CHAPTER 25

933 32 7
                                    

'Girlfriend ko 'yang hinahawakan mo.'

**

A/N: Warning! [R18+] This part of the story may contain scenes not suitable for young and/or sensitive readers. Read at your own risk. 

__

Wala sa sariling tumulo na naman ang luha ko. "Bakit ngayon ka lang?" I asked, crying in her arms. 

Naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko. “What happened to you? I was expecting you to eat well and avoid beer after I changed my dress last Saturday.” hindi ko naiintindihan kung ano ang tinutukoy niya. 

Ibinaon ko ang mukha sa leeg niya habang umiiyak pa rin. Niyakap ko siya ng mahigpit upang hindi na siya makawala pa. Bahagya niya ‘kong tinulak upang kumalas sa pagkakayakap sa kanya ngunit nagmatigas ako. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakapulupot ng mga kamay ko sa bewang niya. 

Hindi siya nagtagumpay na kumawala sa mga yakap ko kaya binuhat ako nito at dinala sa kama ko. I tightly hugged her neck at kahit nailapag na sa kama ay hindi ako bumitaw sa kanya. 

“Dhayne, you need to let me go.” mahinahong aniya. 

“No,” tingin ko ay hindi pa rin nawala ang epekto ng alak sa sistema ko. “I don’t want you to leave.” 

“I’m not leaving, Dhayne.” Hindi ako naniwala sa kanya. Hindi ko siya binitawan hanggang sa hinayaan niya na lang din ako. 

Umayos siya ng upo at sumandal sa headboard ng kama ko. I straddled her without a plan of letting her go. Ibinaon ko ang mukha sa leeg niya habang nakayakap pa rin sa kanya. 

“Are you killing yourself?” malambing na tanong niya. 

“Yes.” walang prenong sagot ko. 

“What’s happening?” 

“I want you back.” nagsimula na naman akong maging emosyonal. “Please come back, Thana. Hindi ka ba pwedeng umuwi na ulit sa ‘kin?” I asked while trying my best not to sob. 

“I think you’re the one who needs to come back, Dhayne. I’ve been waiting for you to return.” hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya. 

“You told me to back off. You asked me to never talk to you again so you can move on.” 

“I was driven by my emotions, Dhayne. When I left you on the road that day, I came back. Binalikan kita upang bawiin yung mga sinabi ko but you were gone.” 

“Sinungaling.” 

“Bumalik ako sa bahay mo ang waited for you. Pero hindi ka dumating. Hindi ako ang umalis, Dhayne. Ikaw yung hindi na nagpakita.” patuloy niyang hinahaplos ang likod ko. “I waited for you and looking for the right timing to talk to you at ASU. Pero hindi ka nagpapakita, hindi ka lumalabas. At kapag nasa labas naman ay hindi ka nagsasalita.” 

“What am I supposed to do? I was in pain.” 

“I understand. Pumunta ‘ko rito para bawiin ka.” 

“How’d you know my house?” 

“I have sources.” 

Hindi ko na nasundan ang pag-uusap namin dahil bigla na lang akong nakaramdam ng antok. Nakapikit ako kaya madaling hilahin ng antok. 

“Please don’t leave.” antok na bulong ko bago tuluyang nakatulog. 

Gusto ko mang ipagpatuloy ang pag uusap namin ay mas nanaig pa rin ang antok at pagod ko. Tingin ko, ay isang linggong pagod at antok ang naramdaman ko nang makita ko si Thana. It’s like she has magic powers to make me feel like this. 

Our Fate [OUR SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon