CHAPTER 18

769 25 7
                                    

'I will be dating all your ten personalities. So, will that be considered cheating?'

__

"WE can't control the rapid spread of rumors, Ms. Aragon. The students are questioning the higher office about the truth." -Alondra Madrigal, Asst. Dean.

Mula pa man dati ay hindi na pinagkakaitan ng ASU ang mga estudyanteng maglabas ng sariling opinyon sa nakakataas. Bukas ang unibersidad sa kung ano mang hinaing ng bawat kasapi ng paaralan. Kung kaya'y hindi nakakagulat na ito ang naging bunga ng kung ano man ang isyu'ng mayroon kami ni Kris ngayon. 

"I mean, we could just tell them the truth. It's not that easy to explain if only they will open their ears." Kampanteng sagot ko. 

Kris is not here. According to Elvira, she's been absent for almost a week now. Hindi raw nito nakita si Kris simula pa noong Linggo. Sigurado naman daw siyang alam ni Kris ang mga nangyayari sa loob ng ASU ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pinili na lang niyang manahimik. 

"It's not really hard to control the whole college campus, especially if they have been obedient to the Dean. Or maybe… Gayle?" Dugtong ko. Tatlong tao lang naman ang makakagawa ng paraan upang maayos kong maipaliwanag ang lahat ng ito. 

Gayle, na imposible namang mangyari dahil may sarili naman siyang mundo sa Australia. Tita Mikee na hindi ko alam kung paano ko hahagilapin at ang Dean na mukhang hindi naman willing na tulungan ako. Mukhang hinahayaan nga lang niyang kumalat ang isyung to. Sigurado akong kung hindi damay si Kris dito ay hindi siya magpapatawag ng ganitong meeting. 

Kunwari pa siya, eh nagpapa impress lang naman sa may-ari ng school. Mukhang wala nga lang siyang pakealam na nakaupo sa head ng table at nagsusuri pa ng tablet niya. Ako, si Leigh at ang Asst. Dean lang ang nagtitinig sa loob. Iyong iba pang Professor sa English Department ay nakikinig lang at siya naman ay pokus sa gadget niya. 

"If that's what you want, then let's do it." Inangat ni Dean Eliazar ang tingin sa 'kin. "I can't understand why these students are getting emotional and taking the rumors personally. In fact, it's none of their business."

Mabuti naman ay may nasabi kang tama Dean. 

"But maybe they want to take action about the possibility that the owner of this school is being betrayed by you and her wife." -Dean Eliazar. 

"I would never do that." Sarkastikong sagot ko. 

"We should ban dating inside the school, especially between those of the same sex, don't you think, Ms. Madrigal?" Dugtong pa niya. 

Anong connect? Nahihibang ba siya? Banning the same sex relationship pero yung may ari, kasal sa kapwa niya babae? 

"I don't think it will make sense, Dean." Sagot ko. "The owner of this school is married, sa kapwa niya babae. Do you think it is understandable to suddenly ban same sex dating? You'll be branded as homophobic if you'll do that." Matapang na sagot ko. 

"Naiisip ko rin iyan, Ms. Aragon. Gagawan ko ng paraan upang maipasa ang batas na iyan." 

"Are you using Kris and my issue to do this? Baka naman ito talaga ang agenda mo sa school na 'to, Dean. Make your own rules for what?" Because it doesn't make sense to me. 

Paanong nakaabot siya sa ganitong usapin kung ang pinunta namin dito ay pag usapan ang issue namin ni Kris. Hindi ba't nakakadudang ginagamit lang niya ang issue para gawin ang gusto niya. 

"I'm just protecting-" 

"Protecting what, Mr. Eliazar?" Nakakatuwang sabay kaming lahat sa loob ng room na napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Mula sa bukana ng conference room ay nakatayo si Gayle suot ang usual office attire niya. 

Our Fate [OUR SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon