'Why, Ms. Liar?'
–
"Are you sure Thana will attend the meeting later?" tanong ni Leigh sa 'kin.
I shrugged. "I'm not sure. Salamat nalang at may nakita rin si Kris na isa pa para at least kapag hindi dumalo si Thana mamaya, wala tayong problema." mahinang sagot ko ngunit hindi ko maiwasang umasa na sana nga ay dadalo si Thana mamaya.
Kasalukuyan kaming nasa opisina ni Elvira. Hindi pa man nagsisimula ang pagpupulong ay maaga akong pumunta para sabihin sa kanyang hindi ako sigurado sa estudyante niya. Maayos lang naman iyon kay Elvira dahil hindi naman siya umaasang dadalo nga iyong si Thana.
"She's really hard to please so I'm expecting this. Anyways, wala ka bang klase ngayon?" tanong niya sa 'kin. Nasa mini sala ako ng opisina niya, nakasandal dahil sa nararamdaman kong pagod. Kaninang umaga pa 'ko nakatayop at ngayong alas dos lang ng hapon natapos ang klase ko.
Hindi naman kasi biro ang ginagawa ng mga professor na gaya ko. We have to deal with hundreds of students everyday and we're expecting to do something effective so that students will earn some knowledge.
Ang malala pa'y kailangan naming makipaghalubilo sa iba't ibang klase ng estudyante. Mga estudyanteng iba-iba ang lebel ng pag unawa. At the same time, it feels fulfilling to be someone's reason to learn. Mahirap, pero sa kabilang banda ay masaya.
Nakatulogan ko ang paghihintay ng oras na magsisimula ang meeting namin. Naalimpungatan lang nang maingay na pumasok si Kris sa opisina ni Elvira dala iyong estudyanteng nakuha niya.
"Hello everyone. I would like you to meet Hardin Legaspi, AB Psych student." pagpapakilala ni Kris. Nakangiting tinanguan ni Elvira ang estudyante at ako naman ay sinuri lang ito.
Matangkad at medyo matikas ang katawan niya. Okay na din. Pinaupo siya ni Elvira sa sofa habang hinihintay namin ang isa pang estudyante na nakuha ni Elvira. Hindi naman iyon nagtagal dahil iilang minuto pa ay may pumasok ring babae sa loob ng office ni Elvira.
"And this is Gail Harriet Hondonero, first year archi student." pagpapakilala ni Leigh. Napansin ko ang mabilis na paglingon ni Kris nang marinig ang pangalan ng estudyanteng iyon.
"Harriet nalang po." nahihiyang ani pa ni Harriet. Tumawa si Elvira saka ito pinaupo sa sofa.
"Wala na bang kulang? Dhayne?" tanong ni Kris nang nakaupo na kaming lahat at handa na sa pagsimula ng pagpupulong.
"Wala na. Don't expect for that Thana to come." walang ganang ani ko. Umasa pa naman akong tutupad siya sa usapan namin. I'm a bit disappointed.
Kahit naipakilala na ay sinimulan pa rin ni Elvira ang meeting sa pagpapakilala sa 'min sa isa't isa. Mga estudyante na sina Hardin Legaspi at Gail Harriet Hondonero at syempre, kaming tatlo.
Nagtataka pa 'ko kung bakit kami lang dahil buong akala ko ay buong English department ang maghahandle ng archery ngunit ipinaalam sa 'min ni Elvira na ipinagkatiwala na niya ang English club sa iba pang Professor sa pamumuno ni Prof. Raffy Caspe.
"Before we start, I would like to inform you that this archery club is our newest club. Kaya wala tayong old players at wala kayong kailangang bayaran sa club na 'to." pagsisimula ni Elvira.
"Yeah, you don't have to worry about anything because the school will shoulder the expenses for your training. And you need to start your training earlier than other athletes." dugtong pa ni Kris. Tumango iyong dalawa naming players. "And, you know how the intrams work right. You'll compete with the juniors and senior before competing with other universities." -Kris
BINABASA MO ANG
Our Fate [OUR SERIES #2]
Novela JuvenilHating people and making them hate me is what I do. It doesn't matter if I did it intentionally or not. For years, I have been living my life giving disappointment, hatred, and putting those people's lives in danger. I don't care because that's how...