Please Vote! :)
Copyright © 2012 by ImpressMeNot
All Rights Reserved. Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, is forbidden without the permission written from the writer.
The character, names and events in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is conincidental and not intended by the author, and all the incidents are merely invention.
*************************************
A/N:
This will be my first and hopefully my last a/n before the story.
Sana bigyan nyo 'to ng chance. Medyo hindi siya okay sa mga first chapters niya (para sa 'kin). Pero after ng hiatus ko, mas better na sya (I think). :)
Tinry ko na din i-edit (yung mga unang chapters) pero ayoko naman sila baguhin totally. So just give it a try.
That's all. Keut!
*************************************
NAGMAMADALING maglakad si Krisha papunta sa kanyang unibersidad. Hindi siya pwedeng ma-late dahil kapag nahuli siya ni Ms. Valdez, na siyang tagabantay sa gate para sa mga estudyante na late tulad niya, ay mabibigyan na siya ng parusa. Limang magkakasunod na beses na siyang nale-late pumasok at limang beses na din siyang napagsasabihan ni Ms. Valdez. At kapag nahuli nga siya nito ngayon ay malamang na may parusa na siyang matatanggap.
Napakahigpit sa kanilang unibersidad pagdating sa oras-hindi niya alam kung bakit. Pakiramdam niya tuloy minsan ay nasa high school pa rin siya.
Kaya naman simula ng lumipat sila ng bahay ay palagi na lamang siyang nahuhuli sa klase. Hindi dahil sa late siyang gumising kundi dahil sa layo ng kanilang nilipatan. Idagdag pa ang traffic na nagiging sanhi ng lalong pagtatagal ng biyahe niya.
Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya si Ms. Valdez na may pinapagalitan na estudyante. At isa lang ang dahilan nun, late ito. At wala siyang plano na muling mapahiya sa harap ng ibang estudyante kaya naman hindi siya dumiretso sa gate bagkus ay nagtungo siya sa gilid ng unibersidad. Kahapon ay naisip niya na baka ma-late na naman siya kaya naghanap siya ng ibang daan kung saan hindi siya makikita ni Ms. Valdez.
Iba na talaga ang mautak, nakangising saad niya sa sarili.
Kahapon ay naglagay siya ng upuan sa kabilang bakod upang maapakan niya dahil may kataasan ang tatalunin niya kung wala iyon. Hinila niya ang basurahan na nasa gilid at tinakpan iyon upang maapakan niya.
First step, perfect!
Ngayon, kailangan niya na lang bumaba sa bakod para makapasok na siya dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang pangalawang klase niya. Ngunit nang silipin niya ang ibaba upang hanapin ang upuan na iniwan ay iba ang kanyang nakita.
Si Sebastian del Rosario. Transferee at fourth year student. Hindi kaila sa kanya ang taglay nitong kakisigan pero hindi din naman iba sa kanya ang taglay nitong kayabangan at kasupladuhan sa katawan. Lahat na 'ata ng negative energy ay narito. Maraming babae sa kanilang unibersidad ang nagkakagusto rito. Iyong iba hayagan ang pagsasabi na gusto ito samantalang ang iba naman ay animo stalker o admirer ang drama.
Magkakilala sila nito pero hindi sila close. Madalas lamang silang magkita tuwing kailangan niyang magtungo sa student council office para magpapirma sa mga ito tuwing may sasalihan silang tournament sa labas ng unibersidad.
Now, nasa malaking peligro siya dahil oras na makita siya nito ay baka isuplong siya nito kay Ms. Valdez. Dahil sa kabila ng maangas na ugali nito ay hindi niya alam kung bakit naging miyembro ito ng student council.
BINABASA MO ANG
Elaine: The Falling Star
RomanceThey say that memories is the greatest weapon of all people next to love. But what will you do if both of this weapon was taken to you? They say that promises are worse than lies. But what if he lied just to keep his promises? This is why relation...