I am willing to forget all the pain her absence had cost me in exchange for her return.
__
I DROVE to Bar D' Montero as fast as I can. Mahigpit na ipinagbawal ni Leigh na huwag kaming pumunta ng ASU para doon pag usapan ang pribadong bagay. Hindi maaaring malaman ng mga tao sa ASU ang nangyayari upang mapigilan ang posibleng gulo na magiging dulot nito.
Pumasok ako sa opisina ni Tita Maxine at gaya ng inaasahan ko ay naroon silang lahat. The serious face Tito Addrienne made makes me more nervous. My Thana, I can't lose her.
"What's happening?" I asked breathily trying to take a peek on Tita Maxine's laptop. May tinitignan si Tita Maxine at Tito Addrienne doon.
"Gayle and Thana are in danger. Simon took them and luckily, your girlfriend is smart enough to leave her phone location active." Sagot ni Tito Addrienne.
"Where are they? At bakit hindi pa kayo gumagalaw? We need to rescue them bago pa may mangyaring masama sa kani-"
"Dhayne, calm down. Tito Addrienne's people are tailing them. With the police. Sa ngayon hindi pa tayo pwedeng sumunod hangga't hindi pa humihinto sa paggalaw ang location ni Thana." -Leigh.
"But, paano kung may gawing masama si Simon sa kanila-"
"We noticed na nag stop over sila sa isang mall. Thana did not move but I suspected that Gayle went inside the mall with Simon. Maybe to do something." -Addrienne. "After fifteen minutes, the dot started moving again. They're currently heading to the old stock room of GS Malls."
"Dhayne," pagtawag ni Kris saka ko siya nilingon. "Check your bank account. Maybe it was the blank check you gave my wife."
Sinunod ko ang utos na iyon ni Kris at hindi nga siya nagkamali. Nabawasan ng malaking halaga ang laman ng bank account ko ngunit hindi alintana iyon sa 'kin. Mas iniisip ko pa ang magiging lagay ni Thana kaysa sa laman ng bangko ko.
Nanlulumo kong tinago ang cellphone sa bulsa at kinakabahang tinignan ang laptop ni Tito Addrienne. Sa kabila ng katotohanang wala akong maintindihan maliban sa isang berdeng bilog na gumagalaw ay kinakabahan pa rin ako.
"How much money did he take from you, Dhayne?" Tanong ni Tita Maxine.
Umiling ako. "A small amount."
"Million?" -Tita Mikee.
"Billion." Wala sa sariling sagot ko.
"One billion?" -Tita Mikee.
"Ten."
"Ten billion?! You mean ten fucking billion?" Hindi makapaniwalang usal ni Kris na sinagot ko lang ng tanging tango.
Ako man ay wala ring magagawa sa halagang iyon. Ang mas importante sa 'kin ay maging ligtas si Thana kung saan man siya ngayon. Tahimik at patuloy ako sa pagdarasal na sana ay walang masamang mangyari kay Thana.
God, please help my girlfriend and Gayle. I can't afford to lose her. Please. I'm begging you.
Pinahid ko ang iilang butil ng luha na tumulo sa mga mata ko. Tahimik, walang ingay at hindi ko namamalayang kung ano ano na ang pumapasok sa isipan ko.
"Dhayne, come here." Tinawag ako ni Leigh sa isang sulok ng opisina ni Tita Maxine.
Sumunod naman ako sa kanya. "What?"
"You trust Thana, right? With all your heart?" Tanong niya habang hinahawakan ang kanang kamay ko. Ang kabilang kamay naman niya ay pinupunasan ang luha sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Our Fate [OUR SERIES #2]
Fiksi RemajaHating people and making them hate me is what I do. It doesn't matter if I did it intentionally or not. For years, I have been living my life giving disappointment, hatred, and putting those people's lives in danger. I don't care because that's how...
![Our Fate [OUR SERIES #2]](https://img.wattpad.com/cover/308289057-64-k674440.jpg)