Hirap sa paglalakad at pagdala ng parihabang baul kung saan nakapaloob ang mga inukit niya gamit ang kahoy, ay nagpursigi si Thana at pinilit ang sariling makarating sa sakayan ng bus. Halos sigawan na siya ng konduktor dahil sa bagal at hirap nitong kilos.
Gayunpaman, nang maisaayos na niya ang mga gamit at nakaupo na ay napangiti na lang din siya. Hindi niya lubos maisip na magkakaroon siya ng pagkakataong maibenta at ibahagi sa kanya ang mga obra niyang halos isang linggo niyang pinagpuyatan.
Alang alang sa kakasilang lang niyang anak ay walang pagod na namutawi sa mukha niya. Sadyang sabik lamang siya sa katotohanang kapag naibenta niya lahat ng gawa niya ay magkakaroon siya ng sapat na perang ipambili ng gatas at iba pang kakailanganin ng anak niya.
Nang binigyan siya ng oportunidad ng kaibigan na lumuwas mula sa probinsya nila at maibenta ang mga gawa niya sa isang malaking unibersidad ay hindi na nagdalawang isip pa si Thana. Hindi man siya pamilyar sa EMU ngunit alam niyang malaki ang maitutulong nito.
Isang malaking unibersidad na mayayaman ang mga nag-aaral? Imposibleng hindi nila magustuhan ang mga woodcraft ko. Anito sa isipan niya.
Ang kaibigan na niyang si Nolen ang nag asikaso ng lahat. Ang tent na kakailanganin niya, ang mga mesa ay nakahanda na rin daw. Ang kailangan na lang niya ay dalhin ang mga nagawa na niyang wood art at idisplay iyon for sale.
May malaking patimpalak sa pagsasayaw sa EMU. Iba’t ibang kalahok na nagmumula pa sa ibang unibersidad kaya sigurado si Thana na mauubos ang magiging paninda niya.
“Thana, kanina pa kita hinihintay. Jusko akala ko hindi ka na darating.” ani ni Nolen habang sinasalubong siya nito.
Kinuha ni Nolen ang mga dala niya at nilapag ito sa mesa. “Ano ka ba? Kailangan kong gawin ‘to para sa anak ko. Alam mo naman na hindi pa nagdadalawang buwan si Nepthalie.” maingat na sagot ni Thana.
Halos mahiya pa siya nang ilibot ang paningin sa ibang stalls na naroon. Halos lahat kasi sila ay naka uniporme pa habang siya ay parang dugyot na hindi man lang maayos na naplantsa iyong damit. Huminga siya ng malalim at pinaalala sa sariling wala siya roon para makipagcontest sa damit ng ibang mamimili. Naroon siya para sa anak niya.
“Hay naku! Kung maayos lang sana iyang asawa mo’t inuuwian kayo palagi, hindi mo na kailangan mangibang bayan para sa pera!” pagbubunganga ng kaibigan niya. “Iyan kasing nanay mo, mamamatay na lang pinilit ka pang makipagkasal sa lalaking iyan. Yun tuloy yung napala mo!” halos matawa si Thana sa kaibigan.
“Hayaan mo na, Nolen. Ikaw talaga.” mahinhin na sagot ng dalaga at tinulungan ang kaibigan saa pagdisplay ng benta nila.
“Kung hindi ka pinilit ng nanay mo, edi wala sanang problema.”
“Kung hindi ako pinilit ng nanay ko, wala akong Nepthalie ngayon.”
“Aba, Thana. Mahal na mahal ko iyang anak mo pero kung wala rin si Nepthalie, hindi ka maghihirap ngayon. Dalawa kayo ni Khairo ang nagpasarap tapos ikaw lang ngayon ang naghihirap para sa inyong dalawa.”
“Hayaan mo na kasi.”
“Sobrang bait mo, naaabuso ka na.” naiiling na ani ng kaibigan niya.
Simula pa bata si Thana ay kilala na niya si Khairo. Madalas itong bumisita sa bahay nila dahil kaibigan ito ng kuya niya. Minsan pa ay kasama ito ng Nanay niya sa paggawa ng mahihirap na gawaing bahay lalo na’t sa bukid sila nakatira.
Hindi nagtagal ay nagpakita ito ng pagkagusto sa dalaga. Kung tutuusin ay hindi bagay ang antas ng pamumuhay nila ayon kay Thana. Mukhang may kaya iyong si Khairo habang siya naman ay babaeng bukid lamang na lubos niyang ikinahihiya.
BINABASA MO ANG
Our Fate [OUR SERIES #2]
Teen FictionHating people and making them hate me is what I do. It doesn't matter if I did it intentionally or not. For years, I have been living my life giving disappointment, hatred, and putting those people's lives in danger. I don't care because that's how...
![Our Fate [OUR SERIES #2]](https://img.wattpad.com/cover/308289057-64-k674440.jpg)