"ANONG ginagawa mo dito?" tanong ni Krisha kay Sebastian.
"I should be the one asking you," lumapit ito sa kanya. "Anong ginagawa mo dito sa bahay namin? At bakit ganyan ang suot mo?" tanong nito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
Simpleng pants at t-shirt na pinatungan ng jacket ang suot niya. Nakapatong pa din sa ulo niya ang helmet na gamit niya.
"Bahay mo 'yan?" tanong din niya imbes na sagutin ito. Nilingon niya ang bahay.
Alam niyang may kaya ang pamilya nito ngunit hindi niya inaasahan na ganoon ito karangya. Kung iisipin niya, del Rosario ang apelyido nito. Hindi kaya konektado ito sa pamilya del Rosario na nagmamay-ari ng isa sa sikat na gasoline station sa bansa at sa leading engineering company na ADR Philippines, Inc.?
Naputol ang kanyang pagninilay nang bigla nitong hawakan ang kanyang mga kamay at hinila siya papasok sa loob ng bahay nito. Nakakailang hakbang pa lamang sila ay huminto siya sa paglalakad. Nilingon siya nito.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Dadalhin kita sa loob para mapatunayan ko sa'yo na bahay namin ito," nginitian siya nito. Sa pagkakataong ito ay walang halong pang-aasar ang mga ngiti nito.
Bakit ito masaya? Hindi kaya dahil sa babaeng kasama nito kanina? Pero mukhang may LQ ang mga ito.
"Hindi na kailangan, marami pa kasi akong gagawin," nang tingnan niya ang kanilang kamay na magkasalikop ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi naman siya nagkakaganon sa ibang lalaki kaya nagtataka siya. Hinila niya ang kamay sa pagkakahawak nito.
Bumalik siya sa gate at nilapitan ang matandang hindi umaalis sa pagkakatayo roon.
"Manang, kunin ko na ho ang bayad," aniya.
Dali-dali naman nitong iniabot sa kanya ang pera. Hindi na siya nag-abala na bilangin pa iyon.
Lumakad siya palapit sa motorsiklo. Sumakay siya roon at inayos ang suot na helmet bago binuksan ang makina. Bago pa man niya mapaandar ang sasakyan ay humarang sa harap niya si Sebastian.
"Dito ka na kumain Elaine," imbita nito sa kanya.
"Hindi pwede Seb, kailangan ko nang bumalik sa resto baka kasi pagalitan ako ng boss ko kapag nahuli ako ng balik," paliwanag niya.
"Dito sa bahay ko ang pinaka-huling maiisip ko na makikita kita, Elaine. So let us take the chance, tutal nandito ka na rin lang. Mag-cease fire muna tayo," suggestion nito.
Nasa mga mata nito ang page-expect na papayag siya. Habang tumatagal ay unti-unting lumalambot ang puso niya sa lalaking ito. Pero hindi pa siya handang harapin ang kung anumang nararamdaman niya ngayon.
Sa kabila kasi ng pagiging mayabang nito ay nakikita niya na may mabuting kalooban ito. Oo at hindi nga naging maganda ang una nilang pag-uusap pero kahit kailan hindi naman siya nakaramdam ng galit dito.
Weird mang isipin pero simula ng makilala niya ito ay naging masaya ang dating boring na buhay niya. Kahit pa nga puro pang-aasar lang ang ibinibigay nito sa kanya.
At sa paminsan-minsang pagsulpot nito sa buhay niya ay unti-unti na itong nagkakaroon ng puwang sa puso niya.
"Pasensya na Seb, but I really have to go or else,"
"Or else what?" nakangiting tanong nito.
"Or else ikaw ang magbabayad ng sahod ko at haharap sa boss ko bukas," nakangiting sabi niya.
"Sure," mabilis nitong sagot. "Kung iyan lang ang iniisip mo, kayang-kaya kong bayaran ang isang gabi mo para lang pumayag ka na sumamang kumain sa akin. Your boss? I can handle him."

BINABASA MO ANG
Elaine: The Falling Star
RomanceThey say that memories is the greatest weapon of all people next to love. But what will you do if both of this weapon was taken to you? They say that promises are worse than lies. But what if he lied just to keep his promises? This is why relation...