sa 'kin ni Thana. She suspiciously looked at me. Alam ko, wala mang emosyon iyong mga mukha niya ay alam ko na ang iniisip niya. At mukhang alam na niya o narinig na ang usapang iyon. Sadyang nakumpirma niya lang sa araw na 'to.
Bago pa man tumaas ang tensyon sa tinginan namin ni Thana ay muli nang nagsalita si Leigh.
"Let's eat. We're starving." Agaw atensyon ni Leigh dahilan upang maputol ang tinginan namin ni Thana.
Nagsimula silang maghanda ng pagkain nila saka sabay sabay kaming kumain. Naging tahimik ang hapag at ang tanging ingay lang na maririnig ay iyong tunog ng kutsara sa pinggan at ang hindi matigil na pagkuwento ni Harper.
"Kaya sabi ni Nanay, hindi raw pwede iyon. Dapat daw isa lang. Kaya hindi na 'ko nakikipagkita sa kanya." Sambit ni Harper na hindi ko alam kung ano iyong ibig niyang sabihin. Siya lang ata at si Leigh ang nagkakaintindihan.
Kinuha ni Harper iyong lalagyan niya ng tubig at sinubukang buksan iyon. Ngunit nang hindi niya nagawa ay muli niya iyong binalik sa table.
Napaangat ako ng tingin nang magkasabay iyong nahawakan ni Leigh at Thana. Kapwa nag uunahan kung sino ang bubukas ng lalagyan ng tubig ni Harper. Matalim pa silang nagkatitigan kaya nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang tatlo.
Si Leigh na nagtataka sa naging kilos ni Thana. Si Thana na biglang sumama ang timpla ng mukha at si Harper na hindi sila pinapansin, bagkus ay nagkukwento pa rin habang nagsusubo ng pagkain niya.
Sa huli'y hinayaan na lang ni Leigh si Thana. Siya na ang nagbukas ng tubig at saka iyon binigay sa kaibigan na hindi na nawalan ng boses kakakuwento.
"I think you should finish your food first, Harper. Mamaya ka na magkuwento." Striktong sambit ni Thana sa kaibigan.
"Bakit?"
"Ang ingay mo." -Thana.
"Edi huwag ka makinig." Supladang sagot ni Harper.
"Did you just talk back to me?" Sumeryoso si Thana at biglang nawalan ng emosyon ang mukha niya habang sinusuway si Harper. Binitawan ni Thana ang hawak na kutsara at tinidor at akmang tatayo kaya pinigilan ko siya sa braso.
BINABASA MO ANG
Our Fate [OUR SERIES #2]
Teen FictionHating people and making them hate me is what I do. It doesn't matter if I did it intentionally or not. For years, I have been living my life giving disappointment, hatred, and putting those people's lives in danger. I don't care because that's how...